Kabanata 46

1.4K 24 0
                                    

Naging payapa ang damdamin ni Kate ng marinig sa asawa na walang alam ito tungkol sa annulment papers nila.
Naibsan ang bigat ng loob niya na sa kabila ng lahat ay gusto pa rin siya nitong makasama.

Mabilis na lumipas ang mga araw para kina Kate at Francis. Dumating na ang nakatakdang celebration para sa kanilang anak.

Naging abala ang buong pamilya nang dumating sila sa venue. They just invited a few friends and relatives for the celebration. Nagsimula na rin dumating mga bisita while Kate and Francis are busy talking to the guests. Si Baby LM naman ay nakay Tita Agnes sa loob ng air-conditioned room ng events place para hindi mag iyak ang bata in time of the program. Maging ang mga ninong at ninang ni baby ay nagsimula na rin dumating isa-isa.

Naging masaya at makabuluhan ang birthday celebration ni LM. Nakapag usap ang mga tao na dati ay hindi nagkikita. They made way to make up with each other.

Nagbilin ang Mother ni Francis na gusto daw nito makita sina Kate at Francis bago sila umalis. Matagal nang may sakit ang mother ni Francis kaya naman hindi ito ganoong kaaktibo sa mga lahat ng okasyon at pangyayari sa buhay nila.

Pagkaalis ng mga bisita ay dumerecho na ang mag asawa sa kwarto ng ina upang makita na ito.

"Ma." Bati ni Francis sa ina at humalik ito sa noo ng ina.

"Anak, Kate, kamusta kayo?tanong ng ina ni Francis.

"Maayos naman po. Ito medyo pagod lang po sa dami ng kinausap today." sagot ni Kate.

"Hindi naman sa nakikielam ako sa inyo mga anak pero ano ba talaga ang nangyayari sa inyo? Bakit ang sabi ng Dad mo ay pinaasikaso niya ang annulment nyong dalawa? Isipin nyo naman ang apo ko. Akala ko ay okay na kayo?"

"Ma, actually hindi ko rin alam kung bakit nag result si Dad sa ganun e. He never consulted me about that. Kinausap nya si Kate ng hindi ko man lang alam. Ang dami pa niyang sinabi sa asawa ko." sabi ni Francis sa ina.

Hindi alam ng tatlo na nakikinig lang ang ama ni Francis sa may pinto. Sa gitna ng pag uusap ay pumasok ang ama nito.

"Bakit kailangan ko pa sabihin sayo? Di ba nagpakasal ka nga sa babaeng yan kahit ayaw mo? Anong bang pinagkaiba? Bakit? Anong problema? Ayaw mo na siyang hiwalayan ngayon? Bakit? Dahil sa apo ko? Hindi naman sa kanya mapupunta ang bata pag naghiwalay kayo, bakit? Kase wala naman siyang capacity para buhayin ang apo ko." malupit na tinuran ng ama ni Francis.

"Dad, will all due respect, please don't talk to my wife that way?! Sagot ni Francis.

"Bakit? Totoo naman ah. May mali ba sa sinabi ko? She even sold herself to our family, diba? Anong problema mo? Mali ba ako? Anong klaseng babae ang papayag sa ganyang set up? Diba para ibinugaw siya ng pamilya niya sa atin? Para saan? Para sa pera diba? Dahil siya ang pinambayad sa pagkakautang nila sa atin!" galit na sabi ng ama ni Francis.

"Dad! Enough. Hindi ko dinala si Kate dito para mabastos ng ganito. Bigyan nyo ng kahihiyan ang asawa ko!" Galit na sagot ni Francis habang si Kate ay umiiyak na dahil sa hindi na nakakayanan ang mga naririnig.

"BAKIT FRANCIS? ANONG BANG MALI SA MGA SINABI KO?! IKAW KATE?! Akala ko ba ay nagkaintindihan na tayo?! Ang usapan natin ay hindi na kita makikita after today so I am expecting you to leave soon. Leave my son alone. Hindi ikaw ang kailangan niya!

Nakayuko lang si Kate habang umiiyak.

"We're done here, Ma. Sorry, I cannot stay any longer." At tuluyan ng lumabas sina Francis at Kate sa lugar kung nasaan ang mga magulang niya.

Ang ina ni Francis ay naiwang hindi makapaniwala sa mga narinig at nakatingin sa pinaglabasan nila na pintuan.

Samantalang si Tita Anges ay sinabihan ni Francis na iuwi muna sa kanilang bahay ang anak. Dahil sa mataas ang emosyon nito ay nagpasyang siyang ipagkatiwala muna ito sa kanilang Tita Agnes dahil kilala niya ang sarili pag nasa daan.

Habang nasa sasakyan ay patuloy lang si Francis nakatingin sa daan habang nagmamaneho. Si Kate naman ay nahimik na patuloy sa pag iyak habang nakatanaw sa labas ng bintana.

Nakarating na ang dalawa sa bahay pero kahit isang salita ay walang narinig mula sa kanila. They both chose not to talk dahil parehong mataas ang emosyon nilang dalawa.

Pagpasok ng bahay ay dumerecho si Francis sa bar counter. Kumuha ito ng alak, baso at yelo sa mini ref sa tabi ng shelf. Nagsalin ito sa kopita at uminom ng magkakasunod.

Pagkatapos magbihis ni Kate ay sinubukan niyang silipin ang asawa sa kung ano na ang ginagawa at lagay nito ngunit hindi siya kinibo nila, bagkus ay nagpatuloy lang ito sa pag inom.

Dahil sa naging reaksyon ni Francis ay nagpasya si Kate na iwanan muna ito upang makapag isa at makapag-isip.

His Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon