Chapter 17: Take me to your Castle

201 5 0
                                    

Chapter 17: Take me to your Castle

Papunta kami sa beach house ni Jonathan sa Batangas, nalagpasan na namin ang Taal Volcano nag sink in lahat ng magandang alaala sakin nito ng magkasama kami ni Jonathan.

Nasa boundary na kami ng Batangas ng biglang hinawakan ni Jonathan ang kamay ko at nag park sa isang Supermarket.

"Alam ko sasabihin mo na naman sakin na wala kang dalang gamit, kaya bumili muna tayo."

Lumapit sa akin si Jonathan, napapikit ako habang papalapit siya ng papalapit. Akala ko hahalikan niya ko pero pinress niya ang seatbelt lock at sabay labas ng pinto para pag buksan ako.

Inalalayan niya ko palabas, hindi binibitawan ni Jonathan ang kamay ko, kahit may makasalubong kami kung saan siya pupunta andoon din ako. Kumuha siya ng basket para sa mga bibilin namin.

"Jonathan, pwede mo ng bitawan ang kamay ko para makakuha tayo ng mga bibilin natin"

"No." Matapid niyang sabi.

Huminto kami sa istante ng sabon shampoo toothbrush.

"Get that!" Turo niya sa magkahawak naming kamay sa isang toothbrush. Dalawa to, at may hugis na heart sa gitna.

"This, and that and also that one." Turo niya habang inaabot ko naman ng isang kamay ko at nilalagay sa basket.

Napunta kami sa bilihan ng undies. "What's your size?" Tanong niya sakin. Sumimangot ako at tinignan ang katawan ko.

"Hey, what's your size?" Nag pout ako sa kanya. At sinagot siya. "Bastos!"

"Haha! Baliw, wala kang undies bibili tayo kaya tinatanong ko!" Natatawa niyang sabi.

"Ako na kukuha, stay here." Bibitaw na sana ko sa kamay niya ng pigilan niya ko at hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko.

"Just stay." Takot ang mukha niya,at may lungkot sa mga mata niya.

Kumuha na ko ng undies ko. Tapos pumunta na kami sa Cashier.

May Tatlong plastic bag din kaming dala. Yung dalawa sa kabilang kamay ni Jonathan at undies ko naman ako na nag dala.

Nasa kotse na kami Binuksan ni Jonathan ang pinto pero di niya pa din binibitawan ang kamay ko.

"Jonathan, paano ko makakaupo kung hawak mo ang kamay ko?"

Hinatak niya ko palapit sa kanya, at inakap, ung braso niya nasa leeg ko. "I miss you so badly my baby." Bulong niya sakin.

"Baby?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, you're my Queen and I'm your King. You'll be the Mom of my Children but still you are my First Baby." Nakaharap niyang sabi sakin pero naka-yakap pa din siya.

Ngumiti lang ako. "From now on, your gonna call me baby."

Umiling ako at nag pout siya. Ang cute niya para siyang bata na naagawan ng ice cream, natunaw ang puso ko.

"Ayaw mo? Babalik ako kay Alexa." Panakot niya.

Tumaas naman ang kilay ko at nag cross arms sa kanya.

" Then go!" Sagot ko sa kanya.

"Arrrgghh!! Just call me Baby. Is it that hard ha?" Sigaw na sabi niya.

Natatawa lang ako kay Jonathan. "No baby." Nag puppy eyes siya at inakap ako, "That's my girl." Bulong niya sakin saka ako hinalikan sa noo.

Pumasok na ko sa kotse at umupo, patakbong naglakad si Jonathan pasakay ng kotse.

"15 minutes na lang nasa beach na tayo" Sabi niya habang nakatingin sa daan.

Medyo madilim na ang daan at 7pm na rin. Lumiko si Jonathan sa isang Resort. "Private Resort nila to?" Tanong ko sa sarili ko. Nasa buhanginan kami at ini-stop ni Jonathan ang kotse niya sa isang maliit na parking lot.

Nag hubad ako ng heels ko, nag simula na kami maglakad papunta sa resort nila. Medyo malayo din.

Huminto kami sa isang beach house, bunggalo style. White lahat ang pintura nito. Binuksan ni Jonathan ang Pinto. Nilibot ko ang mga mata ko. Sa kaliwa ko panay bamboo ang mga upuan, ang lamesa may Flat screen T.V may lamp shade , kaliwang bahagi naman ng bahay meron maliit na dining table kasya ang 6 na tao. Sinundan ko si Jonathan na nasa kusina. Inaayos niya ang grocery na binili namin.

"Sa Family mo to? " Tanong ko sa kanya.

"Hindi, sa family mo." Natatawa niyang sabi.

"Ah, hindi ko matandaan na bumili kami ng resort sa Batanggas." sagot ko dito.

"Baliw! Sa'kin to, actually kay Ate Jenny to. Natalo siya sa pustahan namin kaya ito ang Deal namin."

"Ah talaga. E ikaw naman kung natalo ka ano bibigay mo kay Ate Jenny?"

"Yung condo ko." Sagot niya sakin.

Grabe tong magkapatid na to. Condo at Beach house ang ginagawang pustahan.

Nag luluto si Jonathan, nakaupo lang ako habang tinitignan siya. Carbonara ang niluto niya.

After 30 minutes nag hain na siya. "Let's eat" Aya niya sakin.

Magkaharap kaming dalawa. Seryoso si Jonathan habang kumakain.

"Baby!" Tawag ko sa kanya. Umarte akong nabubulunan habang tinatapik ang dibdib ko.

Natatarantang nag salin si Jonathan ng tubig at lumapit sakin. Natawa ko ng i-abot niya sakin ang baso.

"Gotcha!" Habang nag bang sign sa kanya.

Sumimangot ang mukha ni Jonathan at nag walk out.

"Ui Baby bumalik ka dito." Sigaw ko sa kanya pero lumabas siya ng pinto papuntang beach.

Tinakbo ko siya ang bilis ng lakad niya eh. Nung naabutan ko siya hinatak ko siya at hinarap sakin.

"Ui Jonathan joke lang naman eh." Sabi ko sa kanya.

"Bad joke" Sagot niya sakin.

"Ang arte mo naman, ang tahimik mo kasi eh."

"Paano kung nabulunan ka nga talaga at hindi ka makahinga? Paano kung mawala ka naman sakin, yung totoong mawawala." Sagot niya na seryoso ang mukha.

"Ok fine, sorry, hindi ko sinasadya" Hinatak ko siya pabalik ng bahay.

Nag shower si Jonathan. At tinuro ang kwarto ko na kwarto ni Ate Jenny. Nag shower na din ako, after 30 minutes naalala ko na wala pala kong damit nasa tapat ako ng salamin at naka robe lang.

Nagulat ako ng pumasok si Jonathan sa kwarto ko. "Oi bastos! Anong ginagawa mo dito?" Sabay talikod ni Jonathan.

"Ah, eh sorry, naalala ko kasi na wala ka palang damit." Sagot niya sakin. Humarap siya sakin at Binigay ang Long Sleeves niya.

"Stay there!" Sigaw ko sa kanya. Habang pumasok ng banyo. Sinuot ko na ang damit na bigay ni Jonathan hanggang tuhod ko ang damit niya. Tiniklop ko ang sleeves ng tatlong beses.

Pag labas ko ng banyo nakahiga siya sa kama ko. "Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko sa kanya.

"Dito ko matutulog, babantayan kita" Sagot nito.

"Nasa kabilang dingding lang ang kwarto mo." Sagot ko kay Jonathan.

"Bahala ka, meron pa naman manananggal dito." sabay tayo at lalabas na ng kwarto

Hinatak ko siya pabalik at inayang dun na lang matulog.


Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon