Chapter 20 "The One"

4K 117 43
                                        

Maganda ang gising ng dalawa. Lalo pa't inaalala nila ang mga nangyari ng nakaraang gabi. Hindi man sila mag usap ng mag usap. Ngunit ang mga ngiting nakapinta sa kanilang mga labi ay iyon ang ibinibigkas.

"Ang sarap palang matulog dito love" sambit ni Deanna sa inaantok pa na si Jema.

"Kaya nga sabi ko sayo, matulog pa tayo" Bigkas nito habang nakapikit na. Dahil nais pa nitong matulog uli.

"Gusto ko rin naman matulog pa uli. Sino ba naman hindi, inaantok pa kaya ako. Tsaka parang ayaw ko muna bumangon. Ang sarap kaya humilata kasama ka" nangingiti si Deanna habang sinasambit ito.

"kaya nga matulog tayo uli please. Wala naman tayong gagawin ngayon." pakiusap ni Jema sa babae. Naka pout pa ito halatang nag papaawa sa kasama. Tumalab ang pag lalambing ni Jema ngunit hindi pa rin sapat upang pagbigyan ito ng babae.

Niyakap ng mahigpit ni Deanna si Jema. "Kung p'wede lang talaga love mag hapon tayo matulog." inayos nito ang pag higa ni Jema at ipinaunan nito ang ulo ng babae sa kanyang braso.

"Bangon na tayo, mamaya lang nandito na yon sila Kyla para sunduin ka" pag papaalala ni Deanna kay Jema.

"kasi naman! Bakit ngayon pa sila nag yaya! Inis na turan ni Jema.

" love hayaan mo na. Nami miss ka ng mga yon, pag bigyan mo na sila" hinahalik halikan nito ang buhok ng nag mamaktol na si Jema.

"eh, kasi naman! Araw natin to eh! Nayayamot nitong sambit. Natatawa na lang si Deanna sa inaasta nito.

" hayaan mo na love, araw araw naman na akong nasayo." isang matamis na ngiti ang iginawad ni Deanna sa nag mamaktol na dalaga.

" okay, sige pero 5 minutes pa" sabay yakap nito kay Deanna at pumikit na ito.

Wala ng nagawa ang babae. Maging sya man ay gusto na lamang na ganoon sila buong mag hapon. Ngunit may mas magandang plano si tadhana na mangyayari para sakanila sa araw na iyon. Ang pag lakad sa dalawang daan. Ang isang daan patungo sa dulo ng katapusan at ang isa ay patungo sa daang walang hanggan.

Dumating ang sandali. Kinailangan muna nilang mag hiwalay. May mga kanya kanya silang lakad. Si Jema kasama nila Kyla. Habang si Deanna patungo sa lugar kung saan na naman nya isusugal ang lahat. Kung saan ipupusta na naman nya ang lahat ng kung anong meron sya. Sangalan ng kanyang pinapangarap.

"San ba tayo pupunta?" reklamo ni Jema sa mga kasama.

"Mag papaganda" tipid na sagot ni Kyla. Kasama nila si Mafe pao Dani at Ponggya.

"Maganda na ko, di ko na kailangan magpaganda" Napairap si Mafe sa sinabi ni Jema habang ang iba ay kunway nasusuka at natatawa.

"Bahala ka wag kang magpa ganda, napapansin ko si ate Deanna parang may pinag kakaabalahang iba. Baka.......?" pabitin ng bunsong kapatid. Nag titinginan ang iba nilang kasama.

"Ano baka may babae? Subukan nya lang" maktol ni Jema na halatang kumakagat na sa pang aasar ng kapatid

"Kaya nga kailangan mo mag paganda. Naku ate! Wag kang pakampante no," pananakot pa nito. Kunot na ang noo ni Jema halata na ang pagka irita nito.

"Kita mo yong mukha ni ate Deanna? Sa mukha non kahit ipag siksikan mo dyan sa utak mo na walang aagaw sayo. Nananah........ ( isinasayaw pa nito ang daliri na sinasabi nitong no) dyan ka nag kakamali baka sa sobrang kampanti mo magising ka isang araw wala na sya sayo" may halo pang pananakot sa mukha nito. Hindi naman nag sasalita ang mga kasama parang may kung anong pinipigilan na bumulalas sakanila.

Sanctuary HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon