NANGANGAWIT NA ANG leeg ko kakatingala sa malaking gate sa harapan ko.
Kaya naman pala thirty thousand ang sahod ang laki ng bahay ng mga amo ko.
"Nay"boses iyon ng anak ko.
Bigla naman akong naawa aa anak ko. Parang ang sama kong ina.
"Anak, wag kang maingay at malikot dyan. Sandali nalang baka may magbubukas na ng pintuan"bulong ko.
Ang anak ko, pinagkasya ko sa malaking malateng dala ko. Tapos ang mga gamit namin sa isang maliit na bag ko lang inilagay.
Ayoko mang gawin ito wala naman akong mapag-iiwanan sa anak ko. Hindi ko din naman maatim na iwanan sa kung saan ang anak ko.
"Nay katok ka na po. Ang init po dito"reklamo ng anak ko.
Buti nalang madaling paliwanagan ang anak ko. Pumayag siya sa gusto kong mangyari.
"Gandang tangahali po"bati ko sa guard na nagbukas ng gate para sakin.
"Magandang tanghali din, anong kailangan nila?"tanong nito.
Napalunok akong bigla, kasi kung makatingin ang isang ito kala mo hinuhubaran naa ko. Buti sana kung pogi, eh halos isumpa na ang mukha niya.
"Nandyan po ba si Aling Josepina. Pinapapunta niya kasi ako, dito"
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago siya gumamit ng radio. Naintindihan ko naman ang sinabi niya pero di ko nalang pinansin.
"Tata, buti naman nandito ka na"salubong sakin ni Aling Josepina.
Nakamaids uniform na siya, pero hindi naman OA na uniform ng mga katulong. Para lang siyang iyong sinusuot ng mga nurse pero ibang kulay.
"Medyo naligaw nga po ako kaya ngayon lang ako nakarating"alanganin kong sagot.
"Halika na, iwanan mo na dyan ang maleta mo. Ang dami mong dalang gamit. Di mo naman magagamit ang mga iyan kasi may uniform tayo"sabi pa ni Aling Josepina.
Nanglaki naman ang mata ko.
"Naku, aling Josepina hindi ko pwedeng iwanan dito abg mga gamit ko may sentimental value ang mga ito sakin. Kaya dinala ko na din"gulat na gulat kong sagot.
Pinakahigpitan ko pa ang magkakahawak ng maleta ko. Kahit anong mangyari hindi ko bibitawan ang maleta na ito.
"Naku, hindi kita nasabihan. Kahit di ka na sana nagdala ng gamit mo at bibigyan ka naman dito. Iwanan mo na iyan"pilit na pinabitawan sakin ang maleta.
Naiiyak naman ako habang umiiling at nakikipag-agawan sa maleta ko.
"Hindi nalang ako tutuloy, Aling Josepina kung papaiwanan mo sakin ang gamit ko"pagmamatigas ko naman.
Natigilan ang matanda, maging ang guard na kinukuha na sakin ang Maleta.
"Ayoko nalang po, aalis na lang ako"dagdag ko pa.
Bubuhatin ko na sana ang maleta ko ng agawin iyon sakin ng guard.
"Ipasok mo na iyan sa loob Roger. Halika na Tata, kung ayaw mong itapon hindi natin itatapon ang mga gamit mo"sabi naman ni Aling Josepina.
Nabuhayan ako ng loob dahil doon.
"Bakit napakabigat naman yata ng gamit mo, Miss"reklamo ng guard.
Paglingon ko halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko ng makita kong ibinagsak niya ang maleta ko.
Agad ko itong inagaw.
"Ako nalang ang magbubuhay kuya, baka masaktan ung nasa loob"agaw ko sa kanya.
"Masaktan?"sabay pang tanong dalawa.