Deanna's POV
Lumipas ang mga araw patuloy ang magandang pakikitungo ni Deanna kay Jema. Hindi dahil may kasama sila sa bahay kundi iyon ang nararamdaman ng dalaga para dito. Malambing din ito sa babae na labis na kinasaya ni Nanay Helen dahil alam nya na ito na ang simula ng pag babago para sa dalawa. Mawawala na rin ang sakit na pasanin sa puso ni Jema.
Ngunit lingid sa kaalaman ng matanda. Si Jema patuloy din ang pag iwas kung may pagkakataon at kung hindi ito nakikita ni Nanay Helen. Hanggat maaari hindi nito pinapayagan ang sarili na tugunin ang bawat pag lalambing ni Deanna. Hindi naman ito lingid sa kaalaman ng babae. Naaapektuhan si Deanna sa bawat pag iwas ni Jema.
Kahit ayaw ito ni Jema wala syang magagawa. Ayaw na nyang lumala pa ang pag kakamali nilang dalawa.
Pagkagaling nga nila sa Hospital ng sunduin ng dalawa si Uriel at Nanay Helen ay kumain muna ang mga ito sa labas at pagkatapos ay umuwi na nga sila sa tahanan ng dalawa. Nang gabi rin iyon ay sinabi ni Jema ang dapat malaman ni Deanna tungkol kay Uriel. Dahil kung hindi pa nya ito sasabihin ay patuloy itong babagabag sa kalooban ni Jema. Baka kasi hindi ito magustuhan ni Deanna kung sakali. Kahit pa nga alam nito na mahilig si Deanna sa bata. Hindi pa rin ito nakaka siguro kung gugustuhin nya na ginawa syang isa sa magulang ng bata without her knowing.
Flash back 5 days ago
Habang nakahiga si Uriel sa crib ay nilalaro ito ni Deanna. Naka upo si Deanna sa gilid ng kama habang nilalaro si uriel.Tuwang tuwa naman ang bata. Simula ng pag uwi nila hindi na napag hiwalay ang dalawa. Wari ba ay sabik na sabik ito sa pag kakaroon ng baby. Habang nag lalaro ang dalawa ay mataman lang silang pinag mamasdan ni Jema.
Nag aalangan pa ito kung kakausapin nga ba sya. Panay tingin lang si Jema sa dalawa. Hindi napapansin ni Jema na tulala na pala sya sa mga ito. Na napansin naman iyon ni Deanna.
Kanina pa to tulala ano kayang problema ng babaeng to. Kinuha ko na nga si Uriel sa crib sakit na ng balikat ko kaka yuko. Pagod na din ako. Mag lalaro na lang muna kami sa kama.
Ang sarap naman talaga makipag laro sa bata. Ang saya pala kapag may anak kana. Exited na ko madagdagan si Uriel.
(ui nag iisip na syang madagdagan ng isa pa, gagawa na ba kayo? )
-Pssst wag maingay author
(hahahaha sus takot ka naman kay Jemalyn)
-oo na author wag kana makulit dyan. Nalalaman tuloy nila.
(malalaman naman talaga nila yan kahit di ko sabihin hahahaha)
- okay stop na bye
Ayon na nga nakakawala ng pagod kasi ito. Kahit ngayon pa lang kami nagkasama ang gaan na ang loob ko sa baby ko. Bakit ba baby ko na din to anak sya ni Jema. At naalala ko kanina may sinabi si ate Den na kami ang magulang ni Baby Izabelle. Last name ko pa ang ibinigay sakanya.
Pangiti ngiti naman si Deanna sa isiping iyon ng hindi napapansin. Habang si Jema naman ay nakatingin pa rin sa mag ina. Napansin ulit ito ni Deanna kaya hindi na nakatiis nag tanong na sya sa nakatulalang babae.
Habang nilalaro si Uriel. "uhm, Margarett may sasabihin kaba? Kanina kapa kasi dyan tulala." habang hindi inaalis ang tingin sa bata at nilalaro pa rin ito.
Nagulat naman si Jema sa sinabi ni Deanna na nagpabalik sa katinuan nito. "Ah, eh, uhm." nag iisip pa ito
"Ano yon? Sabihin mo na. Sige ka mamaya nyan sa mental hospital ang bagsak mo nyan, hahahaha" sabay tawa ng malakas.
Inirapan naman ito ng babae.
(aba nang iirap na ang lola nyo, maldita na ulit? Hahaha)
"yan na namang mata mo Margarett sige ka baka pag nahanginan yan di na bumalik sa dati, lagot ka. Sabay kunot ng noo at binaling ang tingin sa anak na panay daldal na hindi naman maintindihan ang sinasabi. Nag salita ulit ito." baby gusto mo ba ng mommy na walang pupil yong eyes? Diba ayaw mo? Look at your mommy oh," sabay pakita sa mommy nya. Habang natatawa.
BINABASA MO ANG
Sanctuary Heart
FanfictionJD Kung sakaling maligaw, Pag-ibig sayo'y hindi na matanaw. Pintig ng puso mo ang tanging daan, Pabalik sa'king tahanan. "Ikaw" If two points are destined to touch, the universe will always find a way to make the connection, even w...