Pagod.
Yan ang nararamdaman ko ngayon. Shit ang sakit na ng kamay ko kaka-drums. Drain na drain na yung energy ko, anong oras na nga kami umalis ng bahay? Simula ng malaman ng tao yung tungkol sa relasyon "kuno" namin ni Rory ay mas lalong napuno yung schedule naming apat, araw-araw walang palya. Hindi pa kami nagkakaroon ng isang araw na pahinga. Aah~ namimiss ko na yung kama koo. Miss nya na rin kaya ako?
"20 minutes lang ang break nyo guys kaya sulitin nyo na dahil pagkatapos nyong magpahinga ay may fan signing event pa kayo"rinig kong sabi ng manager namin. Kaya naman agad kong inunat ang mga paa ko dahil baka mag-crumps mamaya.
Walang nag-iingay samin ngayon. Ganito na kami kadalasan tahimik kami para ramdam naming sulit yung ilang minutong pahinga lang namin. Pero may mga araw talaga na sobrang ingay namin na kahit pagod na pagod na kami ay nagagawa pa rin naming mag-ingay at gumawa ng kalokohan.
"Last na ba yan?"tanong ko kay Ate May kahit hindi nakatingin sa kanya.
"Oo hangang 7:30"sagot nya naman.
Bumuntong hininga na lang ako dahil ilang oras na naman akong uupo. Ang sakit na ng pwetan ko, save me pleeeesss!
Pinikit ko na lang ang mata ko, susubukan kong matulog kahit ilang minuto lang dahil pakiramdam ko pag hindi ko gagawin toh baka bigla na lang akong matumba.
I felt my phone vibrated many times kaya kinuha ko ito at binuksan. Pagkakita ko ay mga notifications, pinangtignan ko yun isa-isa napaikot ako ng mata ko ng puro pictures at videos tungkol kay Rory ang nakikita ko. Tinag ng mga fans sakin, isa pa toh sa mga kinaiinisan ko ngayon. Yung pagme-mentioned nila sakin at pagtatag.
Na sa santiago ang RIFAS ngayon for their world tour, siguro mga isa't kalahating buwan pa bago ko makikita ulit ang pagmumuka ng Pilarmeong yun.
Naiinis talaga ako pag naaalala ko yung eksenang ginawa nya sa harap ng maraming tao sa airport. Gustong-gusto ko talaga syang bigwasan ng mga oras na yun.
°FLASHBACK°
"Tae. Kailangan ba ng ganito?"tanong ko sa kanila. Na sa loob pa rin kami ng van kasama ko si Ate May yung manager namin.
"Duh! Pupunta ba tayo dito kung hindi"pabalang nyang sagot sakin,inukutan ko na lang sya ng mga mata ko.
"Ikaw na lang kaya"sabi ko sa kanya
"Ako ba girlfriend nun?"
"Aishh"
"Bilis, bumaba ka na ng maka-alis na tayo may show pa kayo"sabi nya sabay tulak sakin. Letse talaga! Special child ba si Rory? At kailangan talagang magpakita pa ko sa kanya.
Inis kong binuksan yung pintuan ng van at bumaba ng sasakyan. Hindi na ko nagulat sa dami ng fans ng RIFAS ang pumunta ngayon kahit sa labas ng airport.
Napalingon silang lahat sakin kaya ngumite ako agad. At wala pang isang segundo ay puro sigawan na ang naririnig ko at click ng mga camera.
"Oh Em Geeeee"
"Shiiiiiiit!"
"Si Saintlyneeeee"
Apat na bodyguard ang naka-palibot sakin ngayon dahil sinusubukan na ng mga fans na lumapit sakin. Laking pasasalamat ko talaga dahil kung hindi stampede talaga ang mangyayari sakin.
Nang makapasok kami sa loob ay mas maraming tao pa ang sumalubong sakin. Shit! Hindi kaya madurog na ko nito? Para na kong sardinas nito, mas lumiit yung espasyo ko at medyo dumikit na yung apat na bg sakin dahil sa dami ng tao.
"SI SAINTLYNEEEEEEE!!!"
"OH EM GEEEEEE!!!"
Nangangawit na yung panga ko sa kakangite.

YOU ARE READING
Simula Pa Noong Una
Teen FictionHanda ka bang itaya ang buhay mo sa isang misyong walang kasiguraduhan na mabubuhay ka pa? Meet Saintlyne Romero kasama ang mga kaibigan nya na isasabak kaagad sa isang misyong isang persyento na lang ang pag-asa nilang mabuhay.