Kabanata 35

1.8K 24 3
                                    

Kate decided to call her Tita Agnes para makausap ito.

Sa loob ng hospital room...

"Tita, please help me. Francis is almost here everyday pero mas maganda po siguro na hindi na kami mag usap. Kung sakali naman po ay wala na rin patutunguhan ang kahit anong mapag usapan namin. Gusto ko po sana bumalik sa atin. Tutal, hindi na rin po ako makakauwi sa bayan dahil siguradong alam na rin ni Francis yung tinuluyan namin." Ani Kate.

"Anak, di naman sa pinanghihimasukan ko kung ano man ang nangyayari sa inyo pero your husband might deserve another chance. He never left your side simula nung dumating sya dito. He was very concerned about you and your baby. Pero, mas malaki ang pagaalala niya sayo. Di na rin siya halos nakakain at nakatulog sa sobrang pagaalala sayo. Baka kailangan nyo lang mag usap." sabi ni Tita Agnes.

"Tita, thank you for the concern. Na-appreciate ko po talaga yung pagmamahal nyo sa amin. Pero may mga bagay po siguro talaga na kahit anong pilit ay hindi na pwede." sabi ni Kate kay Tita Agnes.

"Yung asawa mo, ilang araw na di pumasok para bantayan kayong mag-ina. Ang Tito Gil mo rin, nanggaling din dito to check up on you habang wala ka pang malay. Mukhang napagalitan din ng ama niya ang asawa mo. Ang tagal din nilang magkausap e." kwento ni Tita Agnes.

"Tita, tsaka ko na po siguro iisipin yung sa amin ni Francis. Gusto ko lang po sana na makarecover agad para sa anak ko. " Tita, magkano po kaya yung running bill namin na mag ina? Gusto ko po sanang macheck. Baka kase kulangin na yung naipon ko dito." tanong ni Kate.

"Wag mo na isipin ang bill at nabayaran na ng asawa mo lahat"

"Ha? Tita, no! Ayoko nang magkaroon ng kahit anong kaugnayan sa kanya. Utang na loob ko pa po iyon.

" Anong klaseng isip ba meron kang bata ka? Yan pa talaga ang inisip mo."
Asik ni Tita Agnes. Ang gulo nyong dalawa. "

Naiinis na lumabas ni Tita Agnes sa kanyang kwarto at pumunta muna ito kung saan man.

His Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon