"Tangna"
Anong ginagawa nya sa bahay nila Cristy?
"Saintlyne anong ginagawa mo dyan?"
Napatingin ako sa baba at nakita ko si Papa na kaka-pasok lang sa gate namin. Ngumite ako sa kanya ng matamis.
"Papa si Shenthy!"sumbong ko sa kanya
"Bumaba ka dyan na bata ka. Ang laki laki muna gumaganyan ka pa"
"Opo"sagot ko pero bago ako umalis sa bintana ay tinignan ko ng masama si Pilarmeo na nakatingin rin sakin.
"Tss"
Pagkatapos ay malakas na sinara ang bintana ko at mabilis na pumunta sa sala.
Naabutan kong sinasabihan ni Papa si Shenthy. Narinig nya sigurong nagmumura si abno. Ayaw ni Papa yung nagmu-mura kami pero syempre hindi naman maiiwasan yun.
"At ikaw Saintlyne, anong ginagawa mo dun sa bintana at ganyan ang posisyon mo ha? Hindi ka na nahiya sa bago nating kapitbahay"
"Ano? Bagong kapitbahay? Sila Cristy asan?"
"Hindi pa ba halata? Lumipat na sila. Napapala ng mga taong di lumalabas ng kwarto nila"singit ni Shenthy. I scoffed.
"Akala mo naman sya hindi. Kung makatutok sa computer kulang na lang halikan nya"parinig ko at pinaikutan sya ng mata bago dumiretso sa kusina para kunin yung listahan na sinasabi nung abno kanina.
"Saan ka pupunta?"
"Mall po may pinapabili si Mama. Pinasa na naman kasi nung isa dyan sakin"
"Aba't"
"Ano? Di totoo?"
"Pangit moo!"
"Cheeaaaaap"ganti ko naman bago umalis sa harap nila. Nakaka-init talaga nang ulo ang lalaking yun! Grrr. Dagdagan pa na hindi man lang nagpaalam si Cristy sakin na lilipat na pala sila.
"Hooy ihahatid na kita"
Nilingon ko sya at sinimangutan.
"Ayoko sa panget"
Nagsalubong naman ang kilay nya dahil sa sinabi ko.
"Kakambal mo ko. So kung panget ako panget ka rin" I just.shrugged dahil hindi gumagana sakin ang ganyang pang-aasar
"Unggoy na abnormal"sabi ko sabay ngumise sa kanya. At pumasok na sa kotse.
"Ikaaaw!"pumadyak pa sya dahil sa inis bago pumasok sa kotse.
"Bagalan mo lang Shenthyng abno"
"Whatever"
"Kelan pa sila lumipat?"tanong ko sa kanya
"Nung martes ata, hindi na nagpaalam sayo kung alam mo lang nangyari nakaraan. Kulang na lang kukuha na ng bazooka si Tita Cindy dahil sa galit kat Tito Nate"kwento nya sakin habang diretso ang tingin sa kalsada.
"Pagka-alis nga nila Cristy ay may lumipat na kaagad dyan. Binenta na nila yung bahay. Sa pagkaka-alam ko nga ay sa St. Joseph din yung bagong lipat."
Napakunot ang noo ko sa dinami-dami ba naman ng pwedeng makabili sila Pilarmeo pa.
"Nakita mo na?"tanong ko sa kanya. Umiling naman sya sakin.
"Hindi pero since nung lumipat sila naririnig kong maingay palagi sa kanila. Banda siguro" I rolled my eyed on him. Siguro? Kung makasabi sya tungkol sa pag tambay ko sa kwarto ko kanina yun pala di nya pa nakikita sila Pilarmeo.
Tumahimik na ko, hindi na rin sya nagsalita hanggang makarating kami sa mall. Pinark nya muna yung sasakyan bago kami bumaba at pumasok sa mall. Dumiretso kaagad kami sa supermarket.

YOU ARE READING
Simula Pa Noong Una
Teen FictionHanda ka bang itaya ang buhay mo sa isang misyong walang kasiguraduhan na mabubuhay ka pa? Meet Saintlyne Romero kasama ang mga kaibigan nya na isasabak kaagad sa isang misyong isang persyento na lang ang pag-asa nilang mabuhay.