LIMANG araw na ang nakalipas pero hindi pa rin gising si Pilarmeo. Oras-oras rin syang binibisita ng mga nurse at doctor para tignan yung kalagayan nya.
At sa loob nang limang araw ay parang tanga silang apat na palaging kinakausap si Pilarmeo well hindi naman masama yun dahil nakakatulong daw yun sabi ng doktor ang kaso hindi ko trip mga topic nila. Kinakausap naman nila ako pero tuwing may itatanong lang ng seryoso at walang kwentang bagay. Dito pa rin sila natutulog,sila sa kotson ako sa sofa bed.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto.
"Goodmorning. I'll just check his vitals"
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Kaya nilingon ko ito para makita ang itsura at mas lalong kumunot ang noo ko ng nakasuot ito ng mask sa bibig na katulad sa mga pasyente. Tinitigan ko ng husto yung mga mata nya.
"Where's Nurse Archie?"tanong ko dito. Napahinto sya sa harap ko at ang likod nya ang kaharap ko. I saw how stiff he is.
"Uhh.... he has some errands to do"
"Hmm" at pinasadahan sya ng tingin simula sa batok nya hanggang binti. Pero ibinalik ko ang tingin sa may tagiliran nya, itinaas ko yung damit nya pantaas at nakitang may baril na nakaipit dun. Mabilis kong nakuha ang baril at kinasa ito saka itinutok sa kanya. Bakas ang gulat sa muka nya dahil hindi nya inasahan ang ginawa ko.
"Sinong nagpadala sayo?"tanong ko sa kanya. Hindi nya ko sinagot at biglang umatake,napaatras ako ng iwasiwas nya sa muka ko yung injection na hawak nya.
"Shit muntik na yun"bulong ko sa sarili ko.
Bumwelo ako para masipa ko sya sa muka at lumagapak sya sahig ng malakas kasabay ng pagbitaw nya ng hawak nya kanina. Napaungol ito dahil sa sakit. Kinuha ko yung magkabilang kamay nya at nilagay sa likod bago kinaladkad palabas ng kwarto ni Pilarmeo.
Napangise na lang ako ng makita ang gulat na ekspresyon sa muka nila Jared isa sa nagbabantay kela Pilarmeo.
"What the hell?"gulat na sabi ni
"Jusko. Wala kang awa ba't sa ganyan mong posisyon kinaladkad yan?"tanong naman ni Jiz.
"May balak gawing masama sa nakaratay eih"sagot ko bago binigay sa kanila.
"Grabe ang brutal mo talaga. Kaya takot sa inyo lahat kahit superiors natin"komento ni Jared
Nagkibit balikat ako bago pumasok ulit sa kwarto. Alam na ng dalawang yun ang gagawin kung sakaling may papasok na doktor o nurse.
Bilib din ako sa apat na ulopong na natutulog pa rin sa kabila ng nangyari kanina lang.
Dumeretso ako sa sofa bed at dumapa dun. I check my phone kung may tumawag ba o may nagtext pero wala naman. Siguro matatagalan pa bago sila makasunod? Or may hinahanap silang tatlo? Whatever. Sasabihan naman ako ni Hell.
Napahalumbaba ako tumingin sa gawi ni Pilarmeo. I smirk. Masyado nang mahaba ang tulog ng gunggong na toh nasarapan na ng husto at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising.
Sa loob ng limang araw ay wala akong matinong tulog dahil sa pagbabantay sa kanya. Paidlip-idlip lang kung baga dahil nga inaasahan kong may mangyayaring di maganda katulad ng nangyari kanina.
I'm so boooooooreeeeeeedddd. Ilang minuto ang lumipas ng makaisip ako ng pagkaka-abalahan. Tumayo ako bitbit ang cellphone ko. I tap the camera icon and on the flash before taking a picture of him. Sunod ay hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit at kinunan din nang litrato. At in-upload sa IG ko.
'Aren't you tired sleeping?'yan ang nakalagay na caption sa dalawang pictures.
At wala pang isang minuto ay ang dami ng nagcomment at nag-heart.

YOU ARE READING
Simula Pa Noong Una
Fiksi RemajaHanda ka bang itaya ang buhay mo sa isang misyong walang kasiguraduhan na mabubuhay ka pa? Meet Saintlyne Romero kasama ang mga kaibigan nya na isasabak kaagad sa isang misyong isang persyento na lang ang pag-asa nilang mabuhay.