Twenty

26K 650 41
                                    

"DARK, GUSTO mong magswimming?"

Narinig kong tanong ni Dimitri sa anak ko.

"Sige po tatay"

Gusto kong lumabas, para pigilan ang balak ni Dimitri na paglusong sa tubig. Pero sa iisipin kong makakaharap ko ang tubig natatakot na naman ako.

"Hey Miss Yummy wala kang balak na lumabas?"tanong ni Dimitri.

Pumasok pala ang dalawa para siguro magpalit. Tumakbo palapit sakin si Dark.

"Nanay, maghuhubo po ako. Liligo daw po kami ni Tatay kong Pogi sa dagat"excited na sabi ni Dark.

"Mamang maliit ko, pwede po wag ka na po maligo doon. Baka may pating doon, paano na si nanay"pigil ko sa kanya.

Nilapitan ako ni Dimitri.

"Thalia, walang pating dito. Hindi ko naman papabayaan si Dark, kung gusto mo panoorin mo kami. Kapag may makita kang malaking pating na papalapit samin sabihan mo kami para naman makalangoy kami pabalik"sabi naman ni Dimitri.

"Ayoko, kung gusto mong magswiming sige pumunta ka. Maiiwan kaming mag-ina dito"tigas na tanggi ko.

Biglang kumunot ang noo ni Dark, tapos nanghaba ang nguso niya.

Alam ko kapag ganito na siya.

"Tsk, I forgot to bring chocolate, and ice cream. I think merong manok sa fridge pero I forgot to bring cooking oil"sabi ni Dimitri habang hinihimas pa niya ang baba niya.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila. Paano wala akong masusuhol sa anak ko.

"Are you sure ayaw mong magswimming?"tanong sakin ni Dimitri.

Nagpapalit na sila ng damit panligo. Si Dark, inalis ko lang ang damit niya tapos sinuotan ko lang ng brief. Si Dimitri naman nakaboard short tsaka itim na sando.

"Ayoko, baka may pating"bulong ko lang iyong huli kong sinabi.

Wala naman na akong narinig pang sagot mula kay Dimitri. Tapos si Dark naman nawala sa harap ko. Pag-angat ng tingin ko karga na ni Dimitri si Dark at naglalakad na sila palabas ng bangka.

"Paglaki ko po bibili ko po ng ganito pong bangka si nanay ko po"narinig kong pagbibidahan nila Dimitri habang naglalakad palabas.

"Hindi naman ito bangka. Yacht ang tawag dito or yate"sagot naman ni Dimitri.

Napakamot sa ulo ai Dark,  lumingon pa nga siya sakin.

"Pero po sabi po ni nanay kong sexy po na bangka ito. Kasi maliit po kaysa sa barko"pagrarason naman ni Dark.

Sige anak, pagtanggol mo si nanay. Kala ng Dimitri na iyan di tayo nag-iisip.

"Mas maliit nga siya sa barko, pero kasi ang bangka simple lang. Like that one little boss. That's a boat, ito yate kasi it has all the luxury you needed while your away in the main land. At isa pa ginagamit lang ang yate kapag gustong makipagdate o kaya bakasyon tulad ngayon"paliwanag ni Dimitri.

Nakatitig lang sa kanya si Dark.

"Maligo nalang po tayo po"sagot nito na nakakunot ang noo.

Dahil doon tumawa na naman si Dimitri. Hay wala siyang kasawaan sa pagtawa.

Sinuutan ni Dimitri ang anak ko ng salbabida sa bewang at sa magkabilang braso.

Pero kahit na meron noon nakaalalay pa din si Dimitri kay Dark. Sa tingin ko naman magaling talagang lalangoy si Dimitri kasi wala man lang siyang gamit na salbabida.

"Nanay tignan niyo po ako. Lumulutang ako"sabi ni Dark.

Panay ang kampay niya ng kamay niya. Tinuturuan yata ni Dimitri na lumangoy ang anak ko. Nasa gilid lang kasi si Dimitri.

An Indecent Proposal R18(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon