Jema's POV"Yaya Helen pwede pagawa ako ng Juice? Hindi kasi ako nag kakape" rinig ni Jema. Utos iyon ni Sophia sa matanda.
Kasalukuyang nag aalmusal ang mga ito. Tanging ang boses lang ng bata ang maririnig sa hapagkainan paminsan minsan kinakausap ang bata ni Jema. Sa narinig ay napatingin ang tatlong kasama sa nang utos na babae. Ng mga oras na iyon ay pinapakain ni Jema ang anak nitong si Uriel ng rice cereal with banana. Pupwede na kasi itong kumain dahil mahigit 1 year na. Sarap na sarap sa pag kain ang anak kaya naman kaninang kumakain si Baby Uriel ay kinunan ito ng larawan ng mama Deanna nito habang sinusubuan ni Jema. Bago pa dumating si Sophia.
Tatayo na sana ang matanda para tumalima sa utos ni Sophia ngunit pinigilan sya ni Jema. "Ako na Nay, ipag patuloy mo na po ang pagkain mo" Si Jema na ang kumilos naiirita ito sa inasal ng babae. Sa isip nya sila nga hindi nila inuutusan si Nanay Helen pero itong nakisabit lang sa pamamahay nila kung makapag utos sa nanay nila ay akala mo kung sino.
Ng pag pasyahan ni Jema na pumayag sa gusto ni Sophia at tuluyang pumasok sa loob ng bahay ay iniwan nito ang dalawa na nasa labas. Nag tagal ang mga iyon. Hindi nya alam kung anong pinag usapan pa ng mga ito.
kinuha na ni Jema ang hinihingi ni Sophia. Nakatingin lang si Deanna sakanya ngunit hindi nya ito pinapansin. Alam nya na hanggang ngayon kinu-question pa rin nito ang pag payag na sa bahay nila tumira ang babae.
Alam ni Jema na sugal ang ginawa nyang pag payag sa kagustuhan ng babae. Ngunit ito lang ang paraan para maging malinaw ang lahat sakanya. Kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman ni Deanna para sakanya. Kung bumalik nga ba ng tuluyan ang pag mamahal nito o nadala lang si Deanna sa mga pangyayare at idea na ikakasal sila. Alin man sa dalawa ang maging resulta ng pag payag nya sa kagustuhan ng kasintahan nito ay tatanggapin nya ng bukal sa loob. Although andoon na yong sakit kung sakaling piliin nya ang manatili kay Sophia. Atleast hindi nito pag sisisihan ang magiging desisyon nya bandang huli at alam nya na magiging masaya ito, iyon lang ang tanging gusto nya maging masaya si Deanna kahit hindi man sya ang dahilan nito.
Tapos na silang kumain kinuha muna ni Nanay Helen si Baby Uriel ito muna mag aasikaso. Habang sya ay nag ligpit ng pinag kainan nila. Si Deanna at Sophia naman ay nag usap ulit nag tungo ang mga ito sa garden. Pagkatapos na mag ligpit ay umakyat na sya ng kwarto. Nakaupo si Jema sa gilid ng kama. Napaka lalim ng iniisip nito.
Tama nga ba ang desisyon ko na patirahin dito si Sophia? Malaking sugal na naman itong pinasok ko. Bakit ba kasi lagi ko na lang unang naiisip ang ibang tao bago ako? Dalawang taon akong nag hirap na makita sya na masaya hindi ako ang dahilan, isang taon na nag dusa sa kaalaman na may mahal na syang iba, dalawang taong pinapatay ng paulit ulit kapag maiisip ko na wala na akong puwang pa sakanya. Dahil sa iniisip ko sila. Puro na lang sila, wala bang ako naman ako na muna.
Napapahilamos na sa mukha si Jema habang nakayuko. Nagulat ito ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si Deanna. Lumapit ito sakanya. Umupo sa gilid ng kama ngunit medyo nakatagilid sakanya. Nasa may paanan kasi ng kama ito umupo. Wala ni isa man sakanila gustong mag salita. Matagal na binalot ng katahimikan ang buong kwarto. Bago mag pasya si Deanna na mag salita.
"Ano to, love? Bakit kailangan mong pumayag na dito sya tumira? " bungad ni Deanna. Ngunit walang nakuhang sagot si Deanna mula kay Jema.
"Ano? Tapos hindi mo ko kakausapin?" rinig nitong himutok ni Deanna sakanya.
"Tulungan mo na syang mag ayos sa kabilang bahay" cold na sabi ni Jema dito.
"Dalhin mo na rin yong gamit mo. Don kana rin mamalagi simula ngayon" dagdag pa ni Jema.
BINABASA MO ANG
Sanctuary Heart
FanficJD Kung sakaling maligaw, Pag-ibig sayo'y hindi na matanaw. Pintig ng puso mo ang tanging daan, Pabalik sa'king tahanan. "Ikaw" If two points are destined to touch, the universe will always find a way to make the connection, even w...