Chapter 17

6.9K 219 33
                                    

Deanna's POV






"successful nga yong plano, pano naman ako? Miss ko na si Margarett" malungkot ko na turan kay Mafe.

"Eh, ate Deanna naman! wala ka bang tiwala sa tinuro ko sayo? Basta ipag patuloy mo lang yan. Tingnan mo bibigay yan si Ate" pag kumbinsi pa nito sakanya.

"Ayaw ko na, basta kakausapin ko na si Margarett." ayaw ko na talaga kahit awayin pa ko ni Margarett araw araw basta nakakasama ko sya. Ang hirap kapag ganito kami. Lalo na may mga umaalialigid sakanya. Pano ko sya mapoprotektahan sa mga maaring umagaw sakin.

"Bahala ka basta ako sinasabi ko sayo. Diba nag tatampo ka kay ate kasi sa nakita mo noong nakaraang araw? yong nabasa mo pang text sa nag hatid sakanya noong nakaraang gabi. Tapos ganyan ka, ikaw lang din naman susuko. Makita mo lang umiiyak tiklop kana." naiinis na ito sakanya. Kasi naman noong nakita nya si Margarett na umiiyak daig pa ang dinidikdik ng pino ang kanyang puso. Ang hirap makita na nasa ganoong sitwasyon ang kanyang pinaka mamahal. Kaya lumabas na lang sya ng mga oras na iyon. Sa labas huminga sya ng malalim at inilabas ang luha na pinipigilan ng nasa harap pa nya si Jema.

"Okay lang kahit sungitan nya ako araw-araw h'wag lang kaming ganito. Mababaliw talaga ako" pag amin nya kay Mafe. Pag tawanan man sya nito hindi na nya papansinin iyon. Ano bang magagawa nya hindi nya kayang ganon sila ni Jema. Hindi nya kayang umiwas dito ng pilit. Lalo pa at hindi iyon ang gusto ng kanyang puso't isip.

"Ikaw bahala ate Deanna, basta sinabi ko sayo tiisin mo muna si ate para malaman nya ang pakiramdam ng ginagawa nya sayo. Tingnan mo nangangayayat kana. Di ba alam ni ate na halos tinitiis mo ang gutom para antayin sya. Tapos sya babaliwalain ka lang" pangaral nito sakanya. Hindi na nya iisipin iyon. Tama na siguro yong pag kukunwari nya laging nakainom.

"panigurado nagagalit na yon sakin sa araw araw ko na pag inom." sabi nya ulit kay Mafe.

"Talagang galit na ako!" Narinig nya ang boses ni Jema sa kanyang likuran. Nanlambot ang kanyang tuhod. Kahit pa nga nakaupo sya ay ramdam na ramdam ang pangangatog nito at pangingina. Tila may malamig na butil ng pawis ang nag uunahang tumulo sa kanyang noo. Hindi sya makagalaw. Pinilit lang nya itong lingunin para makasiguradong si Jema nga ito kahit alam naman nya sa sarili na iyon nga ang babae. Ngunit may bahagi ng kanyang utak na nag sasabi na sana ay nag kakamali lang ang kanyang pandinig.

Diyos ko tulongan mo ako. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Unti unting lumingon si Deanna sa kanyang likuran. Ng makita nya ang babae na nakatayo at naniningkit ang mata ay lalo syang nanghina. Pakiwari nya ano mang oras ay pupukulin sya nito. Nanlaki ang kanyang mga mata ramdam nya ang malalaking butil ng pawis sa kanyang mukha pababa sa leeg. Sa mga oras na yaon tila ba gusto na lang nyang lamunin ng lupa.

Kahit alam na ni Deanna na si Jema iyon ay iba pa rin talaga kapag nakita na nya ito. Hindi magawang ibuka ni Deanna ang kanyang bibig. Kahit ang kanyang dila ay tila umurong na sa sobrang takot.

"Love?" tanging nasambit nya dito.

"Ate Deanna? Anong Love? Bakit di kana makapag salita d'yan?" rinig nyang sambit ni Mafe sa kabilang linya. Ngunit hindi nya maibuka ang bibig sa sobrang gulat kay Jema.

Kita ni Deanna ang naniningkit na mata ng babae at nakahalukipkip na mga kamay. Lalo tuloy syang kinabahan.

" Tapusin mo muna yang kausap mo, mamaya mag usap tayo" malumanay na sambit sakanya ni Jema. Tumalikod na ito. Akmang aalis na. Habang si Mafe panay ang daldal sa kabilang linya.

"Oi ate Deanna, ate Deeeeeaaaaannnnnna mag salita ka" sigaw na sakanya ni Mafe.

"Oh, Mafe!" gulat nyang sambit sa pangalan ng kausap.

Sanctuary HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon