EMILY'S POV
Natapos na ang lunch break namin at dumiretsyo na ako sa mga afternoon classes ko. Hindi na ako nakapasok sa morning classes ko dahil na pasarap tulog ko sa clinic at nakilala ko pa si Nathaniel.
Bigla nalang tumaas ang balahibo ko nung maalala ko ang nanyare saamin ni Nathaniel kanina sa CR, parang may bigla nalang akong naalala...
Unti unting nang register sa isipan ko ang isang scenario sa buhay ko.
Alam ko na... Nalala ko na!
Siguradong sigurado na ako dito at hindi na ako pwedeng magkamali.
"Good Afternoon."
"Good Afternoon, Ma'am Mercy." hindi ko namalayang pumasok na pala ang teacher namin, buti nalang kinalabit ako ni Jessie sa likod.
"You may now take your sit." umupo naman kaming lahat. Habang lumilipad parin ang isip ko.
Oo, Lumilipad utak ko. Kawawa utak ko 'no. may pak pak sya.
Bumalik nalang ulit ako sa iniispi ko kanina, nakatulala parin ako at wala sa sarili dahil may kakaiba talaga akong naalala at nararamdaman.
Nung una feeling ko nababaliw lang talaga ako pero unti unting may nag register sa utak ko. Teka...
Kilala ko na sya! Siyaaa si Ja... Jay... Jacob?
Si Jacob!
Oo tama, Jacob ang pangalan nya.
Ang soulmate ko nung bata ako, ang tagapagligtas at savior ko. Nine years old ako nung uang beses kong makilala si Jacob....
FLASHBACK
Magkakaklase kami ni Jacob nung grade four, new student lang sya nun. Kaso, Sobrang dami na agad na babae sa classroom ang nagkakagusto sa kanya.
Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya. e, Sobrang cute nya. Mukha syang foreigner. brown hair, hazel eyes and pale skin. Lalo na kapag nakanerdy glasses sya mas nagiging cute sya. ^_^
Swerte ko nga naman. seatmate ko pa sya! Hihi.
Kaso sayang, feeling ko hindi ko naman sya katabi. Pano ba naman kase halos hindi na sya nagsasalita palagi lang syang naka yuko at laging nakatungo ang atensyon nya sa pagbabasa ng books.
Hayy.. Makausap ko kaya?
"Hi Jacob! Ano yang binabasa mo?" dumikit ako ng kaunti sa kanya sabay nag pa cute. hihi sa gumana ang beautiful eyes power ko.
"Libro" tipid nyang sagot.

BINABASA MO ANG
Lost Soul
Mystery / ThrillerIt all started on a tragedy which I've never expected. Meet a girl which everything in her life is almost perfect-- But once she met this guy, everything became familiar and miserable. I can remember him at the memory of my childhood friend... that...