Thirty-three

22.8K 643 49
                                    

KANINA KO PA tinititigan ang portrait na ito.

Nakuha ko ito kanina ng buklatin ko ang walk in closet namin ni Dimitri. Kasi pinadala na ni Dimitri dito ang lahat ng gamit namin sa lumang-bahay. Kaya ako naman busy-busy'han kuno dito sa pag-aayos ng mga damit namin.

Dahil sa madami din tambak na mga damit dito inalis ko muna ang mga damit na luma.

May pagboyscout ang mahal kong Master. Kahit saan yata siya tumira may mga reserbang damit ng babae.

"What are you looking at, Thalia?"di ko namalayan na dumating na pala si Dimitri.

Dito na nga pala din siya tumutuloy. Sa wakas napatalsik niya din si Precious. Pero ang totoo lang iniuwi lang ni Lolo Carlos si Precious sa Spain. Madami na kasi siyang demand kay Dimitri. Kasama na doon ang siya na daw ang papalit sa pwesto ko tutal wala na ako doon sa bahay. Na hindi naman pinayagan ni Master Dimitri.

"Itong portrait na ito. Kanino ba ito?"binitbit ko pa talaga at inilabas sa walk in closet para ipakita sa kanya.

Kasalukuyan siyang nag-aalis ng neck tie niya ng lapitan ko siya.

Nakakunot ang noo na pinagmasdan niya ang portrait. Mukhang di naman sa kanya, kasi mukha di niya nakilala.

Pinakatitigan ko ulit, di naman aiya mukhang painting para sakin.

"It's mine"pandaka'y sagot ni Dimitri.

Doon ko siya nilingon. Nakatitig na din siya sa portrait at nakangiti pa siya habang nakatitig dito.

Para pa siyang may naalalang masayang bagay sa portrait na ito.

"Ano bang meron dito at nangingiti ka pa?"pagtataray ko naman.

Kinuha niya mula sa kamay ko ang frame at pinakatitigan.

"Its important to me Thalia. It like a reminder to me"sabi pa niya habang titig na titig doon.

"Para lang naman iyang mantsa, di naman mukhang painting"

Tinignan niya ako sabay ngiti.

"Actually your right, miss yummy. It's a blood stain."aniya.

Nanlaki ang mata ko sa sagot niya. Nagpalipat lipat pa nga ang tingin ko sa portrait at sa mukha niya.

"Nasugatan ka for the first time kaya importante sayo ang mantsa na iyan?"gulat na gulat na tanong ko.

Pero ang loko ang lakas ng tawa.

"This is not came from me Thalia. But I did it, kaya dumugo"mangha pa niyang paliwanag.

Napatakip ako sa bibig ko sa gulat ko pa din. Napanganga na ako sa gulat ko.

"Nakapatay ka?!"gulat kong tanong muli sa kanya.

Natigilan siya ng pagtawa at pinakatitigan ako. Mukhang nagulat din sa sinabi ko.

Binaba niya sa kama ang portrait at hinarap ako. Hinawakan pa nga niya ako sa magkabilang balikat ko.

"Do I look like a killer to you Thalia?"seryoso niyang tanong sakin.

Nagseryoso din ako at pinakatitigan ko siya sa mukha niya.

Tapos dahan dahan akong tumango sa kanya. Napakunot ang noo niya tapos para siyang nasaktan sa sagot ko.

"Panty slayer ka, Dimitri"seryoso ko pa ding turan.

"What the hell!"sigaw niya sabay tawa ng malakas ulit.

"Damn it Thalia. Nadali mo ako doon"sabi pa niya.

Napangiti na din ako, ang gwapo na naman kasi niya. Maa lalo kasi siyang gumagwapo kapag ganitong tumatawa siya.

"Kitam, panty slayer ka talaga. Ung panty ko pumanaw na naman tumawa ka lang"sabi ko pa habang tumatawa siya.

An Indecent Proposal R18(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon