Dumiretso agad kami dito sa RWV Recording Company pagkatapos na pagkatapos ng klase namin. Akala ko ay magpapalit pa muna kami ng damit bago pumunta rito. Hindi naman siguro excited masyado si Hell eih noh? Halos hilain nya nga ako palabas ng room kanina ng makalabas yung teacher namin.
Mahigit isang oras at kalahati na silang nag-uusap tungkol sa pagsali namin dito. Hindi na ko nakinig dahil tinatamad ako,sigurado namang ipapaliwanag naman ni Hell lahat-lahat yan mamaya pag natapos na sila.
Naramdaman kong may kumalabit sakin kaya napalingon ako kay Rose.
"Bored na ko"bulong nya sakin
"Parehas tayo"ganting bulong ko at napabuntong hininga ako, napatingin ako ng sabay pala kaming napabuntong hininga kaya natawa kami ng mahina na dalawa.
Ilang saglit pa ay may inabot saming papel. Sinenyasan kami ni Hell na pumirma kaya kinuha ko agad yung ballpen at pumirma sa pangalan ko,ganun din si Rose. Pagkatapos ay tumayo na kaming apat at nakipag kamay kay Mr. William sya yung may ari ng kompanyang to. Half filipino at half american he's 25 years old. Bata pa sya kung tutuusin pero may sarili ng kompanya. Well isa sya sa mga tinatawag most successful young bachelor.
"I'm glad that you accept my proposal Helldrie"sabi no Mr. William
I scoffed when I feel something about what he said.
"Huh? Proposal? Nagpropose na sya kay Hell?"pabulong na sabi ni Rose at halatang nagulat sa narinig.
Hindi makapaniwala ko syang tinignan at binatukan.
"Gaga. Ibang ibig sabihin naman yang iniisip mo. Yung totoo Rose ikaw talaga yung kinulang sa aruga sating apat"
"Huhuhu. Ang mean mo! Bakit ba Saintlyne pangalan mo? Ang layo sa ugali mo panget!" Natawa ako sa sinabi nya at tinapik sya sa balikat nya
"May ilalala pa toh, don't ya worry"
"Che" I just smiled at her remark
"I don't have a choice William"sabi ni Hell at nagkibit balikat saka naunang lumabas.
Nakita ko namang napangite si Mr. William dahil sa sinabi ni Hell. Hmm something's fishy.
"Sige po. Mauna na kami"sabi ni Sevi at nag bow. Gumaya na rin kaming dalawa ni Rose saka nagmamadaling sinundan yung dalawa.
Nang makalabas kami ay mabilis na tumakbo kami ni Rose sa hallway kasi ang layo na ng dalawang bruha. Hindi ba uso yung salitang hintay sa dalawang toh?
Nang maabutan namin sila ay kumapit kaagad ako sa braso ni Hell si Rose naman ay kay Sevi.
"Ang bagal nyo"sabi ni Hell
"Pasensya naman daw sabi nung hindi nanghintay"sarcastic kung sabi
"May date lang teh?"dagdag ko pa
"Anyway bukas pwede na tayong magsimula ng practice natin. 3 months lang ang binigay nilang palugit satin para makapag-prepare tayo"
"Change topic"bulong ko
"Saan tayo magpa-practice?"tanong ni Rose
"Dito"tipid na sagot ni Sevi
"Okiee"
"After class deretso na dito. Ganito na magiging routine natin everyday"
Iniisip ko pa lang na araw-araw na kaming magkakasama,napapagod na ko.
Tumango na lang ako. Tumagal pa kami dun ng ilang minuto para maglibot-libot bago umuwi.
--------
"Tama na! I need breaaak"sigaw ni Sevi

YOU ARE READING
Simula Pa Noong Una
Roman pour AdolescentsHanda ka bang itaya ang buhay mo sa isang misyong walang kasiguraduhan na mabubuhay ka pa? Meet Saintlyne Romero kasama ang mga kaibigan nya na isasabak kaagad sa isang misyong isang persyento na lang ang pag-asa nilang mabuhay.