Chapter 19: Positive

194 4 0
                                    

Chapter 19: Positive

Dane's POV

2 days ko ng hindi nakikita ang kapatid ko, kahit sa School wala siya. Hindi rin masagot ni Apple kung na saan siya. Parang may tinatago sila.

Pumunta ko sa tindahan nila King, masama ang kutob ko. "Si Jonathan?" Tanong ko sa mga MAWS.

Hindi nila ko masagot. "Asan ang kapatid ko?" Tanong ko kay Bal.

"Hindi namin alam. Kahit si Jonathan hindi namin alam kung asan siya" Sagot ni Bal

Nag drive ako papunta kila Edward. Masama ang kutob ko sa nabasa kong post ni Alexa.

Kumatok ako sa pinto ng bahay ni Edward at pinag buksan ako ng katulong nila. Nasa kwarto daw si Edward at natutulog pa. Dali dali akong pumunta sa kwarto ni Edward.

"Edward, they are Missing." Sabi ko kay Edward habang ginigising siya.

Napabalikwas naman si Edward.

"Ano? Sinong nawawala?" Tanong ni Edward.

"Si France at Jonathan. Nabasa mo ba ang post ni Alexa? Pregnancy test at positive to. Naka-tag pa nga kay Jonathan eh."

Naligo si Edward at nag drive kami papunta ulit sa MAWS.

Nakita namin sila na isa isang sumakay sa kotse nila. Binusinahan namin ni Edward at kinausap sila.

"Alam kong alam niyo kung nasaan ang kapatid ko. Mabuti pang sabihin niyo na bago pa tayo magkagulo." Sabi ko sa mga MAWS.

Lumapit sakin si Ender at sinabing sumama kami.

3hours na kaming nasa biyahe sinusundan namin ni Edward ang sasakyan na dala dala nila. Papuntang Batangas ang biyahe namin.

Nag stop over kami sa isang gasoline station at pinag usapan ang nangyari.

"Alam niyo bang buntis si Alexa?" Tanong ko sa kanila.

Nag tinginan lang ang mga ito tsaka ko pinakita ang post ni Alexa sa FB. Nagulat sila ng makita ang picture.

"Idadamay niya pa sa kalokohan ang kapatid ko." Sumakay na ko ng kotse at nag drive na ulit papunta kung saan.

Huminto kami sa isang Beach house, pero wala ang kotse ni Jonathan dun.

"Negative mukang wala sila dito" Sabi ni King. Tinuro ni Bal ang isang tent at sinundan namin ang MAWS at pilit na binuksan ang pinto ng Door knob na nakalock.

"Andito sila" Salita ni Edward ng paglabas ng kusina ay hawak na ang Cellphone ni Francine.

Nag antay kami ng 4 na oras pero wala pa rin sila. Kinausap ko ang mga MAWS.

"Kung concern talaga kayo sa kapatid ko, ilalayo niyo si Jonathan sa kanya." Nag tinginan lang sakin ang mga ito.

"Pare, imposibleng buntis si Alexa." sagot naman ni Bal.

"Imposible? Bakit ikaw ba ang tatay?"Tanong ko dito.

Napalingon kami ng mag bukas ang pinto ng bahay.

Si Jonathan at Francine. Hinatak ko papalapit sa akin ang kapatid ko. Si Edward sinuntok si Jonathan.

***

Francine's POV

Nagulat kami ng nakita namin ang MAWS si Dane at Edward. Hinatak ako ni Dane palapit sa kanya ng isang suntok ang binigay ni Edward kay Jonathan.

Umupo ako palapit kay Jonathan at hinawakan siya sa braso. Pero hinatak ako palayo ni Dane.

"Dane, please!" Pag mamakaawa ko kay Dane.

"Let's go home Francine." Sagot niya sakin.

"Please Dane." Pag mamakaawa ko kay Dane habang umiiyak.

"Hindi pwede. This is not a Fairy Tale, you're a Princess, but he's not your Prince." Madiin na sagot ni Dane.

