Deanna's POV
Kasalukuyang nasa opisina si Deanna. Tulala ito pinipilit parin na maalala at iniisip ang nangyari kagabi. Wala itong matandaan kahit katiting man lang kung bakit sa kwarto nila ni Jema sya nagising kaninang umaga.
Ano bang ginawa ko bakit naandoon ako sa tabi ni Jema kanina pag gising ko? Panigurado galit na naman yon sakin. Baka totohanin nya ang pag alis nila. Bakit ba naman kasi napainom ako ng marami kagabi? Lagi naman ako umiinom sa ilang gabi ko na hindi sila nakakatabi. Pangpalipas lang ng oras para maka tulog kahit papano. Ano bang pinag gagawa ko wala akong matandaan ni katiting. Paano pa ako nito haharap sakanya. Hindi ko na sya makikita bago matulog kahit sana saglit lang makita sya masaya na ako. Pero dahil sa nangyari kagabi malabo na.
Kasalanan naman nya kung bakit ako napa inom ng marami. Ang sakit kaya na makita silang masaya kasama ng iba. Hindi naman sa selfish ako pero iba naramdaman ko ng mga oras na iyon. Nag madali pa naman ako umuwi para maabutan ko sya tapos makikita ko kasama nya si Victor.
Hindi na namalayan ni Deanna na tumutulo na ang kanyang luha. Parang pinipiga ang pakiramdam nito ng mga oras na iyon. Kung kaya lang siguro nya ibalik ang mga sandali ay hindi na sana pinilit na umuwi ng maaga. Hindi na nya pinilit na tapusin agad lahat ng papeles na nasa table. Hindi sana napagod at hindi sana nya nakita ang mga ito. Dahil hanggang ngayon ramdam pa rin ni Deanna ang sobrang sakit na sa tingin nya ay unti-unting papatay sakanya. Nakatulala pa rin ito. Bumalik ang lahat ng ala-ala simula ng pag dating ni Sophia sa bahay nila hanggang sa pag lalasing nya.
Flashback
Masaya kaming kumakain sa hapag kainan kasama ko ang aking mag ina pati si Nanay Helen. Ito ang unang araw na kasama kong kakain si Little angel namin. Excited na ko nag dala pa ako ng camera para makuhanan sya ng larawan. Ang gana kasi nito kumain. Rice cereal with banana ang kinakain nito.
Ganito pala ka saya kapag may anak kana at binubuong pamilya. Sobrang saya kapag nasaksihan mo ang mga una sa anak mo. Unang pag mulat unang ngiti unang pag salita lalo na kapag tinatawag kami nito na dalawa ng mommy nya kahit hindi pa ganoon kalinaw. Sana sa mga susunod pa na unang gagawin ng anak ay naanduon parin sya malayang masisilayan iyon. Sana sakanya unang pupunta ang anak sa unang mga hakbang nito habang naka alalay ang mommy nya. Ang sarap sa pakiramdam iniisip ko pa lang sobrang galak na ang nararamdaman ko pano pa kaya kung mangyari na ito. Salamat panginoon sa biyayang binigay mo saakin. Isang anak na napaka cute na pa bibo at mapapangasawang sobra sa ganda bukod sa lahat maunawain. Sila lang ang kokompleto sa pagkatao ko. Syempre sigurado ako madaragdagan kami hindi lang si Little angel may darating pa saamin, yan ang sigurado ako at ang lubos na pag mamahal na nararamdaman sa mag ina ko.
Hindi man kasi tunay na galing sa kanila si Baby Uriel ay halata sa dalawa ang labis na pag mamahal dito higit pa sa isang anak. Maging ang bata ay sobra ang attachment sakanila. Lalo na sakanya hindi ito nakakatulog na hindi si Deanna ang nag papatulog dito. Alam ng bata kapag wala pa ang mama Deanna nito sa kwarto. Kahit pa antok na ito hindi nito magawang matulog. Makakatulog lang ang bata kapag nasa tabi nya na ang babae.
Tumunog ang Doorbell nag taka si Deanna ng marinig iyon tumingin ito sa gawi ni Jema na may pag tatanong sa mga mata ngunit ganoon din ang nababasa nya sa babae. Wala silang inaasahang bisita sa araw na iyon. Kahit ang mga kabigan nila ay nag sasabi kung pupunta. Maging ang Pamilya ay hindi nag paparamdam sakanila. Tinupad ng mga magulang ang sinabi ng mga ito na hahayaan muna sila. Kaya lubos ang pag tataka ng dalawa ng may tao sa labas. Si Jema na ang nag prisintang tingnan kung sino ang nasa labas. Si Deanna muna ang humalili sa pag bantay sa bata ng mag paalam itong lumabas para tingnan kung sino man ang nandoon.
Matagal na ngunit hindi pa rin pumapasok si Jema. Naiinip na silang naiwan sa dining table sa paghintay. Natigil na rin ang pag kain nilang dalawa ni nanay Helen para hintayin si Jema. Hindi na nga nakatiis si Deanna at sumunod na ito sa labas. May kausap ito. Hindi nya makilala dahil natatakpan ito ni Jema. Habang nag lalakad si Deanna palapit kay Jema ay nag sasalita ito.

BINABASA MO ANG
Sanctuary Heart
FanfictionJD Kung sakaling maligaw, Pag-ibig sayo'y hindi na matanaw. Pintig ng puso mo ang tanging daan, Pabalik sa'king tahanan. "Ikaw" If two points are destined to touch, the universe will always find a way to make the connection, even w...