EMILY'S POV
"Ano ba Jason! Hindi ba sinabi ko na sayo na layuan mo na ko?!" rinig kong sigaw ng isang babae mula sa classroom namin.
Agad naman akong nag madaling lumapit sa pintuan ng classroom. Paano nagkaroon ng tao dito? Sino ang babaeng nasa loob? Hindi ba't uwian na?
Binuksan ko ng kaunti ang pinto para masilip ng mabuti ang nanyayare sa loob, pero syempre dahan dahan lang para hindi nila ako makita.
Ngunit hindi ko parin masilayan ang mukha ng babaeng nag salita dahil nakatalikod pa ito at may kausap na lalake.
"Bakit ka ba nagkakaganito? Dati okay naman tayo ah, Ano ba ang problema mo at bakit mo ako nilalayuan? Sabihin mo saakin hindi yung ganito!"
Napatingin ako sa lalakeng nagsalita at walang iba yun kundi si Jason. JASON?
Anong ginagawa niya dito? Sabi nya ay aakyat lang sya para kunin ang bag nya pero may kausap na pala sya dito.
Bumalik ulit ang atensyon ko sa eksena sa loob nung narinig kong nag salita nga kasama nyang babae. "Maybe you should be the one asking yourself kung bakit ako nagkakaganito." sarcastic nyang sabi saka naglakad paharap, dahil dun nasilayan ko na ang mukha ng babae
Hindi lang ito basta basta babae!!! Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
Si Ysabel, Si Ysabel Santos
Siya ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Jason sa library nung nakaraang araw, ang babaeng nag balik at palaging umaaligid sa kanya at sa akin.
Anong meron sa kanya? at sa kanila ni Jason? Bakit sila magkasama dito at ano yung pinaguusapan nila?
Gusto ko na agad sana umalis dahil wala naman akong karapatan pakinggan ang pinaguusapan nila, pero dahil sa sobrang pagka curious ko hindi ko magawang maiangat ang paa ko at maglakad paalis, furthermore nilapit ko pa ang tenga ko sa pinto at pinakingan ng mabuti ang pinaguusapan nila.
"Ysabel, Ano ang ibig mong sabihin? sana tuwng may problema ka saakin sabihin mo agad. Hindi yung pinapahula mo saakin ang reason at pilit ko namang aalamin yun, hindi ako mind reader" seryosong sabi ni Jason kay Ysabel.
"Di-Diretsyuhin na kita—-" Nakita kong napangisi muna si Ysabel saka nag salita ulit "Mahal mo pa ba ako?"
Nanlaki muna ang mga mata ni Jason bago sumagot "A-anong klaseng tanong yan ysabel—-" ngunit hindi pa sya tapos magsalita nung biglang sumigaw si Ysabel.
"Just answer me! Madalas na kitang makita ngayon na kasama mo si Emily na yan! Tapos nabalitaan ko pa na nagpunta sya sa mansion ninyo?! For god's sake Jason, ako itong girl friend mo ng ilang taon hindi mo man lang pinapunta dyan sa mansion nyo. Pero ngayon? Magpapapunta ka ng isang babaeng hindi mo kakilala?" sigaw ni Ysabel at saka pinunasan ang luha nya
"At ang dahilan kung bakit ka wala kanina, huh? Siya nanaman yung dahilan no? Palagi nalang siya, Ako kinakalimutan mo na ako—"
BINABASA MO ANG
Lost Soul
Mystery / ThrillerIt all started on a tragedy which I've never expected. Meet a girl which everything in her life is almost perfect-- But once she met this guy, everything became familiar and miserable. I can remember him at the memory of my childhood friend... that...