Six

27K 773 27
                                    

NANG HAPON NAG-AYA ang anak kong lumabas daw kami at katagpuin ang matandang ale na nagbigay sa kanya ng sampaguita.

Ang kulit ng anak ko kaya naman nagpatianod nalang ako sa gusto niya.

Sa may likod ng palengke niya ako dinala. Doon daw kasi niya nakita ang Ale noong isang araw.

Habang naglalakad kami lalapit sa lugar may isang babae ang palingalinga na nakatayo doon.

"Ale!"sigaw ng anak ko.

Bumitaw ito sakin at tinakbo ang pagitan namin at ng ale.

Napansin ko may dala na naman siyang sampaguita. Kasing dami ng sampaguita na binigay niya noong isang araw.

"Dark Sky"

Napataaa ang kilay ko ng banggitin niya ang buong pangalan ng anak ko. At mukhang ang anak ko nga ang hinahanap niya kanina pa.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita Dark?"sabi pa nito sa anak ko.

"Kayo po ba ang nagbigay ng sampaguita sa anak ko?"sabad ko sa usapan nila ng makalapit ako.

Pakiramdam ko parang namutla siya ng makita ako. Bahagya pa nga siyang yumuko.

"Oo, ma--misis"nauutal pa siya habang nagsasalita.

"Miss pa ho ako, na-ano lang ako kaya lumabas si Dark. Alam niyo na nabutasan tapos nabomba lumobo. boom bata ang kasunod"paliwanag ko.

Nakita ko naman siyang napangiti sa biro ko. Birong totoo naman ang sinabi ko.

"Ah ako nga pala si Josepina"pakilala nito.

Iniabot pa nito ang kamay sakin tanda ng pakikipaghand shake na tinanggap ko naman.

"Salamat po pala sa binigay niyong sampaguita sa anak ko. Malaking ambag sa ipon niya ang napagbilan noon"

"Matandang Ale, bibigyan niyo po ba ulit ako ng sampaguita po?"tanong ng anak ko.

Nang tignan namin siya nakatitig na ito sa dalang sampaguita ni Aling Josepina.

"Oo naman, kanina pa nga kita hinihintay"masayang inabot ng ale ang dala sa anak ko.

"Nanay kong sexy, magbebenta lang po ako ng sampaguita. Babalik din po agad ang mamang maliit niyo. Pwede po ba nanay kong sexy"pabibong paalam niya.

Tumatawang tinanguan ko naman siya bilang sagot. Mabilis pa sa alas quatro na nakatakbo na ito palayo sakin.

"Napakabibo ng anak mo misis"sabi ng Ale.

Sabi ko ng miss pa ako, misis ng misis.

"Tata nalang po itawag niyo sakin. Pero Thalia Marquez po ang buo kong pangalan. At uulitin ko po MISS pa po ako hindi po MISIS"

Pinakadiinan ko na ang salitang MISS at MISIS para naman malaman niya ang deperensya ng dalawa.

"Ah, Tata maiba ako. Nabalitaan ko napaalis kayo sa may pwesto niyo sa bangketa. Saan na kayo nakapweato ngayon?"pag-iiba nito ng usapan.

Bigla naman akong nalungkot, pinaalala pa kasi sakin ang nangyaring kamalasan sa buhay ko.

"Wala pa nga po. At bawal din naman ang iligal na pwesto sa loob ng palengke. Ngayong araw nga po hindi kami nakapagtinda. Masaklap pa bukas mapapalayas na din kami sa tinutuluyan naming bahay"pagkukwento ko naman.

"Naku, saan kayo lilipat ng anak mo niya?"nag-aalalang tanong ng Ale.

Malungkot ko siyang nginitian.

"Sa kalye po muna. Wala din kasi akong alam na kamang-anak ko na pwedeng lapitan. Tapos wala din akong ipon ba pangdown sana sa bagong apartment"

An Indecent Proposal R18(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon