Chapter 10~Hello Kyoto!

853 25 2
                                    

Hatid ako ni Kenjiro ngayon sa magiging kwarto ko dito sa Imperial Palace Tokyo. Ito ang unang beses na nakarating ako dito at excited ako. Ang ganda dito sa palasyo. Sa ngayon target ko munang makapag-tour dito sa Japan at syempre pa gagawin kong tour guide si ichihara.

Nakauwi na ang Prime Minister sa Imperial Palace Kyoto kung saan ito nakatira. Nagkataon lang na nandito ito kanina noong mabalitaan na darating ang anak ng emperador. Hayun nga at may pa-welcome pa kay Kenjiro. Natuwa ako sa kahusayang pinakita niya kanina noong nakipag-eskrima siya kay Hiroku. Dapat lang siguro na puriin ko siya. Tama,pupuriin ko siya.

"Ang galing ng tyamba mo kanina ah."i was all smile.

"Anong tyamba?! Ginawa ko ang lahat at halos mamatay na ako doon tapos sasabihin mo tyamba?!"

Aba! Pinuri na nga siya ay siya pa ang magrereklamo! Kung hindi tyamba ang tawag doon eh sinwerte siya ganon' na din naman iyon!

Sasagot pa sana ako nang makita ko na basa-basa ang kanan niyang braso.

"Shit ka dumudugo ang sugat mo!"

"Sino bang may gawa nito?"sarcastic niyang sabi sinamaan ko nga siya ng tingin.

"Kundangan ka ba naman kasing katanga hindi ka umilag sa paghataw ko! Dapat talaga ako na muna ang lumaban sa Hiroku na iyon at nagskedule na lang kayo ng laban nyo. Tss,halika nga gamutin ko ulit iyan."

"A~ray! Ano ba dahan~dahan naman.."

"Ooppzz..sorry naman."ang nahila ko kasi ay ang braso niya na nagdudugo.

Sa halip na sa kwarto ko kami nagpunta ay sa kwarto na nakalaan sa kanya kami nagdiretso na katabi lang pala ng magiging kwarto ko. May kwarto na sadyang nakalaan sa kanya kapag nandito siya sa palasyo. Nandito ang mga damit at gamit niya.

"What the fuck are you doing?! Magdamit ka nga!"napamura ako nung hubadin niya basta ang long sleeve niya.

"Paano mo ako magagamot kung suot ko ito?"sa kamay ay hawak niya ang damit niya. Bakas ang dugo sa braso niya. Medyo malalim pala ang nahiwa ko sa braso niya,tss.

"Mag-sando ka man lang!"

"What the difference? You had seen my delicious butt,i hadn't know kung pati bur ko ay nakita mo na.."lumapit siya sa drawer at kumuha ng kit doon pagkatapos ay umupo sa paanan ng kama niya.

"Hoy shit ka! hindi ko pa nakita ang bur mo!"pero wow ha,nagsasalita na din siya ng bur. Kung hindi lang ako nainis sa sinabi niya ay inasar ko siya. Hindi kasi bagay sa kanya magsalita noon,well,sa akin din naman pero sanay na kasi ako dahil na din kina keps.

"Shut your mouth my nerd and come here."tinapik niya ang space sa tabi niya.

Pinapaupo niya ako sa tabi niya kaya nagmamartsa na lang ako na lumapit sa kanya. Habang palapit ako ng palapit ay lalo naman akong nasisilaw sa abs niya.
Naupo ako sa tabi niya at kumuha ng panglinis sa kit. Sinimulan ko ng linisin ang sugat niya. Ang bakla lang may pagtili pa nung nilagyan ko ng alcohol nasa dugo niya talaga ang kaduwagan. Hindi ko mapigilan mapakagat sa labi ko kapag napapatingin ako sa abs niya.

"Masarap ba ang nakikita mo at may pagkagat labi ka pa?"tudyo niya sa akin.

I feel red. Masarap nga pero nunca ko aaminin iyon sa kanya!

"Assumero! Pinipigilan ko lang na makapagsalita ng hindi maganda sa'yo!"he chuckled.

Katahimikan ang namagitan sa amin. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin kaya naman pakiramdam ko ay naiilang ako. Binilisan ko na lang ang paggamot sa kanya.

"Finish! i gotta go na!"basag ko sa katahimikan. Sabay tayo at tungo sa pintuan.

"Odelle.."

"Ano na naman?"

Marine Gals: Uzerrete Odelle[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon