"Tumigil ka nga walang magagawa yang pag-uungot mo."sabi ni Sevi sakin.
Napasabunot ako sa buhok ko. Arrghh! Papayag na nga ako eih hindi lang makapag-antay? Atat na atat talaga? Bwesiiiit.
"Kawawa ka naman bibi"asar akong napatingin kay Hell. Ngumisi lang sya sakin.
"Hindi ka nakakatulong Helldrie"sabi ko sa kanya nagkibit balikat sya.
"Wala na talaga akong maitutulong tinapos na ni Rory eih. Isang bagsakan hahaha"
I just rolled my eyes on her. Malilintikan talaga sakin ang lalaking yun.
"Kinontact agad sana natin sila bago mag simula yung show"sabi ng manager naming si May Clarendon.
Napabuntong hininga na lang ako at pagod na napasandal sa balikat ni Rose. Nakaka-pagod ang araw na ito ang daming naka-line up na schedule kanina tapos dumagdag pa si Pilarmeo. Pakiramdam ko nahihilo ako sa mga nangyayari ngayon.
Bumaba agad ako ng huminto na ang van pero imbis na dumiretso sa bahay namin ay pumunta ako sa katabing bahay.
"Hoy Saintlyne napaghahalataan ka"pang-aasar ni Hell
"Wala pa sila bibi excited kang makita si boyfie"dagdag pa ni Rose
"Akala ko ba kakampi kita?"madramang tanong ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako. Great!
Ilang minuto ang lumipas ng may huminto na ring itim na van. Ako na lang ang naiwan sa labas dahil pumasok na sa loob ng bahay namin yung tatlo. Hindi talaga supportive ang tatlong yun.
Bumukas yung pintuan ng van at unang lumabas si Sauron pero nang makita nya kong nakatayo sa may gate ng bahay nila ay dali-dali uli syang pumasok sa loob ng van. Napailing ako at mabibilis ang hakbang ko papunta sa van.
Marahas kong binuksan yung pintuan ng van at sinamaan lahat ng tingin ang mga tao sa loob. Lalo na kay Pilarmeo pero yung paraan ng pag tingin nya sakin parang sinasabi nya na wala syang pakialam.
"Hehe Hi Saintlyne"awkward na bati ni Atreyu sakin, tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Let's talk"tipid kong sabi habang nakatingin sa kanya
"Nagawa ko na kung gusto mong magreklamo pwede mong itanggi yung mga sinabi ko kanina"sabi nya at hinawi patabi para makadaan sya. I think my jaw really drop because of what he said.
Sa tingin nya ba ganun lang kadali gawin yun? Pag ginawa ko yun 200% sure na mababash ako ng husto. I harshly blew the strands of hair on my face and calm myself. Sige tanggapin ko na lang na ako talaga ang nagdala sa sarili ko sa sitwasyong toh. Gaya nga ng sabi ni Hell tapos na.
"Hindi yun ang gusto kong pag-usapan"sabi ko sa kanya dahilan ng paghinto nya sa paglalakad at humarap sya sakin.
"About what?"
"Since nasimulan mo na, ituloy na lang natin ng matapos na. Pag-usapan natin kung anong mangyayari sa relasyon na sinasabi nila"
Tinignan nya ko ng matagal parang tinatantya kung totoo ba yung sinabi ko.
"Sa loob tayo"maikling sabi nya at na una ng pumasok sa gate. Napabuntong hininga na lang ako.
"Waah grabe kita mo yun?"rinig kong tanong ni Sauron
"Malamang may mga mata kami Saw"pabalang na sagot naman ni Fox
Nilingon ko silang apat. Bakit hindi pa bumababa ng van itong apat na toh?
"Hindi pa kayo papasok?"tanong ko sa kanila
"Hehehe mamaya na lang mag-uusap pa kayo ni Rory diba?"mahinang sabi ni Idris. Nagkibit balikat na lang ako at pumasok sa gate at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay nila. Naabutan ko syang naka-upo habang nakadekwatro. Ha! Ibang klase talaga.
Sinenyasan nya akong umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan nya. I rolled my eyes bago umupo. Pero lumipas ang limang minuto walang nagsalita sa aming dalawa.
"Ang ganda ko ba masyado kaya di ka na makasalita?"tanong ko sakanya at dahil din dun ay naubo sya. Juskoo ano nasamid ng sariling laway? Kailangan talaga yung objection sa kanya mang-gagaling? Hindi ba pwedeng sumakay na lang sya sa sinabi ko?
"Ano na? Wala pa rin?"tanong ko ulit
"Favorite color?"tanong nya
I rolled my eyes before answering his question.
"Dark blue,sayo?"
"P--"
"PINK?"gulat kong tanong sa kanya kaya tinignan nya ko ng masama sabay hilot nya sa sentido nya. Nag-peace sign lang ako sa kanya. I overeacted, I know sinadya ko.
"It's peach"
"Walang keme?"tanong ko
"What's keme?"tanong nya naman
"Biro ba! Gay linggo"paliwanag ko. Tumango naman sya.
"Yeah walang keme"
"Pfft."
Napaamang naman ako sa sinabi nya. Wow, it's a first. It's my first time hearing a guy that his favorite color is peach.
"Tumatawa ka ba?"
"Muka ba kong nakasimangot sayo?"balik kong tanong sa kanya. Napailing na lang sya sakin.
"Walang patutunguhan toh"bulong nya pero halata namang pinarinig nya talaga sakin yung sinabi nya.
Ilang saglit pa ay inilabas nya yung cellphone nya galing sa bulsa nya. At tinutok sakin after a second I already heard a click sound.
He was smirking while looking at his phone and then he glance at me then back to his phone.
Agad akong napatayo at hinablot ang cellphone nya.
"What the hell Rory!"inis kong sabi pero mahinang tawa lang ang ginanti nya sakin.
"Bakit mo pinost?"
"Because it's funny"he replied
"You shit!" I cussed
"You really love cussing don't you?"rinig kong sabi nya pero abala ako kung paano ito burain. Bwesit! Ang dami ng nag-cocomment sa picture koooo.
"Burain mo toh Pilarmeo!"
"Oh? So we're back at calling surnames?"
"Can you take it seriously will you?" I grunted.
"There's nothing wrong with it. And you're my girlfriend now"
Napatigil ako sa kababasa ng mga comments dahil sa sinabi nya. Tinignan ko sya at parang mas lalo akong nabwesit sa ekspresyon ng muka nya.
"Whatever"yan na lang ang na sabi ko dahil walang patutunguhan kung makikipag-away pa ko.
Kinuha nya sa kamay ko yung cellphone nya. At naramdaman kong bumigat yung kanang balikat ko kaya tinignan ko yun, nang makita kong naka-akbay sakin yung braso nya ay agad akong napatingin sa kanya nang saktong nag-shutter yung cellphone nya.
Tinignan ko yung reaksyon nyang tumatango-tango habang nakatingin sa cellphone nya.
Ah~ kayanin ko kaya sa loob ng limang buwan jusme! Guide me please.
To be continued....
YOU ARE READING
Simula Pa Noong Una
Novela JuvenilHanda ka bang itaya ang buhay mo sa isang misyong walang kasiguraduhan na mabubuhay ka pa? Meet Saintlyne Romero kasama ang mga kaibigan nya na isasabak kaagad sa isang misyong isang persyento na lang ang pag-asa nilang mabuhay.
