I park my Cabriolet.
"This isn't my home..nasaan ba tayo?"tanong ni Kenjiro sa akin.
"Isinama muna kita dito sa bar con bahay ko. Sa nangyari kanina mukhang hindi kita pwedeng iwanan,twenty four hours dapat hindi ka mawala sa paningin ko. Bakit gusto mo bang iwan kita?"dumukwang ako sa kanya at pinanlakihan siya ng mata na tila tinatakot tapos ang lawak lawak ng ngiti ko. Napaurong naman siya.
"Ayokong iwan mo ako.."nag-iwas siya ng tingin.
Bakit ganoon parang may epekto sa akin ang sinabi niya?
Ipinilig ko ang ulo ko. Baka naman dahil tagalog at hindi english ang pagkakasabi niya.
"Good then."pumalakpak pa ako.
Bumaba na kami ng kotse ko.
Dito ako madalas naglalagi sa bar ko kahit na may bahay naman ako. Alam ni mama ang business ko na ito at alam niya na may tulugan na din ako dito. Ang hindi nga lang alam ni mama ay ang bahay na nabili ko sa subdivision balak ding bumili ng bahay doon nina Franz,Chey at Kat. Ibinili ko din kasi sila ng bahay ng nag-iisa kong bunsong kapatid na lalaki. Nag-iingat lang ako ayokong mapahamak sila sa trabahong mayroon ako. Kapag pupunta ako kina mama ay lagi kong itinataon na madaling araw o kaya dis oras na ng gabi. Wala na ang papa ko second year high school ako noong mamatay siya sa atake sa puso kaya ako na din ang breadwinner sa pamilya namin. Walang alam ang pamilya ko tungkol sa pagiging Marine ko na undercover din ng assassination. Ang alam nila kapag nasa abroad ako ay trabahong computer ang ginagawa ko. Kapag naman nandito ako sa Pilipinas ang alam nila ay iyong bar ang inaatupag ko. Iyon naman kasing bahay na lihim ko kay mama ay ginagamit ko lang din sa trabaho ko..nandoon ang mga computer at mga baril ko. Bukas nga ay isasama ko si Kenjiro doon hindi ko naman kasi siya pwedeng iwanan. Kukuha kasi ako ng mga magazine ng baril na speed loader at mga bala.
"Charaann! Welcome to my room!"
"What the heck? A pink room. What an eye sore."nakaismid niyang wika.
"Hoy anong eye sore?! Ikaw ang eye sore! Ang laki-laki mo ang duwag duwag mo naman!"
"Hindi ako duwag! Sinong normal na tao ang hindi matatakot doon sa nangyari kanina?!"
"Sino pa e di ako!"
"Hindi ka kasi normal..tss."
"Anong sabi mo?"ang nadinig ko lang kasi sa sinabi niya ay 'yong "tss" ang hina kasi.
"Tss,ang sabi ko magpapahinga na ako."
"Fine."
Iniwan ko na siya doon at pumasok sa maliit na closet na extension ng kwarto at opisina ko,panay iyon may connecting door pinakamalaki nga lang ang kwarto at 'yong closet at opisina ko ay maliit lang.
I change my clothes to my pair of pink jammies and pink bunny slippers.
Pumasok na ako sa kwarto pagkabihis.
What the~~?!
Inilang hakbang ko ang kama ko at tumalungko doon.
"Hoy Hapong hilaw sinong may sabi sa'yo na dyan ka matulog!"
"Hmm..."ungot lamang ang isinagot sa akin kaya niyugyog ko nga.
"H~ano ba..istorbo.."
"Ha! istorbo? Bumangon ka dyan!"
Hindi na siya sumagot. May pagka-mantika pa yata matulog ang hinayupak! Nilakasan ko nga ang yugyog.
Tugugz!
Nalaglag si Kenjiro sa kama. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa sahig habang nakapatong siya sa akin. At ang pinaka-highlight ay nakalapat ang labi niya sa labi ko.
BINABASA MO ANG
Marine Gals: Uzerrete Odelle[Complete]
БоевикUzerrete Odelle Antique--what a fucking name. She is known as the best ever hacker assassin. Nagdesisyon siyang sumali sa Military dahil ayaw na niyang maging mahina pa. Siya ang pinakahuling recruit sa kanila ng mga sisters-in-arms niya. She looks...