Chapter 27: Truth or Dare

192 4 0
                                    

Don't forget to Click Vote :) 

Chapter 27: Truth or Dare

Nag umpisa na mag inuman yung iba, yung iba naman nag susugal.

"Grabe parang hindi sila nalalasing" Sabi ni Romilyn.

Nagpahinga naman sila, yung iba nakatulog at late na rin nagising. Si Edward ginising ko lang ng mga bandang 10pm para kumain. Si Dane natulog muna. 

"Oo nga eh." Sagot naman ni Cathleen.

Tumabi sa'min si King at nakikipag-kwentuhan na din. Maya-maya inabutan kami ng alak ni Ender at tumabi na rin sa'min. Umusog ako ng konti para maka upo siya sa pwesto namin ni Apple.

"Nakakatamad naman kalaro tong si Barj." Sigaw ni Dwaine na kanina pa nag rereklamo hindi ko alam kung anong laro ba ang ginagawa nila sa cards.

"Iba na lang laruin niyo." Suwestiyon naman ni Apple.

"Alam ko na may naisip ako." Sagot naman ni Jhong.

"Ano yun? Baka naman nakakatamad yan." Sagot ni Dwaine na halatang bagot na bagot sa pakikipag-laro kila Barj.

"Hindi matutuwa kayo dito. Spin the Bottle." Napakunot naman ang noo ko sa suwestiyon ni Jhong.

"Ui mukhang maganda yan ah." Sagot naman ni Dwaine.

"Tara France sali kayo." Aya ni Jhong.

"Sige, dito na lang kami pwesto." Sagot ko dito.

"Ngek pano natin malalaman kung kanino umikot." Tanong ni Jhong, dahil sa magkakatabi kami nila Apple.

"Teka tatawagin ko pa yung iba." Salita ni Barj ng umayos na kami papunta ng swimming para doon pumwesto at gumawa ng bilog.

"Anong lalaruin?" Tanong ni Dane pagbaba nito galing ng second floor kung saan sila natulog ni Edward.

"Truth or Dare. Spin the Bottle." Sagot ko dito.

"Wow bagong bago ah." Natatawang salita ni Edward saka umupo sa tabi ko at inalampa sa'kin ang jacket na dala-dala nito

"Kumpleto na ba tayo?" Tanong ni Jhong.

"Si Christian at EJ ang wala lasing ata." Sagot naman ni Romilyn.

"Si Alexa at Jonathan?" Tanong ni Ender.

"Nasa taas pa. Pero pababa na." Sagot naman ni King.

Nag excuse muna ko ng tumawag si Ate Madz sakin. Lumayo ako ng konti sa kanila at sinundan naman ako ni Dane.

Mula sa malayo nakita ko na nag uumpisa na sila habang kausap si Ate Madz.

[Kailan kayo uuwe?] Tanong ni Ate mula sa kabilang line.

[2 days pa kami dito te, si Jasmine tulog na ba?]

[Oo, kanina pa. Hindi niyo naman sinabi na may lakad kayo sana nagpa sleep over ako dito ng kaibigan.] 

[Biglaan lang to. Sila Mommy ba tumawag na?"]

[Hindi pa, pero si Kuya Francis pupunta daw dito bukas iche-check ata yung bahay. Si Dane nasaan? Pakausap nga.]

Inabot ko na kay Dane yung CP para makausap si Ate.

[Oo, hindi kami papakalasing.]

...

[Oo, ako na bahala.]

...

[Tss! Wala kong kasamang babae.]

...

"Ate mo ang o.a" Inis na inabot sakin ni Dane ang CP pag tapos kausapin nito si Ate.

Natatawa naman akong kinuha to kay Dane at umalis na siya para pumunta kila Dwaine.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon