Chapter 12 : Illusions

128 10 0
                                    

EMILY'S POV

"Mauna na ako guys, ipapasa ko lang 'tong research project sa faculty room" sabi ko kila Jessie habang hawak hawak ang isang folder.

"Bye Emily! Madapa ka sana" rinig kong sigaw ni Jessie pabalik saka tumawa ng sobrang lakas.

Ganun din sila Anabelle at Kevin, si Bart humalaklak pa.

Sarap sapakin ng mga 'to! Masyadong OA, walang namang nakakatawa sa sinabi ni Jessie pero kung makatawa wagas.

Kung hindi ko lang talaga to mga kaibigan. Tsk.

Inirapan ko nalang sila saka naglakad na palayo "Hala! wag nyo ngang galitin si emily" rinig kong sabi ni Kevin bago ako tuluyng lumayo.

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Kevin kanina, sa buong barkada kase sya ang peace officer namin, hindi sya nagagalit at super bait nya saamin lalo na tuwing nagaaway kami.

Umalis na ako at umakyat  na sa second floor kung saan nandun ang faculty room, hindi na ako nag elevator since mas matatagalan lang ako, isang hagdan lang naman kase ang aakyatin ko.

Habang naglalakad papuntang faculty room syempre ay mapapadaan muna ako sa isang hallway, noong una wala naman akong pakielam sa mga taong  dumadaan dito....

But suddenly, something caught my attention.

Isang batang tumatakbo, batang lalake, batang naka salamin, wala naman talaga akong pakielam sa kanya pero hindi lang basta basta batang lalake ang tumatakbo kundi si...

Jacob.

Kamukhang kamukha nya ito.

Sinampal ko muna ang sarili ko ng malakas pero sumakit lang ang pisnge ko at na realize ko na hindi na iyon panaginip.

"Soul mate?!" nagulat kong sigaw sa hinabol ang batang lalake, nagmula sya sa isang classroom at tumakbo sya papuntang CR...

Binilisan ko lalo ang takbo ko para mahabol sya...

Pero hindi pa ako nakakarating ng tuluyan sa CR nung bigla nalang...

"Aray fuck! ano ba?!" sigaw ng isang lalake, kilala ko na ang boses ng lalakeng 'to.

"Anong ano ba? Ikaw kaya 'tong bumanga sakin at saka ano bang ginagawa mo dito? Stalker ka ba talaga?" naiirita kong sabi sa lalakeng ito na walang iba kundi si Jason.

Bakit kase bigla bigla nalang syang susulpot ??

Ayan tuloy! hindi ko na naabutan si Jacob yung soul mate ko nung bata ako.

Pero agad na nag register sa isip ko na... Malay mo hindi talaga si Jacob yun, baka illusions ko lang yun.

Tsaka duh! Kung si Jacob man yun dapat malaki na sya ngayon tulad ko at hindi na bata. 

"Hoy panget! Wag ka ngang illusionada! Ikaw nga 'tong takbo ng takbo na parang nakakita ng multo, tapos sisigaw sigaw ka pa ng 'Soul mate'" sabi nya then he copied my voice dun sa huli nyang sinabi.

Lost SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon