Kabanata 13

1.9K 34 0
                                    

Naging abala si Francis ng mga sumunod na buwan dahil sa expansion projects ng kanilang kumpanya. Madalas itong di nakakauwi at palaging wala sa bahay. Kundi out of town ay out of the country ito. Nagkakasya na lang ang dalawa sa pag uusap online at cellphone. Nakaka-miss. Di man nila aminin sa isat-isa. 😥

Nang mga sumunod na araw ay palaging nangangasim ang sikmura ni Kate, samahan pa nang pasusuka niya tuwing umaga. May hinala na sya sa kondisyon pero ayaw niyang pangunahan at gusto niya pakasiguro. Delayed din kase ang period niya na di normal dahil ever since regular ang kanyang monthly period. Kaya malaki ang hinala niya na siya ay nagdadalang-tao.

After lunch, tinawagan ni Kate ang isa sa mga kaibangan niya, si Spade. Magpapasama siya sa kaibigan dahil mukhang di niya kakayanin ang mag isa. Isa si Spade sa nakakaalam ng arrangement niya sa asawa kaya hindi na rin ito nag atubili na samahan siya.

Habang naghihintay sa labas ng kwarto ng OB-Gyne ay nakahilig si Kate sa kaibigan dahil sa sobrang panghihina. Feeling niya any moment ay mawawalan na siya nang malay.

Ngunit hindi nakaila nang dalawang mata niya ang nakitang dalawang tao lumabas sa maluwang na pintuan ng manggagamot, na kilalang-kilala niya.
Nang magtama ang tingin nilang dalawa ay nakita ni Kate ang pagbabago ng ekspresyon ng mga mata nito. Alam nya ang mga tingin na iyon pero wala siyang narinig na kahit anong salita mula rito.

Dahil siya na ang kasunod, pinili niyang tumayo kahit na halos takasan na siya ng lakas.

Pagkatapos ng check-up ay nakumpirma ni Kate na siya ay mag-tatatlong buwan ng buntis. Halos tapos na ang first trimester niya. Masaya siya sa narinig na balita ngunit di siya sigurado sa saloobin ng asawa. Napagalitan pa nga siya ng doktor kanina dahil ngayon lang siya nagpatingin. Bakit daw pinatagal pa niya ang pagpunta sa doktor.

Pagpasok niya ng bahay ay nasa bar counter ang asawa at umiinom ito.

"What was that? Sino yung kasama mo? Why the hell you are leaning onto him?! Bakit kailangan, ganun kayo kalapit? Tell me" galit na sabi ni Francis.

Pero hindi siya pinasin ni Kate, nagdere-derecho ito sa paglalakad paakyat ng hagdanan.

"Saan ka pupunta? Kinakausap pa kita! I am asking you! Sino yung kasama mong lalaki kanina? Nawala lang ako ng ilang buwan, may kasama ka nang iba!" Kinakausap kita. Answer me! galit na bulyaw ni Francis.

"I don't want to talk right now! Please Francis. Not today! pakiusap ni Kate sa asawa. Ang taas pa kase ng emosyon na para makipag usap dito. Pag ngayon sila nagpumilit na mag usap ay sigurado hindi maganda ang kahihinantnan nun.

"Sino yung kasama mo kanina?! Pucha naman Kate. Lalaki ako! Sa lahat nang makakakita sa inyo ng lalaki mo? Ako pa talaga? Sa harap ko pa mismo! Galit na bintang ni Francis kay Kate.

"Teka, sinong lalaki? Si Spade?! Naku naman, dear husband. Spade and I were friends since elementary. Magkaibigan lang kami. Siya ang sumama sa akin dahil sabi nang magaling kong asawa ay nasa Quezon pa daw siya supervising a project! I asked him earlier this morning kung masasamahan niya ako sa doktor dahil ilang araw nang hindi maganda ang pakiramdam ko! Siya sana yung gusto kong kasama but guess what? Nakita ko siya kanina, sa ospital at may kasama siyang babae. At alam mo kung ano ang mas interesting dun?! She was holding my husband like he is hers. Alam mo kung anong mas maganda? Wala man lang paliwanag na binigay ang asawa ko sa akin at kung bakit siya nagsinungaling?! Nilampasan lang niya ako kanina na parang walang nakita?! Bakit nga ba? Why did you lie to me, Francis? Why?" tila sumabog na si Kate sa kanina pa kinikimkim na nararamdaman.

"It was just coincidence, Kate. It wasn't my intention to accompany her sa doctor but she asked for my help ng magkita kami sa client company when I dropped by pagkabalik ko kanina dito sa Manila. Remember, nagkita rin kami sa Palawan months ago. Kanina ko lang siya ulit nakita. In her case, she had an ectopic pregnancy years ago and that led her to have abnormalities sa kanyang menstrual period and with a bigger possibility na kanyang infertility. But that was what? years ago. Di ko rin sya pwede pabayaan ng ganun nalang. May pinagsamahan pa rin kami and I felt guilty. Bothered at the same time. I was just caught up in the situation" hirap na paliwanag ni Francis.

"Were you the father back then?" tanong ni Kate. Pero ang nasa isip niya ay sana umiling ito.

"Yes". Tipid na sagot ni Francis na ikinagbasak ng napakaraming luha mula sa mata niya. "When I saw you with him, aaminin ko, nagalit ako pero mas nanaig yung selos ko sa kanya. I was also thinking na pag nalaman ni Bettina na ikaw ang asawa ko ay baka mag eskandalo siya".  So I was quick to decide ignoring you. I had this urge of keeping you away from her dahil ayaw kitang masaktan" sabi ni Francis.

"Pero nasaktan mo pa rin ako. Please give me time to rest and think. Maraming naglalaro sa isip ko ngayon pero hindi ko alam kung alin ang pakikinggan. Ayokong pagsisihan ang mga desisyon na magagawa ko" . Pakiusap ni Kate kay Francis.

Tuluyan nang pumasok si Kate sa kanyang silid at ini-lock iyon. Ayaw niyang makita si Francis o marinig ang mga kasinungalingan mula rito.
He lied to me. What's the point of staying if he will keep on lying to me.

Si Francis ay naiwan sa paanan ng hagdan at tuluyang napaupo ng tinakasan ng lakas.

#sukonasikate

His Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon