Kabanata 16

1.9K 30 0
                                    

Magmula ng umalis si Francis ay hindi na rin nakatulog si Kate. Iniisip nya ang mga sinabi nang asawa. Totoo naman talagang sinusubukan ni Francis na maging mabuting asawa sa kanya ngunit hindi pa rin niya maisip na hindi talaga siya kayang mahalin nito, sa kabila nang katotohang mas lalong minamahal pa ni Kate ang asawa habang lumilipas ang panahon.
Iyon ang dahilan kung bakit iniiwasan niya ito at ititunutulak palayo.

Masyado nang malalim ang gabi. Sa labis na pag iisip at pag-iyak ay nakatulugan na iyon ni Kate. Di na nya namalayan ang pagdating ng asawa.

Pagpasok nito sa kwarto ay mahimbing na natutulog si Kate. Sinubukan niyang huwag na gumawa ng ingay at humiga nalang sa tabi ng asawa hanggat tuluyan na itong nakatulog.

Kinabukasan, pagmulat ng mata ni Francis ay agad niyang hinanap ang asawa ngunit wala ito sa kama, naulinigan niyang may tumutunog sa toilet at agad niya itong pinuntahan.

Inabutan niya ang asawa na yakap-yakap niya ang inodoro at di na maipinta ang mukhang nito sa labis na pagkaputla at sa pagsuka.

"Babe, what's wrong? May sakit ka ba? Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ni Francis habang hinahagod ang likod ng asawa. "You said the doctor said you were okay, how come you are like this?"  alalang tanong niya.

"This is just normal." sinubukan ni Kate tumayo at humawak sa maliit na lababo at naghugas ng bibig at nag sepilyo.

"How can it be normal? Normal ba yun na sumusuka ka?" ani Francis.

"I'm pregnant. Going 3 months" sabi ni Kate.

Nagulat si Francis sa narinig. Natigilan ito at hindi agad nakapag salita. Tinitigan lang nito ang asawa sa labis na pagkamangha sa mga nangyayari.

Tuluyan ng na-frustrate si Kate sa inakto ng asawa. Lumabas siya ng kwarto at tumuloy sa kusina upang maghanda ng almusal.

His Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon