Jema's POV
Nagising si Jema sa tunog ng Cellphone ni Deanna. Nakaharap ang babae sa table kung saan nakalagay ang phone nilang dalawa.
Buti na lang hindi ako nakaharap sakanya. Sa unang pagkakataon sumunod ang katawan ko sa utak ko. Dapat ko na nga talagang sanayin na sa tuwing magkalapit kami o di kaya ay nasa sitwasyon kami na tulad nito ay kontrolado ko ang katawan ko sa kung anong sinasabi ng utak ko. Yong mga nakasanayan ko na ginagawa ko sa tuwing magkatabi kami ngayon pa lang uunti-untiin ko ng pag aaralang baguhin. And thank God nagawa ko yon ngayon.
Pangalawang beses na tumunog ang phone ng babae hindi pa rin ito nagigising. Nag aalala na si Jema baka importante ang tawag na iyon. Nakayakap pa rin si Deanna kay Jema habang ang kamay nila ay naka intertwined pa rin sa isat isa. Bahagyang pinisil at ginalaw ni Jema ang kamay ng natutulog paraan upang magising ito. Effective naman ito dahil mukhang nagising ang babae. At nag tulog tulogan na si Jema. Nanatiling nag riring ang phone nito. Tinanggal ang mga kamay nilang magkasalikop. Naramdaman na lang ng dalaga ang pag halik nito sa kanyang buhok. Dahilan upang mapapikit ng madiin si Jema.
Sa tulong ng pakiramdam ni Jema ay nakikinita nito ang galaw ng babae. Bahagya ngang itinaas ni Deanna ang mga braso upang kapain ang cellphone nitong kanina pa tunog ng tunog. Ng makuha na ay pinatong nito ang mga kamay at siguro ay sinipat ang kung sino ang tumatawag. Bahagya namang binuksan ni Jema ang mata upang makita kong sino ang kanina pa tumatawag sa babae. At ng makita nito kung sino ang tumatawag kay Deanna ay hiniling nito na sana may undo or backwards ang mga sandaling iyon. Kahit iyon lang na mga sandaling pag pasyahan nyang imulat ang kanyang mga mata at tingnan kung sino ang tumatawag dito. Para sana kung meron man ng mga hiniling ay hindi nya na nanaisin na buksan pa ang kanyang mga mata sa mga sandaling iyon.
Nakita nito na tumatawag ang babaeng minamahal na ngayon ng mahal nya. Iyon ay si Sophia. Muling ipinikit ni Jema ang mata habang pinipigilan ang nag babadyang pag tulo ng mga luha.
Hindi nga nag tagal ay muli nitong naramdaman ang bahagyang pag galaw ng braso na nakaunan sakanya. May pag iingat nitong tinatanggal iyon sa pag kakaunan sa kanyang ulo. Dahan dahan, may pag iingat sa bawat galaw. Marahil ay iniiwasan nito na magising sya. Ng mapagtagumpayan nitong matanggal iyon ay dahan dahan na itong bumangon. Narinig na lang nya ang pabulong na pag salita nito.
"Hello Hon? Goodmorning" rinig na bulong ni Jema. Nanduon pa ito sa may gilid ng kama kaya marahil naririnig pa nito ang sinasabi ng babae.
"Yes Hon" rinig ulit nito na sambit ni Deanna. Hindi nya alam kung anong sinasabi ng nasa kabilang linya. Rinig lang nya ang sinasabi ni Deanna.
"Ah, eh, kakagising ko lang kasi that is why mahina boses ko" narinig nitong bigkas ng babae habang papalayo sa kinaroroonan nya. Marahil lalabas ito upang makausap ng maayos ang kasintahan.
Bago tuluyang makalabas ang babae sa kwarto ay narinig pa nya itong tumawa at nagsalita ng nagpadurog sa puso nya "Happy anniversary too Hon" at sinarado na ang pinto. Hindi na napigilan ng babae ang kanina pa nag babadyang pag tulo ng mga luha.
Tuloy tuloy lang ang pag daloy ng kanyang mga luha. Hindi lubos maisip ni Jema kung bakit hindi sya masanay sanay sa mga ganoong sitwasyon. Kahit pilitin siguro nya na huwag maapektuhan ay hindi pa rin nya magawa. Masasaktan at masasaktan talaga sya. Lalo pa at mahal na mahal nya ito. Ang tanging magagawa na lang nya ay patuloy itong iwasan hanggat maaari ng sagayon ay hindi na sila umabot sa punto na hindi nila pareho ma-control ang mga sarili. Sya ang dapat gumawa nito.
Walang boses o di kaya tunog man lang ng pag hikbi ang maririnig mula kay Jema. Basta patuloy lang na umaagos ang mga luha nito sa kanyang pisngi. Marahil pa nga ay nababasa na ng kaunti ang kanyang unan. Pakiwari nito ay ilang milyong karayom na naman ang tumutusok sakanya.
BINABASA MO ANG
Sanctuary Heart
Fiksi PenggemarJD Kung sakaling maligaw, Pag-ibig sayo'y hindi na matanaw. Pintig ng puso mo ang tanging daan, Pabalik sa'king tahanan. "Ikaw" If two points are destined to touch, the universe will always find a way to make the connection, even w...