Chapter 20: Walk away

197 5 0
                                    

Chapter 20: Walk away

Apple's POV

"Dalawang linggo na pero hindi ko pa din nakikita si Francine simula ng araw na dumating siya galing sa Beach House nila Jonathan."  Salita ko kay Kuya Bryan.

"Ako din naman eh, si Dane hindi siya nag sasalita kung nasaan ang kapatid niya." Tugon naman nito sa'kin.

Nandito kami ngayon ni Kuya Bryan sa Canteen, ang mga Flip Buds may kanya kanyang ginagawa. Si Dane naman pag tinatanong namin kung nasaan si Francine iniiba niya yung usapan.

Nahinto kami ng mayroon babaeng nag bukas ng pinto ng canteen, Bob cut ang buhok, naka shade at nka red lipstick.

Pag tanggal niya ng Shades, naka-nganga ang mga lalaki sa kanya. Kahit ang mga Flip Buds napatulala. Tumayo ako at namukhaan ko ang Babae. Si Francine ibang iba ang itsura niya. Pumayat siya ng kaunti naka-contact lens siya lalo siyang gumanda.

Nung nilapitan ko siya nilagpasan niya ko. Lumapit siya sa nag uumpukang mga babae. At ang mga Babae na yun. Let me say na isa silang Sorority in bad faith. Mahilig silang gumimik, nakikipag car racing, at walang pakielam sa sasabihin ng ibang tao sa kanila.

Sinundan ako ni Kuya Bryan para ilayo kay Francine.

"Kuya, si Francine." Kinakabahan na sabi ko kay Kuya.

Tumingin samin si Francine na parang hindi kami kilala. Walang ekspresyon nakikita sa mukha niya. Ginagawa niya lang ito sa mga taong hindi niya gusto.

Umupo si Francine at nag beso sa mga babaeng kasama niya. Nang umupo kami sa Table namin dumating si Dane.

"Dane, si Francine." Turo ko.

Malungkot ang mukha ni Dane. "Simula ng umuwi kami galing Batangas, iba na ang kilos niya. Tinawagan niya sila Papa para ibili siya ng condo. Iniwan niya ang mga gamit niya sa Bahay."

"Walang may lakas ng loob na kausapin si Francine kahit mga kapatid ko, walang naglakas ng loob."

"Si Cathleen?" Tanong ko kay Dane

"Wala pang alam si Cathleen." Sagot niya sakin.

"Sinubukan kong puntahan siya sa condo niya, pero sabi ng receptionist wala daw ito doon. Gabi na yun. Hinananap ko siya pero hindi ko siya nakita. Nag aalala ko para kay France." Pag papatuloy ni Dane.

Hindi nag tagal ay tumayo na ang mga grupo na kasama ni Francine. Nilapitan ko siya.

"France." Nilingon naman niya ko pero ang tingin niya sakin parang hindi niya ko kilala.

"France, uuwe si Cathleen." Dugtong ko.

"Ok." Yun lang ang salitang sinagot niya sakin.

"Let's go France?" Tanong ni Thine ang Leader ng sorority.

Malungkot akong bumalik sa Flip Buds.

Naupo ako at tinawagan si Cathleen.

[Bud, si Francine.She needs us.]

[Bakit? Anong ngyari?]

[Basta umuwi ka nalang.] in-end ko na ang call.

***

-Francine's POV-

Isang araw pag uwe ko galing ng Batangas tinawagan ko si Papa, sabi ko ibili niya ko ng condo, yung malayo sa subdivision namin. Tinanong niya kung bakit, ang sinagot ko lang ay gusto kong maging independent. Una ayaw pang pumayag ni Papa pero napilit ko rin siya.

Agad agad binayaran ng Secretary ni Papa ang condo na gusto ko. Wala kong dinalang isang gamit sa bahay namin. Bago ko umalis pumunta muna ko sa kwarto ni Dane para magpaalam.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon