Three

31.5K 786 25
                                    

"OY! MAMAYA ha, kayo na bahala maghanap ng Bar. Pero hindi sky is the limit ha. Alam niyo naman limited ang budget"habilin niya sa mga kaibigan at katrabaho niya.

"Happy Birthday nalang bakla, di ako makakasama mamaya at may sakit ang anak ko"si Niña.

"Nalungkot naman ako, kala ko kompleto tayo"

Ilan lang naman ang kaibigan ko, tapos wala pa ang best friend ko.

"Sorry, alam mo naman di natin alam kung kailan magkakasakit ang mga bata"

"Wag ka ng malungkot kasama naman ako"singit naman ni Cielo.

"At ako din"ani Jobert.

"Sasama din natin si Crush"bulong ni Cielo.

Napailing nalang ako, wala naman akong gusto sa sinasabi ni Cielo. Pero kung makacrush wagas na kala mo talaga ako ang may gusto.

If I know siya lang naman ang may gusto doon.

"Crush mo"ganting bulong ko naman.

Namula ang pisngi niya so confirm. Hay ako talaga ang pinagsangkalan niya.

"Ingat ka sa pag-inom mamaya baka mabutas ang maria mo ni crush ikaw din"babala ko pa sa kanya.

Magrereact pa sana siya sa bulong ko kaso lang dumating na si Crush niya.

"Magtrabaho na tayo, para maaga tayong makapag-out"nakangiting bungad ni Luis.

Tumingin ito sakin sabay ngiti ng pagkatamis tamis.

"Hi Thalia. Happy birthday"bati niya sakin.

Gwapo naman siya sa paningin ko. Kaso lang di ko type ang mga good boy image.

Gusto ko ung mga bad boy ung tipong nangbubugbog sa kama.

Pangiti ako sa naisip ko.

"Salamat sir Luis, sama ka mamaya may konti happy happy lang sa bar. Si kuya Jobert ang taya"biro ko.

"Anong ako, ikaw Tata kung ako naman pala sasagot ng birthday mo wag nalang akong sumama. Mas gustong sumisid sa ilalim ng palda ng asawa ko kaysa malunod sa alak na ako ang magbabayad"reklamo agad ni Jobert.

Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi niya.

"Ikaw, hindi ka na mabiro kuya"natatawa ko pa ding sabi.

"Lilinawin mo bunso"sarkastikong sagot niya

"Sige, simulan na natin ang trabaho. Para matagal tagal ang happy happy natin. At oo Thalia sasama ako mamaya. Di ko palalampasin ang birthday mo"anito bago ngimiting muli.

May iba sa ngiti niya pero di ko nalang pinansin.

"KONTI NALANG maiinis na ako kay crush"gigil na turan ni Cielo.

Nasa Bar na kami, ang sosyal ng lugar. Iba talaga mga taste ni Jobert. Parang mayaman kahit na dukha din naman gaya ko.

O baka kasi libre lang kaya dito niya kami dinala. Libre siya dahil ako nagbayad ng entrance. Kasakit nga sa bulsa, entrance palang libo na binayaran ko.

Lalagnatin ata ako bukas, tapos magkaka-cancer ang bulsa ko sa gastos.

"Bakit kasi di ikaw ang pumorma, hinahayaan mo lang ung mga higad ang lumapit"sagot ko naman.

Nasa dance floor na kasi sila Jobert, Luis at Nikka isa pang kaibigan ko.

"Ayoko, dalagang pilipina ako"nakangusong sagot ni Cielo.

Lihim naman akong natawa sa sinabi niya.

"Okay, bahala ka ikaw din"

Natahimik kaming dalawa kahit na maingay sa loob. Naisip ko bigla si Bebang. Mas masaya siguro kung kasama ko siya ngayon.

An Indecent Proposal R18(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon