Tamad akong nakatingin ngayon sa stage kung saan nagpe-perform ang RIFAS the so called boy band group of this academy.
Totoo na banda sila. As in they debuted last year and girls go crazy at them,well at least not all of them!
May event ngayon kaya nandito kami sa gym para panuorin sila. They're promoting their album for this month. I'm sure Hell doesn't like this,she hates them especially Idris Calante.
Sinabi ni Sevi kung ano yung nangyari and it turns out a childish fight I think?
"[Chorus:]
Ako'y alipin ng pag-ibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo
Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin[Verse 2:]
Hindi mapakali
Hanggang tingin nalang
Bumubulong sa'yong tabi
Sadyang walang makapantay
Sa kagandahang inuukit mo sa isip ko"Nakikisabay sa pagkanta ang karamihan at wina-wagayway ang mga kamay nila,mostly girls.
Maganda talaga ang boses nung bokalista kaya mapapasabay ka talaga kahit hindi mo alam yung kanta.
Ilang saglit pa ay may humila sakin papunta sa harap. Dahil sa gulat ay hindi ako nakaprotesta.
"Susunod tayo"
"Ano?"gulat kong tanong
Tumango si Sevi bilang sagot. Samantalang ako ay inakyat na ng nerbyos dahil sa sinabi nya.
"Ginagago mo ba ko?"
"Shh don't cuss Saint"she told me cheekly
"Like what the hell?"
"Did you just call my name?"
"Seriously Hell? Eih halos di pa nga nila alam yung mga chords"sabi ko at halata sa boses ko yung pagkabalisa
"Chill! They know what to do"relaxed na sabi nya.
"Wag mong sabihin na....."
"Ako pa ba"then she flipped her hair from the right
"Whatever brownie" I spat flatly
"Pfft."
"Sige tumawa ka! Tatamaan ka talaga sakin"banta ni ni Hell kay Rose. Pero imbes na matakot ay tumawa talaga si Rose ng malakas na naging dahilan para mapatingin samin yung mga estudyante.
Agad akong umiwas ng tingin.
"Hindi ko po sila kilala. Hehehehe"rinig kong tanggi ni Sevi sa mga ito. Lihim akong napangise sa sinabi nya.
It's been 2 months since we started training in RWV Recording Company. The progress was kinda slow, well hindi naman talaga kayang matutunan agad-agad ang mga instrumentong iyon. Kahit ako ay inabot ng taon bago naging mahusay sa drums at guitar.
Napag-usapan namin nila William kahapon na simulan na naming apat na tumugtog sa publiko,pero hindi ko nman inaashan na sa school namin unang gagawin.
Nalaman ko rin na muntik ng ipakasal si Hell kay William dahil sa napagkasunduan ng pamilya nila. Sa ugaling pinapakita ni Hell kay William ay alam ko ng si Hell ang tutol, William looks smitten to Hell sa tingin pa lang na ginagawad nya kay Hell tuwing pumupunta kami sa office nya.
Hell,Sevi and Rose are already 19 years old. One year ang age gap naming apat so technically ako ang bunso pero kadalasan parang silang tatlo pa ang umaaktong bata.
"Gusto nyo pa bang makarinig ng isa pang kanta?"tanong ng bokalista nilang si Rory Pilarmeo. Tili naman ang isinagot ng mga ito sa kanya.
Ngumite ito na naging dahilan ng paglabas ng malalim nyang dimple. Damn! Mas umingay lalo dahil sa pag-ngite nya.

YOU ARE READING
Simula Pa Noong Una
Teen FictionHanda ka bang itaya ang buhay mo sa isang misyong walang kasiguraduhan na mabubuhay ka pa? Meet Saintlyne Romero kasama ang mga kaibigan nya na isasabak kaagad sa isang misyong isang persyento na lang ang pag-asa nilang mabuhay.