Chapter 18: Jelly Fish Sting

177 5 0
                                    

Chapter 18: Jelly Fish Sting

Kinabukasan nagising ako na wala na si Jonathan sa tabi ko. Pag labas ko ng kwarto may kumakalampag sa kusina. Pumunta ko dun at naabutan ko siyang nag luluto ng breakfast.

"Hmm ang bango" Tapos inakap ko si Jonathan, habang nakatalikod siya. Humarap siya inalis ang cap niya at hinalikan ako sa noo at sinuot ang cap sakin.

"Good Morning My Queen" Salita nito habang nakangiti.

Umupo ako sa lamesang nasa may kusina, at tinaas ang paa ko sa upuan.

Naghain na si Jonathan. Spam, Sunny side up at Fried Rice ang break fast namin.

"Hmm ang sarap" salita ko habang kumakain.

"Haha parang bata!" Sagot nito.

"Bhaby, pasyal tayo sa labas" Aya ko kay Jonathan, gusto ko kasi mag swimming sa Beach eh.

"Sige." Pag sang ayon nito.

Pag tapos namin mag Breakfast hinugasan ko na yung kinainan namin. Si Jonathan naman inayos yung tent sa labas malapit sa Beach.

Pag tapos ko mag hugas sinilip ko siya sa labas. Topless siya at naka pants suot niya yung cup ng pabaligtad at naka shades din. Nung nakita niya ko kinawayan niya ko. Kumaway din ako.

"Ang init! " Sabay paypay ng kamay sa mukha ko. Pumasok na ko sa kwarto ko para magpalit ng Swimsuit. Inipit ko ng pataas ang buhok ko. Kinuha ko yung sunblock na binili ko kagabi.

Pag labas ko wala si Jonathan. Papalapit na ko sa Tent na ginawa niya. Pag silip ko nakahiga siya at nakatakip ng cap ang mukha niya.

"Baby" Tawag ko dito pero hindi niya ko sinagot. Tumayo ako nagpahatid ng Sunblock sa Braso ko, sa mukha ko sa katawan at legs.

Pag lingon ko naka upo si Jonathan sa labas ng Tent.

"What are you wearing? Tanong nito sakin.

"Edi swimwear" Sagot ko naman.

"Fck!! MAgpalit ka dun!" Sigaw na sabi niya.

"Ha? Pero mag swimming ako eh."

Hinawakan niya ko papasok sa loob ng bahay.

"Sino nag sabi sayong ibilad mo ang katawan mo sa labas?" Tanong niya.

"Ano gusto mo mag pajama ko at longsleeves? Eh mag swimming nga ko." Sagot ko sa kanya.

"Yeah!" Sagot niya ng naka smirk. Pumasok siya sa kwarto niya at may kinuha don.

Naiwan akong nakaupo. Pag labas niya may dala siyang Board Short at binato sakin.

"Wear this! Hindi ka lalabas pag hindi mo yan sinuot" Dere-deretso siyang lumabas ng bahay.

Tinitigan ko ang short na bigay niya at napa-iling na lang.

Lumabas na ko at suot ko na rin yung short. Tumakbo ko papuntang dagat.

Lumangoy langoy ako ng may dumikit sa tagiliran ko. Ang kati parang sinisipsip yung balat ko.

"WAHHHHH! Baby!" Sigaw ko kay Jonathan. Agad siyang tumakbo palapit sakin.

Pag angat niya sakin ang daming pula ng katawan ko.

"F*ck!! Sh*t! What happen Eiffel?" Tanong ni Jonathan habang karga ko at patakbo sa Tent.

"Ang kati e. May kumagat sakin."

"The f*cking Jelly Fish!!!" Curse niya.

Patuloy pa rin ako sa pag kamot ng katawan ko. Habang papunta kami sa banyo ng bahay.

"Jonathan, ang kati."

"F*ck!! Don't scratch it." Binuksan ni Jonathan ang Shower. Nakaupo ako habang umiiyak.

Pag tingin ko sa tagiliran ko Pulang pula. At may mga tuldok tuldok na parang napaso.

Binalutan ako ni Jonathan ng Twalya at kumuha ng Suka sa kusina. Hiniga niya ko sa kama at binuhusan ng Suka ang buong katawan ko. "Eiffel, don't scratch it! F*ck that Jelly Fish" Sigaw ni Jonathan.

Pinainom niya din ako ng Suka. Una ayaw ko, pero nagalit siya. "Drink it please, if you want to stay alive." Ininom ko na to. Tapos humiga na ko, hindi ko na alam pero bigla nalang pumikit ang mata ko. Huling rinig ko na lang ay tinatawag ni Jonathan ang pangalan ko.

Pag gising ko nasa tabi ko si Jonathan, at nasa may dextros ang kamay ko. Nasa isang hospital kami. Hinimas ko ang buhok ni Jonathan at nagising na siya.

Inakap niya ko at hinalikan sa noo. "Thank God you're alive!" Ngiti ni Jonathan.

"Anong ngyari?" Tanong ko sa kanya.

"Kinagat ka ng Jelly Fish, buti na lang daw at naagapan kung hindi baka mapoison ka" Sagot nito sakin.

"Nasusuka ko" Sabi ko kay Jonathan. Tumakbo siya at kinuha ang balde sa C.R. May pinidot si Jonathan sa bandang ulunan ko at tumawag ng Nurse. Agad naman pumunta ang mga ito sa kwarto ko.

"Yes sir?" Tanong ng nurse na babae.

"Sumuka siya eh, anong ngyayari?" Alalang tanong ni Jonathan.

"Okay lang po yan sir, mabuti nga po at sumuka siya. Bubuti na po ang pakiramdam ni Ma'am maya-maya." sagot naman ng Nurse.

"Pwede na ba kami umuwi?" Tanong ko sa Nurse.

"Pwede na po, aayusin na po ba ang bill niyo?" Tanong ng Nurse kay Jonathan.

"Yes please. " Sagot ni Jonathan sa nurse.

"Are you sure baby you wanna go home?" Tanong sakin ni Jonathan.

Nag nod lang ako sa kanya.

5pm ng lumabas kami sa hospital. Inalalayan ako ni Jonathan papasok ng kotse. After 30 minutes nasa beach house na kami.

Nagulat ako ng ang daming kotseng nakaparada sa labas ng Beach house. Si Jonathan naman napatingin sakin.

Naglakad kami papuntang bahay. Ng sinusian ni Jonathan ang Door knob nagulat siya na bukas ito. Nilagay ako ni Jonathan sa likod niya.

Nagulat kami ng nakita namin ang MAWS si Dane at Edward.


Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon