a/n: I'm back, I'm back, I'm back... I'm baaaaaaaaaaaaaack~ XD Favorite ko talaga yung Cheesepack este She's Back ng Infinite. Yay! hehehe. XD
wala na ako maisip na dilemma... suggest naman jan. lels.. hahah . XD
---
Eto. Problema eto ng mga fangirls na gustong bumili ng mga murang KPOP merchandise. Isa ako run. Kadalasan sa mga online shops ako bumibili ng mga KPOP merchandise ko. Mahirap kasi makahanap sa mga tabi-tabing tindahan. Iilan lang o minsan walang nagtitinda ng mga gusto mong merchandise.
Oo. Hindi man sila official pero at least may merchandise ka ng idols mo.
Mahirap naman kasi kung sa Yesasia or anyother sites na katulad niya umorder, kailangan may bank account ka pa or credit card. Eh pano naman kaming mga fangirls na hindi afford yun, eh di ang last resort ay online shops talaga. Minsan kasi mas makakamura ka pa kung sa mga online shops, may mga 'PROMO SALE' kasi minsan sila. Tapos yung iba, binababaan yung presyo. Kaya marami ang umo-order sa mga online shops.
---
Sa totoo lang, mahirap makahanap ng trusted online stores. Yung ibang mga kakilala ko naghihintay na lang sila ng mga events para doon bumili ng mga merchandise nila. At least pag doon, kaliwaan, bigay mo pera mo, kapalit yung merchandise na gusto mo.
Eto yung mahirap sa online shops. Kasi maghihintay ka pa bago mo ma-receive yung order mo. Hindi rin mawawala yung pagdududa since hindi mo kakilala yung mga may-ari nung mga shops na yun.
Sa totoo lang, hindi pa naman ako nabibiktima ng mga bogus sellers. Inii-stalk ko muna kasi yung online store na yun bago ako bumili doon at sinisigurado ko na trusted sila. Sa ngayon, tatlo pa lang yung masasabi kong mapapagkatiwalaang KPOP online shop na binibilhan ko.
1. Kaye Go (KKKPOP Treats)
2. A Yong Hallyu
3. Kisshop Xei
Personally, hindi ko sila kilala. Ini-stalk ko muna talaga sila. Tinignan ko yung mga products nila. Tinignan ko yung mga feedbacks ng customers. Kung anu-ano pang pang-i-stalk ang ginawa ko para lang masiguro at yun, nung napalagay na yung pakiramdam ko. Nag-message na ako sa kanila.
Una ko silang in-approach through FB Message. Kinulit ko sila. Super bongga mega tanong ako sa kanila. Napi-feel ko na nga na medyo nakukulitan na sila sa akin dahil ang dami kong tanong. Pero ayun, makulit talaga si author. Hanggang in the end, nag-send na ako ng order form at nagbayad ako sa kanila at hinintay yung pagdating ng mga orders ko. After ilang days, dumating naman kaya I'm so happy with them. :) Hindi ko sila pino-promote. Gusto ko lang ipaalam na trusted 'tong mga online shops na ito. :)
Ganun kasi dapat. Pag sa online shop ka bibili, dapat matanong ka. Dapat hindi ka sasagot agad ng 'OO' dapat palaging may kasunod na 'Bakit' at 'Paano'. Kahit na makulitan sila sa'yo, pabayaan mo muna, kailangan kasing masiguro mo na 'existing' ang shop nila at 'totoong' makukuha mo ang mga order na binayaran mo.
Nauuna kasing magbayad bago makuha yung order, isa yun sa 'nakakatakot' na part kapag online stores. Kasi walang kasiguraduhan na dumating yung order na binayaran mo. Ang policy kasi ng online stores ay 'Pay before Deliver'. Ganyan naman talaga eh. Kailangan bayad muna bago mo makuha ang order mo. Tapos kapag hindi dumating within delivery date yung order mo, kulitin mo ng bonggang bongga. Yung tipong i-message mo sa FB, sa cellphone, sa email, mag-wall post ka at kung anu-ano pang mga paraan para malaman na darating yung orders mo.
Dapat tingnan or i-check mo rin kung paano mo ma-rereceive yung mga orders mo, like yung mga couriers na magdedeliver sa iyo ng package mo or if they do meet ups. For me kasi, mas safe yung meet up. At least makikita mo yung pinag-orderan mo, tapos makakapitan mo na agad yung order mo. Pero minsan medyo hassle kasi mag-travel ka pa papunta sa meet up place na yun. Pero at least, mas madali mong mare-receive kesa maghintay ka pa.
DAPAT PAG MAKIKIPAGMEET-UP, LAGING MAY KASAMA. WAG MAKIKIPAGMEET-UP NG MAG-ISA.
Para lang ito sa mga fangirls na nakikipag-meet up. Since, hindi mo kakilala yung imi-meet up mo, mas mabuting may kasama ka sa meet up place na yun. At least you'll feel safe kung sakaling may mangyaring hindi maganda. Tapos dapat yung MEET UP PLACE ay sa lugar kung saan MARAMING TAO. Para SAFE. Safety firsts. DAPAT MAY KASAMA AT DAPAT MARAMING TAO. Para makahingi agad ng tulong kung sakali. If you know what I mean.
Ako kasi, mas gusto ko yung meet up para makita ko siya tapos makilala din kung sakali. Wala lang, mas palagay ang loob ko sa meet up. Tsaka minsan mas nakakatipid ako sa meet up because I don't have to shoulder those shipping fees. Minsan kasi mahal. Eh pag meet-up, minsan 50 lang ang meet-up fee pero syempre kailangan idagdag yung pamasahe papunta sa meet up place. Kaya dapat, yung meet up place malapit lang sa lugar nyo. Pero I'm not saying na makakatipid ka sa mga meet-ups na yan. You'll still have to decide. Dapat mas piliin mo yung choice na mas makakatipid ka.
---
Problema talaga ito ng fangirls. Kasi naman eh, maraming mapgpanggap sa mundong ito. Gusto kasing kumita ng pera sa pamamagitan ng panloloko. Masama iyon. Kaya dapat pigilan yang mga bogus shops na yan. Nagiging masama tuloy yung image ng ibang 'online sellers' dahil sa mga bogus na yan. Imbes na maraming mag-order, maraming natatakot na magtiwala dahil sa kanila. Dapat kasi mawala na yang mga ganyang sellers. Ang sakit lang sa bulsa, ang sakit pa sa ulo. Pinaghirapan mong ipunin yung perang pambili ng merchandise na yun, tapos lolokohin ka lang. Mygaaaaaaaaaaas~
Sabagay, Digital na ngayon ang KARMA... hahahah...
BINABASA MO ANG
Dilemmas of a KPOP Fangirl
RandomWala lang. Compilation ng mga bagay na tumatakbo sa utak ko ngayong gabi. Actually, hindi siya story eh.. Biglaang pumasok sa isip ko… :”””””> ito yung mga problems na kinakaharap ng isang fangirl na tulad kow!