Chapter 14: Dubai

193 7 0
                                    

Chapter 14: Dubai 

"Flight 513 will be leave at exactly 3:00 am." Nasa NAIA na ko, ngayon ang Flight ko papuntang Dubai para sa gift sakin ni Ate. Ako lang mag isa, hindi na ko nagpahatid pa kila Cathleen.

Naglalakad na ko para makapag board, biglang may tumawag sa CP ko. Si Edward.

[NAIA ka na?]

[Yup, bat gising ka pa?] Alas tres na kasi ng madaling araw at gising pa rin ito.

[Hahatid sana kita, kaso wala ka na sa inyo eh. ]

[Aww, sorry hindi mo naman ako sinabihan eh.]

[Ok lang, mag iingat ka! Ilang weeks ba Vacation mo?]

[Thank you. 8days lang ako dito. Andito na ko sa board, off ko na yung CP. Bye na, ingat ka pag uwe dward. Thanks!]

[You're always welcome, mamimiss kita.]

[Thank you, see you soon Bye!]

In-off ko na yung cp ko, naupo na ko sa seating number ko.

Si Edward, thankful ako na andiyan pa rin siya kahit na hindi na dapat. Alam ko nasaktan na niya ko noon at kahit papano sampal sa kanya na iniyakan ko ang taong iniwan ako sa ere. Nandito ko ngayon sa Dubai para makalimot. Iiwan ko dito sa Dubai lahat ng sakit na naramdaman ko, lahat ng katangahang ginawa ko, ang umasa sa taong akala ko hindi ako sasaktan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng eroplano may katabi akong matandang babae na nag rorosaryo, sana magkaron kami ng maayos na biyahe. 8 hours din ang biyahe papuntang Dubai. Tumingin sakin ang matanda at nginitian ako ni nito. Nagsign of the cross ako at natulog na.

Hindi ko namalayan na depature na pala namin. Matagal din ako nakatulog since puyat ako ng umalis ako sa manila late ang oras dito ng 4 hours.

Sumakay ako ng private car papunta sa hotel na tutuluyan ko, nadaanan ko ang Grand Mosque papuntang Hotel ang Mall na kilala sa Dubai.. After 30 minutes nakarating na ko sa kilalang Hotel kung saan ako mag che-check in. Sinalubong ako ng Staff ng Hotel dala dala ang bagahe ko. 

"Welcome to Armani Hotel Miss Francine." Bati sa'kin ng isang staff ng hotel,  blonde ang buhok blue ang mata at sexy. Hinatid nila ko sa kwarto ko nag elevator kami nasa 4th floor ng Hotel ang kwarto ko. Nilapag na ng staff ng Hotel ang gamit ko at binigay sakin ang susi. Pag pasok ko bumungad sakin ang napakaling bintana na makikita ang labas ng Hotel, ang leather couch sa sala. Pabalagbag akong umupo sa Couch.

"Welcome to Dubai Francine!" Bulong ko sa sarili ko.

 Inayos ko na ang damit ko sa closet at mga gamit ko sa mirror na katapat ng kama. Nang maayos ko na ang gamit ko tumawag ako sa receptionist ng Hotel at nag pa-order ng makakain ko. Veggies lang kinain ko for Dinner. Nakausap ko na rin si Ate Cristine para mag Thank you, best friend pala ni Kuya Ben ang Senior Manager ng Hotel kaya na sa VIP ako.

***

 Kinabukasan hinanda ko na ang DSLR ko na regalo ng mga pinsan ko sakin..

Nasa private car ako ng Hotel, at dinala ko sa Ferrari World sa Dubai. Ang ganda iba't ibang model ng Ferrari Car ang mga naka display doon. Naka short lang ako at naka leather jacket. Nagpa-picture ako sa mga Staff doon, at pinicture-an ko din yung mga kotse.

Next stop sa Mall naman, namili ako ng pasalubong para sa mga kaibigan ko. Victoria's secret, Terranova, Gap na damit para kila Apple, Catherine at Cathleen. Nag aya ako sa Aquaventure Waterpark pinag drive naman ako ni Manong, pero Filipino siya. Kaya madali ko siyang nakapalagayn ng loob. Kung nasaan ako andoon din siya.Parang siya ang date ko ngayon.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon