Jema's POV
Buong araw na hinihintay ni Jema si Deanna. Pag gising kasi nito ay hindi na namulatan ang babae. Nag aalala sya para dito. Baka masakit ang ulo nito dahil sa dami ng nainom, baka hindi pa kumakain, Baka galit ito sakanya. Maraming tumatakbo sakanyang isip. Sa mga sinabi nito kagabi ay alam nya na masama ang loob nito at siguradong nasasaktan si Deanna. Masakit makita na nahihirapan ito dahil sakanya. Lalo pa't nag sisimula na naman si Deanna na mag doubt sa kung ano ang kaya nyang gawin. Kinukumpara na naman nito ang sarili sa kung ano ang kaya lang nyang ibigay at ibibigay ng iba sakanya. Nag sisimula na naman itong mag isip ng mga sasabihin ng iba sakanila. Nandoon na naman si Deanna sa punto na minamaliit ang sarili. Panigurado iniisip nito na wala sya kumpara kay Victor. Katulad noon kapag napag kakamalan na sila ni Victor kahit kasama nya si Deanna na kasintahan nya. Alam ni Jema na nakakababa iyon ng kompiyansa kay Deanna. Ngunit wala naman magagawa ang iba kung sino man ang mahalin nito. Kahit ipag pilitan pa saakin si Victor o kung sino man na sa tingin nila ay nababagay saakin. Alam ko sa sarili ko na si Deanna lang ang nababagay saakin, tanging sya lang ang kasiyahan ko. Ngayon bumabalik na naman si Deanna sa pakiramdam na hindi ito ang nababagay sakanya. Ramdam nya sa bawat bigkas ng bibig ni Deanna ang sobrang sakit na nararamdaman nito.
Nag handa si Jema ng pananghalian nag babakasakali na uuwi si Deanna sa bahay nila para doon kumain. Ngunit desmayado itong napapatitig sa bawat pag patak ng oras at lumilipas ito na walang Deanna na dumating. Mag hapon na si Deanna lang ang tumatakbo sa isip nya. Malapit na syang mag ayos para pumunta ng resto bar ngunit ito pa rin ang inaalala ni Jema. Nasa sala silang tatlo ni Nanay Helen at Uriel.
"Anak pumasok pa rin ba si Deanna?" tanong ng matanda sakanya. Nanatili lang itong nakatingin sa pinapanuod. Kasalukuyan silang naka upo nito sa sofa.
"Opo Nay Helen, hindi ko naabutan kanina ng magising ako. Baka may inaasikaso kaya pumasok kahit sabado" paliwanag nya sa matanda.
"Ganon ba. Ikaw maaga ka bang uuwi mamaya?" Tanong ulit nito na hindi pa rin inaalis ang mata sa pinapanuod.
Hindi na nakasagot si Jema dahil napalingon sila sa pumasok. Ito ay ang babae na kanina pa nya iniisip. Nagulat pa ito ng makita silang tatlo sa sala. Dumeretso ito sa kinaroroonan nila. Nag mano muna ang babae sa matanda at lumalit sakanilang mag ina. Humalik ang bagong dating sa bata at sa gulat nya ay mabalis itong humalik sa kanyang pisngi. Ngunit hindi nya mabasa ang expression nito.
Hiningi ni Deanna sakanya si baby Uriel para dalhin na sa taas. Nakatulog na kasi ito sa kanyang mga bisig.
"akin na si Baby Uriel dalhin ko na sa kwarto" plain na sabi sakanya ni Deanna. Hindi sya makapag salita agad. Dahil sa tono ng pananalita nito ay kinabahan sya. Totoo nga talagang galit ito sakanya.
Baka nga ang pag halik nya kanina ay pilit lang dahil nandoon si Nanay Helen. Nalungkot si Jema sa isiping iyon.
"A-ako na mag dadala ka-kay Baby Uriel sa taas" medyo nauutal nyang sabi kay Deanna.
"Akyat na po muna ako Nay Helen"
Pagkasabi nga nya ay nag paalam ito sa matanda at tumalikod na paakyat sa kwarto nila. Maging ang mukha nito ay blanko ni hindi mabasa ni Jema ang nasa isip nito.Sinundan nya na lang ito mag lakad. Ng paakyat na sila sa hagdan ay huminto ito at humarap sakanya.
"Ikaw na mauna" plain pa rin nitong sabi sakanya. Sinunod nya ito at nagpatiuna ng humakbang.
Nagulat sya ng may kamay na humawak sa kanyang baywang. Ng lingunin nya ito ay nakita nyang kamay iyon ni Deanna. Inaalalayan sya nito paakyat. Ibinalik nya ang tingin sa harapan at ngumiti ng ubod tamis dahil kahit alam nya na nagagalit ito ay may pag-aalaga pa rin sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/168900937-288-k779427.jpg)
BINABASA MO ANG
Sanctuary Heart
FanficJD Kung sakaling maligaw, Pag-ibig sayo'y hindi na matanaw. Pintig ng puso mo ang tanging daan, Pabalik sa'king tahanan. "Ikaw" If two points are destined to touch, the universe will always find a way to make the connection, even w...