Ten

28.2K 756 51
                                    

MAGKAHARAP kami ngayon ni Big Boss, nasa loob kami ng study room niya.

Ngayon ko lang napasok ang kwarto na ito. Doon lang naman kasi ako lagi sa master's bed room at sa kwarto namin pumapasok.

"So, may anak ka na pala miss Yummy"nakangisi niyang sabi.

Nilalaro pa nito ang ball pen Na hawak niya habang nagsasalita.

"Wala naman po akong sinabing wala akong anak"nakangusong sagot ko.

Mahina siyang natawa, tapos umayos ng upo.

"I like you humor Miss Yummy"sabi niya ng bigla na siyang nagseryoso.

Kinabahan naman ako sa paraan ng pagtingin niya sakin.

Parang may something sa mga mata niya. Heto na naman ako sa pakiramdam na parang pamilyar talaga siya sakin.

"Madami akong baon na humor, gusto mo ng isa?"pagbibiro ko para gumaan ang situation.

Para kasing bigla siyang nakakatakot. Ung mga titig niya di na parang nanghuhubad. Nakahubad na ang tingin niya na para akong binubutasan sa tingin niya.

"How about you, pwede mo bang ibigay ang sarili mo sakin. Coz I like you"anito na hindi man lang natinag sa pagtitig sakin.

Napalunok naman ako ng madaming beses.

Heto na naman, gwapo na naman.

Alanganin akong napangiti sa kanya.

"Hindi pwede sir Big Boss. Magagalit ang asawa niyo"sagot ko naman.

Sa gulat ko bigla akong napakislot sa kinauupuan ko ng bigka siyang tumawa ng malakas.

"And who the hell told you that I'm married? But I'm flatter naiisip mo ako kahit di mo pa ako nakikilala"sabi nito habang tumatawa.

Napaisip naman ako, kung di  pa siya kasal kaninong damit ang nasa aparador niya.

"Kung wala kang asawa sir Big Boss, kaninong damit ung nasa Aparador mong malaki? Ang daming damit ng babae doon"hindi ko napigilang itanong.

"Aparador? Napakamakaluma mo naman. Its a walk in closet, Thalia"sabi niya habang tumatawa pa din.

Sa pagbanggit niya ng pangalan ko para pumintig ang sintido ko.

Ung pagkakabanggit niya ng pangalan ko parang narinig ko na dati.

"I'm not married, Thalia. Ang mga damit na nakita mo it's just a stock of clothes of woman. Walang nagmamay-ari ng mga damit na iyon."anito.

Tumayo siya at dahan dahan na naglakad palapit sakin.

Nang nasa likod ko na siya bahagya siyabg dumukwang. Ung mukha niya nasa may kanang pisngi ko na.

"You can have it, if you agree on my proposal"bulong nito

Ang kamay niya nasa balikat ko na.

"Sir Big Boss"nahihirapan kong sagot.

"Be my woman, bihira lang mangyari ito sakin. I did feel the attraction between you and me. And I mean it Thalia"Bulong pa din niya sakin.

Ung hininga niya amoy na amoy ko. Parang mint na may touch ng sigarilyo ang naamoy.

"May anak ako, binata ka pa pala. Mahirap ako, mayaman ka. Pangit ako, gwapo ka. Macho at yummy ka, sexy lang ako pero sa tingin ko pwede ng maging yummy. Doon lang tayo magkaparehas"ano ba Thalia kung ano anong kalokohan nasasabi ko.

Tumawa siya bago tumayo ng maayos. Pero ang kamay niya  nasa balikat ko pa din.

Bahagya niyang pinisil pisil ang balikay ko bago niya ako bitawan.

An Indecent Proposal R18(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon