Five

28.3K 741 38
                                    

"HI THALIA"nakangising bati sakin ni Gardo.

Isang retired teacher na tumandang binata dahil sa pagkahumaling niya sa pagtuturo noon.

Huli na ng napansin niya 65 na pala ito at wala pa ding asawa. Pero ngayon 76 na siya, matandang hukluban na.

Nakangiwi ko naman siyang nginitian.

"Naligaw kayo ng landas...ay napadaan po kayo dito Manang Gardo"aniko naman.

Tumawa siya ng malakas, ung kita ang gilagid niya pati ngala-ngala.

Hay wala pa naman siyabg ngipin.

"Manang Gardo, bakit po wala kayong ngipin? Baby pa po ba kayo?"ibosenteng tanong naman ng anak ko.

Nagpipigil lang ako ng tawa, kasi nakakahiya naman sa kaharap.

Huminto naman sa pagtawa ai Mang Gardo at pinakatitigan ang anak ko.

"Alam mo bata, gusto na kita. Tawagin mo nalang akong papa Gardo...Thalia itong anak mo matalino ano, alam niya ang mga baby face"sabi pa ng matanda.

Hindi naman ako makapaniwalang tinitigan siya.

Kapal ng mukha. Baby face? Eh isang uod nalang hinihintay nito lalarga na siya.

"Hay, Manong Gardo hindi naman po kayo mukhang baby. Wala lang po kayong ngipin pero mukha na po kayong kulubot po na naging tao po"sabi ng anak ko bago tumakbo palayo samin.

"Dark!"tawag ko dito.

"Magbebenta lang po ako ng sampaguita nay"hiyaw nito.

Nakita kong sumama siya sa mga kakilala ko ng mga kabataan dito sa palengke.

"Hoy, Susi pakitignan si DS ha"habilin ko pa sa isang batang kasama ni Dark.

"Opo ate Tata"

Pagharap ko naman sa kausap ko hindi na maipinti ang mukha niya.

"Pagpasyensiyahan niyo na po si Dark mang Gardo. Mukhang nahahawa sa mga kalaro niya nagiging mauyaw"alanganin kong turan.

Huminga ito ng malalim.

"Hayaan mo na, bata pa naman. Kapag pumayag ka bg magsama tayo ay pangangaralan ko nalang ang anak mo"

Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya.

Kung utak lang ang paiiralin ko malamang pinatos ko na ito. Walang maghahabol na kamag-anak kapag nadedo na. May pera pa sa bangko magiging bahay ko pa ang bahay niya na may kalakihan ang tapos.

"Mang Gardo kasi..."

"Hindi ako magsasawang ayain kang makisama sakin. Unang kita ko palang sayo minahal na kita. Wag mong isipin ang sasabihin ng mga tao sayo. Aalagaan ko kayong mag-ina"pigil pa nito sa ibang sasabihin ko.

Natahimik nalang ako.

"Hindi naman na importante sakin ang estado sa buhay. At kung ano ang nakaraan mo, ang mahalaga ung pagsasamahan nating dalawa"dagdag pa nito.

Mas napangiwi ako, so ang lagay eh hindi ako bagay sa kanya kasi dalagang ina ako ganon ba. Tapos siya may kaya at may natapos.

Wow naman itong matandang ito. Lakas mantrip.

Buti nalang biglang dumagsa ang mga mamimili naitaboy ko din siya.

"Ang lakas ng tama sayo bg matandang iyon, Tata"sabi pa ng katabi kong tindera din.

"Feeling masyado"sabi naman ng isa pa.

"Hayaan niyo na, matanda na kasi"sabi ko nalang.

Buong maghapon akong nagtinda, pabalik balik naman ang anak ko sa tabi ko kapag namimiss ako.

An Indecent Proposal R18(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon