Chapter 13. 5

5.5K 157 26
                                        

No one POV

Nagising si Jema ramdam nito ang bigat ng katabi. Halos gawin na sya nitong unan at higaan. Sobra kasi kung makayakap sakanya habang bahagyang nakadapa pa ito sa katawan nya. Bigla namang namula si Jema ng maalala ang pinagsaluhan nila kanina lang na madaling araw.

Nasa isip ni Jema kung meron nga ba o kathang isip lang ang lahat na baka panaginip lang at lasing lang kaya kung ano ano pumapasok na imahinasyon sa utak nya. Ngunit sa tuwing gagalaw ay ramdam nito ang kirot sa pagitan ng kanyang mga hita. Ang banayad na hapding iyon ay nagsasabi na totoo ang lahat ng nangyare sakanila ni Deanna. Maging ang init ng kanilang katawan na naghahalo ay nagpapatibay din sa katotohanan na totoo iyon. Parehas kasi silang walang saplot sa mga oras na iyon kaya naman ramdam ni Jema ang init na lumalabas sa katawan ng taong nakadagan sakanya. Comforter lang ang nag sisilbing pananggalang nila sa lamig na nanggagaling sa aircon sa kwartong iyon.

Tiningnan nya ito. Himbing na himbing pa rin. Maging sya man ay inaantok pa. Maaga pa gustong pumikit ng kanyang mga mata at matulog uli. 6:15am pa lang, walang masama kung matulog ulit dahil linggo naman. Pinag masdan ulit nito si Deanna. Hindi nga nito napigilan na halikan ang natutulog parang may nag uudyok kasi na gawin nya iyon. Hinawakan nya ito sa baba para bahagyang itaas ang mukha upang maabot ito.


Pinagmasdan nito ang natutulog. Hinaplos ang kilay, kahit noon man nagagandahan ito sa kilay ni Deanna. Maganda kasi ang pagkaka kurba nito at makapal. Bumaba ang mga daliri nito, pinasadahan ang ilong pababa pa sa mapupula nitong labi hinaplos nga nito iyon ng daliri. Pinagdikit ni Jema ang kanilang mga labi. Nakapikit pa ito ngunit bigla nitong naimulat ang mga mata ng maramdaman na tumutugon si Deanna sa halik nya. Bigla natuod si Jema namilog pa ang mga mata nito, hindi na nga makagalaw pa dahil sa ginagawa ni Deanna. Ng nagtagal ay tumugon na din si Jema. Nakakapit na rin si Jema sa baywang ng nakadagan sakanya. It was a sweet fassionate morning kiss for both of them. Ng matapos iyon ay nag salita si Deanna.



"Gusto ko yong way ng pag gising mo, love" sabi nito habang nakangiti ng ubot tamis kay Jema. Napakunot naman ito.


Nagsalita ulit si Deanna "Goodmorning love, Make it every day, uh" kindat pa nito kasabay ng ngiting nakakaloko.

Namula naman si Jema sa narinig. Dahil sa isipin na nagising ito dahil sa halik nya. Nang makabawi ito ay inirapan nya si Deanna at sabay kinurot sa tagiliran hindi pa nakontento tinulak pa ito kaya naman napahiga ito sa tabi ni Jema.

"loko ka talaga" namumulang sambit ni Jema.



"Aray naman, aso kaba?" reklamo nito kay jema habang hinihimas ang kinurot na tagiliran.



"bakit? Ano connect? Tanong ni Jema, hindi man lang ininda ang reklamo ng babae. Nakatingin pa ng masama sa babae.

" sinasaktan mo ako" reklamo nito habang naka pout.


"asan ang pagka aso don sa reklamo mo?" masungit nitong sambit kay Deanna.


"aw! Hahahahaha" sabay tawa ng malakas. Habang si Jema ay kunwaring hindi natatawa ngunit ang totoo ay natatawa na talaga ito sa ka cornyhan ng joke ng babae.


"wait lang ah, kikilitiin ko lang sarili ko" parinig nito kay Deanna. At umakto na nga si Jema na kinikiliti ang sarili. Sabay tawa ng malakas.
Tiningnan naman sya ng masama ni Deanna.



"ganon ah, di ka natawa sa joke ko" sambit naman ni Deanna.



"Ano gagawin mo?" takot na tanong ni Jema sa babae.


Sanctuary HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon