/ Choosing Your Bias /

688 27 18
                                    

Syempre, pagpasok mo sa mundo ng KPOP, babalandra sa pagmumukha mo ang iba’t ibang KPOP Groups. Kung babae ka, maraming macho at gwapong KPOP male groups. Kung lalaki ka naman marami ding magaganda at sexy na KPOP female groups. At dahil babae ako, wala muna akong pakialam sa mga babaeng yan, basta gusto ko rin sila, pero mas gusto ko ang mga KPOP MALE IDOLS :""""") mas masarap mag-spazz kung sa para kanila lalo na kung yung magagandang katawan at abs yung pagi-spazzan mo... XDD ang halay ko XD

Kung ako ang tatanungin, isa sa kinaharap na problema ng fangirls sa mundo ng KPOP ay ang pagpili ng kanilang bias. Sa totoo lang, maski ako naranasan ko ito, hanggang sa natagpuan ko ang tanging bias na nararapat para sa akin.

Author’s experience:

Pinakita sa akin yung picture ng Super Junior, tapos ipinakilala niya isa-isa yung members.

“Wow! ang dami-dami naman nila. Yung Kyuhyun lang yung natandaan ko…”

Natatak sa akin si Kyuhyun,dahil sabi nung classmate ko, yun daw yung isa sa may magandang boses sa Super Junior. Mahilig pa naman ako sa mga lalaking may magagandang boses. ^^

After nun, nag-internet ako and naging curious sa Super Junior kaya ni-research ko sila. Bawat isang members at yung mga videos, music at pictures nila ay dinownload ko. After nun, isa-isa ko na silang nakilala at doon ako nakapili ng una kong bias, si Cho Kyuhyun.

Pero nung nagtagal, napalitan na siya ni Lee Sungmin. At hanggang ngayon, si Sungmin pa rin ang pinaka-ultimate bias ko. It’s almost 3 years and counting… =’3

Normal Fangirls example:

Pagkapakita ng isang picture ng isang KPOP group,

“Ay shet! Sino to? Grabe! Ang gugwapo naman… kyaaaaa~”

mag-i-spazz na yan at tatanungin ang information about that gwapo guy in the picture. Syempre matutuwa yung nagpakita ng picture at masayang magkukwento about that Kpop Group. Tapos ipapakilala niya rin yung ibang KPOP Groups. Tapos ayun, instant recruit ng isang fan papasok sa KPOP World :”””>

“Eh? Lalaki talaga yan? Bakit ang ganda naman niya? ”

Kadalasan ito ang naririnig kong tanong minsan kapag nakikita nila si Sungmin at Heechul. May picture kasi ako nila na naka-dress na pang-girl [yung sa Intimate Note nila]. Nagugulat sila sa fair complexion at milky white skin ng mga Korean idols.

Isa rin ito sa dahilan kaya nahihirapan ang mga newly-recruited-KPOP-fans sa pagpili ng kani-kanilang bias.

Marami kasing iba’t ibang characters ang isang KPOP Idol. Merong marunong sumayaw, kumanta, um-acting, magpatawa, mag-host at iba-iba pang talent. Meron ding mga gwapo at yung iba cute naman, yung iba malakas ang sex appeal at charisma. Meron naman, nadadala sa ugali ng isang KPOP Idol.

Kung ako tatanungin, nagging bias ko si BBMing dahil sa ugali niya. Kahit masyado siyang feminine, there’s something in him that attracts me until now. Yung smile at yung tawa niya, nakakahawa. Pag kumakanta or sumasayaw naman si BBMing, nararamdaman ko yung passion niya. Ewan ko, I fell so deeply inlove with him. ^/////////////////////////////^

Every fangirl, pagdadaanan ito. Minsan maguguluhan pa sa pagpili dahil nga ang dami-daming choices to choose from. Iba’t ibang groups, iba’t ibang personality pero iisang mundo, ang KPOP.

Ikaw, nahirapan ka rin ba sa pagpili mo ng bias mo? Share mo ang story mo! ^^

Dilemmas of a KPOP FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon