/ Military Service /

412 13 9
                                    

Hello, I'm back again to share another one of my unending list of dilemmas being a fangirl.

Military Service

Ayun, etong dilemma na ito, paulit na nangyayari sa bawat member ng mga idol groups. Mapabago mang grupo ay pagdadaanan din ito. Mandatory kasi ang military service for almost 2 years sa South Korea. Yeah~ na-amaze nga ako kasi sobrang patriotic nila.

Lahat tayo nasasaktan, naiiyak, naglulupasay at nagda-drama once na narinig natin na isa sa ating idols ang papasok na sa military. Isa pa sa pinakamasakit ay yung biglaang pagpasok nila sa military ng walang pasabi man lang (Hello Heechul XD). Masakit yun sa mga fans kasi, kahit na gustong-gusto nilang pigilan ang idols nila ay hindi nila magawa. Lalo na yung mga International fans na hanggang sa internet na lang nakikibalita about sa pagpasok ng mga idols nila sa military.

Well, sa totoo lang, 2 years is so short para sa iba. Madaling sabihin na mabilis lang tatakbo yung two years. Pero para sa mga naghihintay, it's one hell of a torture. Imagine, no news ever from your bias. Well, meron pero hindi na ganun karami katulad ng dati. Makikita mo yung group ng bias mo na kulang na sila. Masakit. Mahirap makitang may kulang sa bias group mo. Well, para sa akin mahirap yun. Sobrang hirap talaga. Nakakaiyak kasi parang may empty space left for your bias to fill in. Parang hindi na ganun katulad yung group mo without your bias there.

Etong post na ito ay para talaga sa aking favorite na leader. Si Park Jungso. Dahil ilang araw na lang ay papasok na siya para sa kanyang military service. Oo, mahirap. Iniyakan ko nga si Kangin at Heechul nung napasok sila sa army eh. Eto pa kayang si Leader-nim? Hay... emotional torture na naman yung mangyayari sa akin sa oras ng pagpasok niya sa army. It's a heartbreak. Lalo pang siya ang leader ng favorite group ko. Mygosh~ mahirap talaga. Minsan nga, naasar ako kung bakit pa ginawang mandatory yang military service na yan. Sana lang kasi hindi na lang, kasi ang hirap ng wala sila. Parang ang laki ng kulang sa buhay mo.

Iniisip ko pa nga lang yung pagpasok ni Miming ko sa army ay naiiyak na ako. Hindi ko alam kung makakayanan ko yun. Malamang mag-strike ako nun, para mawala yung atensyon ko kay Miming. Mahirap kasi talaga pag aalis ang bias mo. Hindi mo mapaliwanag sa sobrang hirap. Sobra na rin kasi yung attachment mo sa bias mo and seeing him leaving will probably give you the worst day ever.

Ilang araw na lang bago pumasok si Teukie sa army and hindi yun magiging madali sa mga ELF out there. Torture it is. Capital T-O-R-T-U-R-E.

Mahirap man pero alam ko lahat ng fangirls kayang maghintay. Fangirls kame, 2 years lang yun. Kayang-kaya namin yun :) Kami pa. Basta para sa idols namin, torture man o hindi, we'll wait for them. Kaya naman yun diba?

Yeah~ Fighting!

Congrats to every fangirl who successfully waited through the 2 year military service of their idols. Saludo ako senyu! :)

Dilemmas of a KPOP FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon