Epilogue

32K 743 32
                                    

"NANAY WHERE'S kuya Dark?"napapatirik nalang ang mata ko habang pinapakinggan ang tanong ni Sunshine.

Siguro mga isang daang beses na niyang tanong iyan mula ng di niya nakikita ang kuya niya. Baka isang libo pa nga yata.

Exaggerated na kung exaggerated pero ganon ang tingin ko.

"Nanay, please where's Kuya Dark?"tanong na naman niya.

"Aling Maliit, heto na po susunduin na natin po si Kuya"nawawalan na ako ng bait sa sarili.

Bakit ba ang kulit ng bunso namin na ito? Ilang ulit na naming pinaliwanag ni Dimitri na nasa camping si Dark kaya tatlong araw namin siyang hindi nakasama.

Pero panay pa din ang tanong niya kung nasaan ang kuya niya.

"But seriously po nanay, where is KUYA!"tanong na naman niya.

Naiiyak akong niyakap nalang siya. Hindi ko na alam pano ko siya sasagutin.

"Madam, nandito na po tayo"sabi ng driver namin.

Hindi ko na napigilan nakababa at nakatakbo na agad si Sunshine. Mabilis din naman siyang nasundan ni Olivia.

Si Sunshine naman ang binabantayan ni Olivia ngayon. Ayaw na ni Dark na may nakasunod sa kanya. Binata na daw kasi siya, samantalang mag-nine palang naman siya.

Ang bunso naman namin magthree na. Ang bilis ng panahon parang kailan lang pinapangarap ko lang ang magkaanak, tapos heto at magtatlo na sila.

Ops! Hindi pa pala alam ni Dimitri magtatatlo na ang anak namin. Balak ko sa birthday ni Dimitri ko sasabihin. Pangregalo ko sa kanya, isang linggo nalang naman na birthday na niya.

"Nanay, nanay, nanay, nanay"paulit ulit na tili ni Sunshine ng makalapit ako sa kanya.

Talon din siya ng talo habang nakatanaw sa may gate na hindi niya maabot.

Noong nasa ganitong edad si Dark hilig magpakarga. Si Sunshine naman ayaw, pero sa tatay niya gustong-gusto na magpabuhat. Malalaki daw kasi ang muscle ng tatay niya.

"Aling Maliit ko tama na sa pagtalon, baka mapagod ka"saway ko.

"Nanay nanay nanay nanay, where's kuya? Where's kuya?"pamamaktol na niya ng di makita agad si Dark.

Diyos ko Lord, bakit niyo po ako binigyan ng ganitong kacute pero super kulit na anak.

"Hintay lang po pwede po?"

Ako ang nahihilo sa batang ito eh. Kundi tatalon, tatakbo palapit sakin at yuyugyugin ako. Tapos kukulitin ako kakatanong kung nasaan ang kuya niya at bakit wala pa.

"Kuya! That's my kuya...kuya kuya kuya kuya kuya kuya!"tili niya ng matanaw niya si Dark.

Ang Dark ko naman nakakaway na agad samin. Ang laki na niya talaga at kamukhang kamukha na siya ni Dimitri.

Agad na sinalubong no Sunshine si Dark.

Nakalimutan ko. Mas gusto ni Sunshine na magpabuhat sa kuya niya kaysa samin ng tatay niya. Buti pa si Dimitri nabubuhat niya si Sunshine ako kasi hindi.

"I miss you little princess"lambing ni Dark sa kapatid niya.

"Ang lambing po talaga nilang magkapatid, Madam"ani Olivia.

"Hay sinabi mo pa"

Kinuha na namin ni Olivia ang mga bitbit ni Dark sa camping niya at nagsimula ng maglakad pabalik ng sasakyan ng humahangos namang dumating si Dimitri.

"Tatay tatay tatay tatay tatay tatay tatay tatay!"paulit ulit na sigaw ni Sunshine.

Napailing nalang ako. Kahit karga karga na ni Dark nagagawa pa niya magkakakawag na parang kakahuling isda.

An Indecent Proposal R18(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon