Chapter 47: Set you free.

166 3 0
                                    

Hindi pa kami nagkikita ni Jonathan, kahit sa church sa labas ng subdivision ay hindi namin sila nakita.

Kumpleto ang relatives ko today. Tito Eddie and his Family are here he is the only brother of Mommy dalawa lang silang magkapatid.

Tita Ruth and Tito Kenneth are also here with their family,the siblings of Papa.

Tuwing December 24 ay sa bahay kami, ewan ko nakagawian na namin.

Lagi kasing nagpapalaro si Papa sa amin minsan sharades basta iba-iba. Para na rin itong Reunion.

I checked my cellphone pero wala pa rin tawag o text si Jonathan,maaga pa naman baka tulog pa yun.

Maya-maya ay tinawag ako ni Manang Doray at sinabing nasa sala si Edward since nandito kami lahat sa Valcony.

Agad ko naman itong pinuntahan,naalala ko na hindi pa rin kami nakakapag-usap simula ng araw na umalis kami papunta ng Tagaytay. At ito ang araw na una namin pagkikita mag mula noon.

Malapad na ngiti ang sinalubong sa akin ni Edward pero kita sa mga mata niya pangamba.

Habang papalapit ako ay unti-unting nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Hi!" Bati ko rito.

"Hi!" Bati rin nito.

"Upo ka." Alok ko rito.

Para kaming hindi magka-kilala there's a wall between us.

"Am I look strangers to you?" Tanong ni Edward dahil hindi ko siya makuhang tignan.

"No! Ah, kumain ka na ba?" Tanong ko rito upang maiba ang usapan.

"Yeah, sa bahay andoon ang Flip Buds." Sagot naman nito.

"Ah. Mamaya pupunta kami ni Dane doon."

"Kasama si Jonathan?" Tanong nito habang nakatingin sa akin.

"Ah, hmm hindi ko alam kung sasama siya." Sagot ko.

"Whoo!" Pag hinga nito ng malalim.

"Why?" Tanong ko rito. Medyo naiilang ako kay Edward since ayaw ko mapag-usapan namin ang kalagayan ko.

"Hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa." Salita nito. Kita sa mga mata niya ang lungkot.

Wala akong nagawa kung hindi yakapin na lang si Edward,ito lang ang alam ko para mapawi ang lahat ng sakripisyo niya sa akin.

"Thank you!" Salita ko rito.

Rinig ko ang malalim na pag hinga ni Edward na parang nagpipigil ng luha.

"Dward, hindi ko alam paano ako hihingi ng tawad at mag papasalamat." Salita ko rito Nagulat na lang ako ng mayroon tumulong tubig sa balikat ko.

Pag tingin ko ay pilit niyang pinipigil ang luha niya.

Pinunasan ko ang luha nito gamit ang kamay ko.

"France, please don't make it so hard for me to say.. goodbye." Salita nito.

Nagulat ako sa sinabi ni Edward, gusto ng lumabas ng mga luha sa mata ko pero pilit ko itong pinipigil.

"So this is a goodbye?" Tanong ko rito.

Tumayo ito at lumayo ng kaunti sa akin.

"Ako dapat ang humingi ng Sorry." Salita nito at tumingin sa akin.

"Sorry kung akala kong mapapalitan ko siya, ako naman ang nauna eh masyado akong nakampante na andiyan ka lang,na kasama ng pagkawala ng alaala mo ay ganoon din ang nararamdaman mo sa kanya. Alam ko na siya na, at hindi na ako." Pag papatuloy nito.

Tumayo ako para lumapit sa kanya pero pinigilan ako ni Edward.

"Baka makalimutan kong hindi na tayo at hindi kita mapakawalan." Salita nito.

"Edward i'm sorry!" Ito lang ang tanging lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung paano ko pa magagawang ibalik ang samahan namin ni Edward.

"Don't say sorry France. Wala kang dapat ihingi ng tawad baka mas mahirapan akong umalis kung iisipin ko na nag sisisi kang siya ang pinili mo at hindi ako."

Ikinagulat ko ang sinabing iyon ni Edward.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko rito.

"Susundan mo ba ako katulad ng pag sunod mo sa kanya?" Tanong nito sa akin.

"Kung kailangan." Sagot ko rito.

He just smurked at me tapos ay pinatayo ako.

Wala akong magawa kung hindi yakapin lang si Edward.

"Alam ko na mas magiging masaya ka sakanya at tanggap ko na, na mas mahal mo siya." Salita nito.

"Mahal kita, alam mo kung gaano kita kamahal." Sagot ko rito.

"Noon, pero ngayon? Huwag mo sabihin oo dahil babawiin kita ngayon din." Salita nito habang natatawa.

Inalis ko ang pagkaka-akap sa akin ni Edward at tinignan siya.

"Mahal kita at walang magbabago but Jonathan is my life. Ako pa rin si Francine na minahal mo noon you can still count on me." Salita ko rito.

"Ang sakit naman." Sagot ni Edward.

Sinimangutan ko naman ito and he pinched my nose.

"Always remember that I can date any other girl but you can still lean on me. Pauwiin mo na ko at baka ano ng iniisip ni Jonathan sa labas." Salita nito na kinagulat ko.

Tinaasan ko naman ito ng kilay pero lumakad ito palabas ng bahay. Pag bukas nito ng pinto ay nakita ko si Jonathan ba naka sandal sa kotse niya.

Tumingin ito sa akin at kay Edward, ako naman ay napatingin kay Edward.

Nag lakad na papunta ng gate si Edward agad naman akong sumunod.

Agad kong nilapitan si Jonathan,isang tingin nman ang ibinato sa amin ni Edward at matagal na tumitig kay Jonathan.

"Break her heart and I will break your neck." Salita nito at agad na nakipag brother hand shake kay Jonathan.

At nag deretso nag lakad papunta ng motor niya

Tumingin ito sa amin at kumaway muna bago sumakay ng motor niya.

Hanggang sa makalayo si Edward ay hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kalsada.

"I am getting jealous." Salita ni Jonathan.

Agad ko naman binaling ang tingin ko sa kanya.

He put his hand on my waist at inakbayan ko naman siya. Medyo abot ko siya dahil naka sandal siya sa kotse niya.

"Alam mo na pupunta siya?" Tanong ko rito.

"Yeah, nag usap kami." Sagot nito.

"Anong pinag usapan niyo?" Tanong ko.

"Chismosa." Salita nito at pinitik ang tenga ko.

"Ouch!"

"Pumasok na tayo sa loob." Aya nito sa akin.

***

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon