GUMAGAWA NG ASSIGNMENT si Dark habang ako naman ay gumagawa din ng assignment ko kay Dimitri.
Ewan ko ba naman sa lalaking iyon at pinag-aaral niya ako ng kung ano-anong libro.
Ang sabi niya basahin ko lang ang tatlong libro na binili niya after naming magbakasyon.
Fifty shades
"I'm home"
Sigaw ni Dimitri, si Dark parang kiti-kiti na tumayo at tumakbo palapit kay Dimitri. Naging super close kasi ang dalawa after ng bakasyon namin. At naipaliwanag na sakin ni Dimitri Kung bakit apilyido na niya ang gamit ni Dark.
Ang sabi niya ginawa lang niya iyon para hindi maging tampulan ng tukso si Dark sa school. Kasi tinatawag siyang tatay ni Dark tapos magkaiba sila ng apilyido. Isa pa ngayon ko lang din nalaman, kay Dimitri ang school.
"Ang aga mo yata?"tanong ko habang papikit pikit ako at hinihilot ang sintido ko.
Sumakit na ulo ko kakaintindi ng binabasa ko.
Tinignan ko ang orasan alas quatro palang ng hapon.
"Bakit po wala po ako pong pasalubong po?"nakasimangot na tanong ni Dark.
Nasa may hawak na paper bag ang tingin niya na dala ni Dimitri.
"Sorry little boss, pag-uwi namin mamaya ni nanay ung pasalubong mo. Kung gising ka pa pag-uwi namin."
Napakunot naman ang noo ko, tumayo na din ako para salubungin siya. Na-curious na din ako aa dala niyang paper bag.
"Kaninong damit iyan?"takang tanong ko ng makita ko na ang laman.
Pero hindi ako sinagot ni Dimitri bagkus hinapit na niya ako palapit sa kanya at hinila palabas ng bahay.
"Teka sandali lang 3D, saan tayo pupunta?"takang tanong ko ng nakasakay na kami sa sasakyan niya.
"Salon"sagot lang.
Hinarap ko siya at pinakatitigan. Seryoso naman siyang nagmamaneho.
"Pakipaliwanag nga kung bakit tayo pupunta ng salon? Bigla ka nalang nanghahatak dyan"pagtataray ko naman.
"We're going to a party tonight. I forgot to tell you this morning."sagot niya na hindi man lang ako tinignan.
"Hindi mo pala sanabi bakit isasama mo ako. Ikaw nalang magpuntang mag-isa doon. Nandamay ka pa, nanahimik ako sa bahay"sagot ko naman.
Sakto namang huminto siya dahil sa traffic light.
"Look, Thalia baka nakakalimutan mo ang nasa contrata natin. Number two: The Slave will live as the Master's woman and do the duties as his woman all the time."pagrerecite pa niya ng nasa contract namin.
Napataas pa ang kilay ko ng dahil doon. Infairness ha, kabisado niya ako nga nakalimutan ko na ang nakalagay doon.
"Ano naman connect ng kontrata sa pupuntahan mong party?"tanong ko sa kanya na nakataas pa din ang kilay ko.
"You'll see when we're there"sabi niya at di na ako pinansin.
Sa isang amahaling salon niya ako dinala, ang galing nga kasi VIP treatment kami. Dalawa ang naglilinis ng mga kuko ko sa mga kamay ko. Maging aa paa ko, iba din. Tapos sabay ang nag aayos sa mukha ko at buhok ko.
"Madam, ang ganda niyo naman po"pambobola pa sakin ng bading na nagme-make-up sakin.
"Binola mo pa ako. Wala akong pera. Ung kasama ko magbabayad dito hindi ako. Wala akong pang tip sayo"sabi ko naman.
Tamawa lang silang lahat sakin. Napaismir naman ako, nagpapatawa ba ako at tumawa sila.
"Hindi pa ba kayo tapos? Naiinip na si Big Bosa. Sabi niya hindi niyo kailangan na pagandahin ng husto si Madam baka madami siyang mapatay mamaya sa party"sabi ng isang babae.