Chapter 34: Stolen

172 4 0
                                    

Chapter 34: Stolen.

Edward's POV

"Dward ano to? Anong nangyayari?" Tanong sa akin ni Apple.

"Francine have an Amnesia. Hindi niya matandaan si Jonathan, at sa tingin ko ang huling naalala niya lang ay nung kami pa." Sagot ko naman dito.

"Pero Edward, hinayaan mo? Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang lahat?" Tanong nito sa akin.

"Hindi ko kaya! Hindi ko kayang masaktan na naman siya dahil kay Jonathan."

"Damn your selfish! Alam naman natin lahat kung sino talaga ang mahal niya di ba?" Sa sinabing yun ni Apple daig ko pa ang nasampal.

"I know! Pero hindi ko na kayang makita si Francine na masaktan pa ulit." Sagot ko dito.

"Masaktan? Nakalimutan mo na ba kung ano ang ginawa mo sa kanya? Si Jonathan hindi gusto ang lahat ng nangyari sa kanila. Pero ikaw lahat yun ginusto mo!" Sagot nito sa akin habang naka duro.

"Tama na Apple! Hayaan mo nalang ako." Sagot ko dito.

"Ipag dasal mo na lang na hindi ka kasuklaman ni Francine pag bumalik ang alaala niya!" Salita nito na at pumasok na ng loob ng kwarto.

Sa mga sinabing yun ni Apple parang bumabalik sa akin ang lahat ng sinabi ko kay Jonathan.

Ako nga siguro ang nag iisip ng pang sarili ko lang.

*****

Saktong kumakain kami ng dumating ang Doctor ni France para kausapin ito tungkol sa kalagayan niya.

"Goodeve Doc" Bati ko.

"Good Evening." Bati nito.

Lumapit ito kay France at may kinuhang Report Pad mula sa Nurse na kasama niya.

"France kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito habang nakangiti.

"I'm good." Sagot naman ni Francine.

"Bago sana ko umuwi gusto kong makausap ka." Salita ng Doctor ni Francine

Si Francine naman nakatingin lang dito.

"Mayroon ka bang nararamdaman na kakaiba sa sarili mo?" Tanong nito.

"Wala naman po, bukod po sa opera sa akin." Sagot naman ni Francine.

Kinuha naman nito ang stetoscope niya at nilagay sa likod ni Francine. May kinuha rin itong flashlight na pang tingin sa mata. Tapos yung nurse naman nito ay kinuhaan siya ng Blood pressure.

"I think you're okay now Francine. Mabuti nalang at nagising ka na mula sa comatose. Alam mo ba na parang isang milagro ang nangyari sayo?" Tanong ng Doctor nito na ikinagulat naman ni Francine.

"Na comatose po ako?" Tanong ni Francine.

Tinignan naman kami nito, siguro nga talagang hindi matandaan ni Francine ang mga nangyari.

"Oo, at isang milagro na wala man lang kaming makitang side effect mula sayo na nang galing ka nga talaga sa comatose. Ang iba na mild stroke pa or worst hindi na nagigising." Paliwanag ng Doctor kay Francine.

"Doc, okay naman po ang nararamdaman ko eh. Pero may ipinagtataka lang po ako. Bakit hindi po ako makaalala? Di ba po kung may amnesia ako dapat halos lahat sila hindi ko maalala or kahit ang sarili ko?" Tanong ni Francine sa Doctor nito na para bang alam na nito na mayroon nga siyang Amnesia.

"Hija, i think your already know about your condition. Yeah, you are suffering from Retrograde Amnesia. You only remember old memories and not the recent one." Sagot nito.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon