Chapter 31: I love you, Goodbye?

155 4 0
                                    

Chapter 31: I love you, Goodbye?

Lumapit sakin si Apple nung nakita niyang nangingiti ako sa kanila ni Bal.

"Bud!" Umupo siya sa tabi ko habang naka pout.

"Sorry kanina." Dugtong niya

Kumunot naman ang noo ko habang naka tingin sa kanya

"Sorry for what?" Tanong ko.

"Sorry for those word that I've said to you. Yeah i feel insecure.  You are almost perfect. Nag selos ako sa isang tunay na kaibigan." Salita ni Apple habang nakahawak sa kamay ko.

"Tss! Wala yun. Kung hindi ka pa nag selos edi sana hindi pa rin kayo hanggang ngayon." Sagot ko.

"I felt guilty. Nakalimutan ko na masyado mong mahal si Jonathan para ipagpalit kay Bal sa kanya at nakalimutan ko ng ganon ganon na lang. I'm so sorry bud! "

"Pshh. Kung hindi mo pa nga sinabi yung mga yun hindi ko pa malalaman na masyado ka pala na out of place samin ni Cathleen and I'm sorry for what you've felt."

Inakap ako ni Apple at hinalikan sa cheeks.

"Yuck!" Sagot ko dito sabay pahid sa pisngi ko.

"Hahahaha! Sana wag mo dibdibin lahat ng sinabi ko?" Salita nito.

"Ewan ko sayo. Wala sakin yun. Buds are so important to me. We've treat each other us a Family.  Hindi ko hahayaan na may masaktan satin." Sagot ko dito.

Bigla naman lumapit si Dane at nag aya na umuwi.

"Bud usap tayo bukas." Sabi ni Apple.

Nagpaalam na kami ni Dane sa ibang Buds at kay Bal.

"Thank you!" Salita ni Bal nung hinatid niya kami ni Apple sa gate.

Naglalakad kami ni Dane sa subdivision ng biglang may tinanong ito.

"France paano kung may makasalubong tayong pugot na ulo?" Seryosong tanong nito

"The f*ck Dane!" Sagot ko dito at kumapit ng mahigpit sa braso niya.

"Hindi mo ba nakikita yung nakikita ko? Malapit sa poste."

Bigla itong huminto at tumingin sa akin. Huminto rin ako at tumingin sa kanya.

Nagulat ako ng bigla itong tumakbo. Hinabol ko siya hanggang sa makarating kami sa posteng sinasabi niya. Biglang lumakas ang hangin at napahinto ako.

"Daaaaneee!" Sigaw ko dito.

Huminto naman siya at nilingon ako.

"Hahahahahahaha!" Tawa nitong malakas habang nakahawak pa sa tiyan.

"Sa likod mo!!!" Sigaw ko.

Bigla naman nagkahulan ang mga asong alaga ng kapitbahay yung iba nag bukas ng ilaw.

Dahan dahan naman lumapit sakin si Dane at tumakbo ako ng mabilis.

Pag liko namin may naaninag akong lalaki mula sa gate namin kaya napahinto ako.

"Bakit?" Tanong ni Dane.

"May tao sa gate." Sagot ko dito.

Mataas na lalaki to. Naka leather jacket at pants na itim. Nakatayo lang to sa tapat ng gate namin.

Bigla naman akong kinabahan. Si Dane naman hinawakan ang kamay ko at inilagay ako sa likod niya.

"Sino ka?" Sigaw ni Dane habang papalapit kami sa gate.

Biglang lumingon ang lalaki sa amin. Matagal niya kaming tinititigan pero hindi ito nag sasalita.

Patay ang ilaw sa bahay namin at ilaw lang ng poste ang tanging liwanag.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon