Deanna's POV
Nagising si Deanna napatingin ito sa gawi ni Jema na kasalukuyang nakayakap ng mahigpit sakanya at himbing na natutulog. Napangiti sya sa alaalang maayos na sila muli ng babae. Dumako ang kanyang mata sa mga matang nakapikit hinaplos-haplos nya iyon hanggang sa mga kilay nito pababa sa ilong at ang huli ay sa mapupula at malambot nitong mga labi. Bigla syang napalunok. Sa isiping iyon ay naramdaman nya ang pagkauhaw. Nararamdaman nya ang pag bilis at lumalakas na pintig ng kanyang puso. Baka nga magising pa ang babaeng katabi na payapang natutulog sa lakas ng kabog ng kanyang puso.
Kailangan nya muna sigurong uminom ng tubig para mapawi ang pag kauhaw, dahil literal na naramdaman nya ang pagka tuyot ng kanyang lalamunan at magpahangin na din siguro sa veranda para mapawi ang nararamdamang init. Ramdam kasi ni Deanna ang pawis sa kanyang nuo maging sa kanyang likod kahit pa nga naka todo ang aircon sa kwarto nilang iyon.
Napag pasyahan nya na bumangon. Dahan-dahan nyang tinanggal ang braso na nakaunan sa babae na himbing pa ring natutulog. Nahinto si Deanna ng bahagyang gumalaw si Jema at mas yumakap pa ito sakanya.
"My God love, pano ako nito makakabangon kung ganyan ka?" di napigilang bulong ni Deanna kay Jema.
"uhm" Ungol nito pagkatapos ng bulong nyang iyon. Napabuntong hininga naman si Deanna. Sa simpleng yakap at ungol kasi nito ay may kakaibang sensasyon na dumadaloy sa kanyang katawan na lalong nag papainit sa kanyang pakiramdam.
"Mahal, iinom lang ako ng tubig" bulong ulit nya kay Jema habang binibigyan nya ng maliliit na halik sa punong tenga ng babae. Napapa ungol naman ito sa kanyang ginagawa. Siguro ay nakikiliti ito sa paraan nya ng pag halik dito.
"Uhm, Loooove" sa mahina nitong sambit may halo iyong lambing.
Habang si Deanna hindi na mapakali. Gusto na nyang makawala dito. Dahil kung magtagal pa ay paniguradong baka hindi na nya ma kontrol ang kanyang sarili. Buti na lang ay niluwagan na nito ang yakap sakanya. Paraan para maka bangon sya.
Pag tayo nga ay lumapit si Deanna sa table kung saan nakapatong ang pitcher na may tubig. Agad nya iyong kinuha nilagyan ang baso at uminom ng tubig ramdam pa rin nya ang pawis sa kanyang nuo maging sa ibang parte ng kanyang katawan. Pinapaypayan ni Deanna ang mukha gamit ang kanyang kamay, nakatitig pa rin sya sa nakatalikod na babae. Kaya kahit kaunti ay 'di maibsan ang kanyang nararamdamang init. Malamang sa malamang ay namumula sya sa mga oras na iyon. Buti na lang nakapikit si Jema ng magkayakap sila kung hindi ay nakita nito ang kanyang pamumula. Kailangan nya ng hangin. Kinuha ni Deanna ang cellphone na nakapatong sa table at lumabas ng pinto papuntang veranda.
Napag pasyahan ni Deanna na mag tungo sa Veranda upang mag pahangin. Huminga at itakwil sa isipan ang mga nararamdaman. Baka kapag naka langhap ng sariwang hangin ay mawala iyon at pupwede na ulit tumabi sa babae. Hawak pa rin nya ang isang baso ng tubig inilapag iyon sa table na nandoon maging ang Cellphone ay inilapag sa tabi ng baso. Dumungaw si Deanna sa baba ng garden habang nakapatong ang kamay sa nakaharang na baluster ng Balcony . Napangiti si Deanna ng makita ang fountain na nasa gitna ng garden at ang tatlo o apat na baitang na hagdan papasok sa main living room ng buong bahay. Doon sila muli unang nagkatagpo, at ang pagtatagpong nag bukas sakanyang puso.
Napadako ang kanyang mata sa ibang bahagi ng harding iyon. Mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw ni Deanna ang mga halamang puno ng bulaklak. Iba't ibang uri ng bulaklak iyon, may Red Rose and white at sa isang bahagi ng hardin kung saan buo ang tama ng araw ay may Sunflower na tanim. Nag uumpisa na rin itong lumaki. Siguro ay inilagay iyon ni Nanay Helen o di kaya'y si Jema sa ilang buwan pa ay mamumukadkad na rin iyon. Paborito kasi ni Jema ang bulaklak na sunflower , sa katunayan sya ang mahilig mag tanim niyon noon. Dahil isa iyon sa nakakapag pasaya kay Jema. Nag aral pa sya dati kung pano mag tanim at kung pano iyon alagaan.
BINABASA MO ANG
Sanctuary Heart
Hayran KurguJD Kung sakaling maligaw, Pag-ibig sayo'y hindi na matanaw. Pintig ng puso mo ang tanging daan, Pabalik sa'king tahanan. "Ikaw" If two points are destined to touch, the universe will always find a way to make the connection, even w...