"Dane, ano bang problema? Alam ko umalis ako ng hindi sinasabi kung nasaan ako." Sagot ko dito.

Matagal bago nag salita si Dane tinitigan niya muna ko sa mata bago ulit nag salita."Alexa is pregnant, and he's the Father."

Nahinto ako ng ilang minuto, tumahimik ang paligid tinignan ko isa isa ang MAWS, si Edward at Dane. Pero wala kong makuhang sagot sa mga mukha nila. Huli kong tinignan si Jonathan pero nakayuko siya.

"Hindi totoo di ba?" Tanong ko kay Dane. Inabot sa akin ni Dane ang CP niya at pinakita ang post ni Alexa.

Nabitawan ko sa mga kamay ko ang cellphone ni Dan at saka ako nito inakap Dane habang umiiyak.

"Umuwi na tayo, bago pa malaman nila Mommy to." Sagot sakin ni Dane.

Hinatak ako palabas ni Dane na umiiyak inakbayan niya ko habang salo salo ng dalawang kamay ko ang mukha ko. Punong puno na ng luha ang mga kamay ko. Mas masakit to kesa sa kagat sakin ng Jelly Fish, ang puso ko unti-unting dinudurog. Binuksan ni Dane ang kotse at umalis na kami sa Beach Resort. Naka convoy samin si Edward.

Hinawakan ni Dane ang mga kamay ko at tumingin sakin. "Forget him." pero umiyak lang ako.

***Beach house scene

Jonathan's POV

Tinulak ko isa isang mga MAWS. "Anong kagaguhan to?" Tanong ko sa kanila.

"Anong buntis si Alexa at ako ang AMA?"

"Pare, hindi rin namin alam." Sagot ni Bal

"May nangyari ba sa inyo? Tanong ni King.

Napahinto ako. Inisip kong mabuti, Meron nga ba?

"Isipin mong mabuti." Sagot sakin ni Ender.

Umupo ako. Naalala ko ang araw na nagising akong nasa tabi ko si Alexa. Uminom kami ng mga MAWS nun, at pag uwi nila pinainom ako ni ALexa ng tubig. Mukha ni Eiffel ang nakikita ko sa kanya. Tinanggal ni Alexa ang damit ko hinalikan niya ko at ginantihan ko ng halik yun, pag tapos nun hindi ko na alam ang nangyari.

Bigla kong tinumba ang lamesa na nasa harap ko.

"F*ck!!!" Pinag hahagis ko ang lahat ng bagay na makita ko sa harap ko.

Inaawat ako ng mga MAWS pero hindi nila ko maawat.

"I'm sorry Eiffel" napayuko na lang ako na salo salo ang mukha ko. Inangat ako ni King at Bal.

"Pare tama na." Awat ng mga ito sa'kin.

"Asan si Alexa?" Tanong ko kay Bal.

"Hindi pa namin siya nakikita." Sagot nito sa akin.

Pumasok na ko ng kwarto kung saan kami natulog ni Francine. Ni lock ko ang pinto at humiga. Inaalala ko ang gabing magkatabi kami ang amoy ng buhok ni Francine na sa unan. Binuksan ko ang Banyo nandoon pa ang mga gamit niya. Isa isang ko tong niyakap. Binuksan ko ang Shower, sumasabay sa agos ng tubig ang agos ng luha sa mga mata ko.

Lumabas ako ng kwarto na ang suot ay ang damit ni Francine na ginawa niyang pang tulog kagabi. Naabutan ko ang MAWS na nag iinuman sa sala maayos na rin ang mga ginawa kong kalat kanina.

Tumingin sila sakin habang bumababa ako ng hagdan.

"Master" Inabot sakin ni Ender ang Bote ng alak at tinungga ko to.

"Si Eiffel, nasaktan ko na naman siya." Sabi ko sa mga kaibigan ko na tahimik lang na nakatingin sakin.


Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon