Chapter 10

5K 151 24
                                        

Deanna's POV

Tumakbo ako sa cr baka sakalin na ko ni Jema sa sobrang kakulitan ko. Nakawan ko ba naman sya ng halik sino hindi magagalit. Pero maganda naman yong mag nanakaw ng halik sakanya. Buti nga ako ang humahalik sakanya sa ganda kong to aayaw pa ba sya. Daming nahuhumaling sa isang Deanna Wong kung nakalimutan mo Jema Galanza.,

Nakaharap si Deanna sa salamin habang pinag mamasdan ang sarili. Nag papa cute pa ito habang nag kukunwari na kaharap si Jema. "oh, ang ganda ko kaya" pakindat kindat pa ito sa salamin na akala mo may kaharap. "tsk, tapos inaayawan mo ko. Kung alam ko lang baliw na baliw ka sakin." wow self proclaim tayo don,ah.

Pero bigla itong sumeryoso naisip nya ang sitwasyon nya ngayon. Ukupado na ni Jema ang buong isip. Sinabayan pa ni Baby Uriel. Minsan nga hindi nya na maisip ang iba. Puro na lang Jema at Uriel. Pagkagising pa lang at kahit sa napaka busy nitong work at maging bago sya matulog ay sakanila umiikot ang isip ni Deanna.

Umaga pa lang ang saya ko na. Gusto ko mukha agad nila yong nakikita ko. Hindi ko alam naguguluhan na ako. Pero kapag naiisip ko na masasaktan ko si Sophia bumabalik ako sa reyalidad na may hangganan ang saamin ni Jema at may Sophia ako na masasaktan. Ngunit kaya ko ba na mawala si Jema at Uriel kung sakaling dumating ang araw na kaylangan na naming mag hiwalay? Kapag ba dumating ang araw na kailangan na naming lumaya sa isat isa kakayanin ko pa ba na mawala sya? Sadyang kay bilis ng pang yayari. Tila kaydaling mahulog muli sakanya ngunit hindi nya maintindihan ang damdamin kapag malapit ito sakanya. Maging sya ay naguguluhan din sa nararamdaman.

Totoo ba itong nararamdaman ko para kay Jema? Bumalik ba yong pag mamahal ko para sakanya? Baka lang siguro dahil araw araw kaming magkasama kaya ganito nararamdaman ko. Kung lumayo muna ako. Baka sakaling mag bago pa. Pero kaya ko ba na malayo sa mag ina ko? Kanina tumawag sakin si Sophia. Wala akong maramdaman na excitement. Ni anniversary namin nakalimutan ko ngayon din pala. Buti na lang naka lusot ako sakanya. Pero hanggang kaylan? Tama pa ba itong ginagawa ko? May nasasaktan na akong tao. May niloloko na ako. Alam ko mali na ito. Kailangan ko ng tapusin ang saamin ni Sophia. Pero paano? Masasaktan ko sya. Pero mas mahihirapan kami pare pareho kung mag papatuloy pa ako sa ganito.




Antagal nitong nag isip habang nakaharap sa salamin. Hindi pa nya alam kung ano susundin nya isip ba o ang isinisigaw ng puso nya na sa pag kaka alala nya ay matagal ng isinisiksik sa isip nya. Hindi nga nagtagal ay nag hilamos na ito. Ginawa ang iba pang ritual sa umaga. At pagkatapos ay lumabas na ito.

Paglabas ni Deanna ay hinanap ng mga mata nito ang mag ina. Ngunit sa pagka dismaya ay wala ang mga ito. Naisipan nitong baka nasa baba. Dali dali syang bumaba. Ngunit pag baba nya sa sala ay wala ang mga ito. Natataranta na ang babae. Hindi na nito napansin ang matanda na nasa kusina lang na abala sa pag luluto. Napansin naman ito ng matanda ngunit hindi na nito nahabol ng tatawagin na sana sya nito. Pabalik kasi ito sa kwarto. Lutang si Deanna ng paakyat muli sa room nila sa kakaisip kung nasaan ang mag ina nya.

"asan kaya sila, yan Deanna baka iniwan kana nila" pangaral nito sa sarili.

"Ayan ba ang baka mo? Baka lang araw araw mag kasama. Hindi mo nga lang makita at mahanap nababaliw kana lutang na lutang kana sa kakaisip kung nasaan sila." patuloy nitong sita sa isip. "kalma ka lang kasi, hindi yong taranta kana dyan. Baka nandyan lang sila mag hanap ka lang" pag papakalma sa sarili.

Nasa kwarto na  si Deanna. Binuksan ang Cabinet nilang tatlo nakahinga sya ng maluwag ng makitang naanduon pa ang mga damit ng mag ina. Umupo sya saglit sa kama. Nakita nya ang pinto papunta sa Veranda naisipan nyang pumunta dito, mag papahangin muna sya para makapag isip ng maayos at makalma ang sarili. Kinuha muna nya ang Cellphone at tuluyan ng tinungo ang veranda.
Lumingon sya sa kaharap na veranda
Na miss nya ang bahaging iyon ng bahay. Dati-rati doon ang lugar na palagian nyang pinupuntahan. Lalo na kapag gusto nyang makita si Jema Noong hindi pa sila. Pagkagaling sa klase doon na sya pupunta hihintayin na umakyat si Jema. Hawak lang ang gitara mag paparinig ng kung ano anong kanta. Papasok lang sya sa kwarto kapag nakita nyang pinatay na ng babae ang ilaw nito.

Sanctuary HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon