Chapter 39: The Plan

129 5 0
                                    

Chapter 39: The Plan

-Apple's POV-

[Potek nawala si Francine eh] 

[Panong nawala nhie?] Tanong sakin ni Bal na nasa kabilang linya.

[Kanina nandito lang sa couch, nakaupo..]

[Tignan mo sa labas baka sumunod kay Edward yun.] tumakbo ako palabas para tignan si Francine pero huli na dahil naka andar na ang kotse nito paalis.

[Nhie,sumama si France kay Edward] Salita ko kay Bal.

[What? Geez! Paano to?]Tanong ni Bal na parang naiinis na.

[Ano gagawin natin?]

[I don't know. I call Jonathan] In-end na ni Bal ang tawag, agad naman akong pumasok ng bahay at nag dasal na sana hindi sila papunta ng Barresso.

Plano ni Jonathan na itakas si Francine at isama sa Tagaytay. Nakisama na ko sa plano, kahit na extra lang ako. Narinig ko kasi na nag uusap ang Mga MAWS sa bahay nila King habang nilalaro ko si Kendra.

Balak sana nilang Kidnapin si Francine pero pinigilan ko sila at nag bigay ng mas magandang idea at nagustuhan naman nila to. Pero mukhang palpak ako. 

May 10 minutes na kong hindi mapakali sa inuupuan ko. Text ako ng text kay Bal kung ano na bang nangyari pero kinabigla ko ng pag balik ko sa Hang out galing kwarto ko ay nandoon na si France at Edward. Para kong nabunutan ng tinik.

Nagtataka naman ako dahil sobrang tahimik ni Francine at parang takot na ewan. Agad ko tong nilapitan pag alis ni Edward at pinaupo sa couch.

"What happen?" Tanong ko.

"Muntik na kaming makasagasa e." Sagot nito na kinabigla ko.

"What?" 

"Oo pero buti na lang naka preno agad si Edward, tsaka ok naman daw ung lalaki."

"Thank God!"

"Bud, yung nangyari kanina. Parang nangyari na yun eh, pero hindi si Edward ang kasama ko." Salita nito na parang may gustong maalala sa nangyari sa kanila ni Edward. 

Nawala sa loob ko na kailangan ko pala sabihin kay Bal na nandito na si Francine.

"Wait bud, i'll just get some water." Sabi ko dito at tinawagan na si Bal.

Naka limang ring na to bago pa sagutin ni Bal.

[Francine is here.] Bulong ko sa mouthpiece para hindi marinig nila Kuya.

[Good. Tatawagan ko ulit si Master. Back to the Plan. Papuntahin ko na diyan si Ender.] Then he end up the call.

Pumunta na ko agad sa pwesto ni Francine at binigyan ito ng tubig.

Inaya ko siya lumabas ng bahay. Alam ko na nandoon na ang sasakyan ni Ender para sunduin kami ni Francine.

Pag labas namin ni Francine binigyan ko ito ng yosi para kumalma.

After a minute dumating na si Ender.

Agad naman lumabas si Ender ng kotse at binati kami ni Francine.

"Hi Ender." Bati ni France kay Ender.

"Hi France, ano ginagawa niyo dito?" Tanong nito na patay malisya.

"Ah hinihintay si Bal." Sagot ko naman para hindi makahalata si France.

"Nandun siya kila King eh, tara dun?" aya nito.

Sumakay na si France ng kotse at pumwesto ito sa passenger seat.

"Good Job Apple." Bulong ni Ender ng makasakay si France para hindi kami marinig nito.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon