/ Label Mates /

463 18 8
                                    

/ Label Mates /

Oo? Hindi? Oo... Major Oo! Isang malaking threat sa ating mga fangirl ang mga labelmates ng ating paboritong grupo. Lalo na kung talagang magaganda ang kanilang mga ka-label mates.

Label Mates - Yun yung mga ka-entertainment nila. Yung mga girl groups na kapareho nila ng company na nagha-handle. Example: i-table na lang natin para mas madaling maintindihan

Girl Group - Label Mates

SNSD, f(x) - Super Junior, Shinee, Exo-M, Exo-K

4Minute, A Pink - Beast, BTOB

Wonder Girls - 2PM, 2AM

2NE1 - Big Bang

Secret - BAP

Sistar - Boyfriend

[a/n: sila lang yung kilala kong magkaka-label mates eh.. XDD]

Oh~ Diba, problema minsan yang mga ka-label mates nila. Lalo na sa mga times na kailangan nilang mag-collaborate sa isang kanta or sayaw.

Kunyare ako, hindi ko bias si Hyunseung ng Beast pero naloka ako nung sa performance nila sa MAMA kasama si Hyunah. Napatili ako ng sobrang lakas kasi Beast member siya and nag-lip lock sila ni Hyunah. Mangiyak-ngiyak nga ako nung napanuod ko yun. Di ko nga alam kung bakit. Naman kasi eh, major tsansing yun kay Hyunseung. Tapos yung steps ng Trouble Maker masyado pang intimate. Nakakaloka talaga.

Yung sa MV din nung SEOUL, major selos and kilig din yung na-feel ko nun. Matagal na yun eh, pero still sa tuwing napapanood ko, selos lang ako ng major kay Jessica lalo na dun sa part nilang dalawa ni Sungmin na magkatalikuran. Pero kinilig naman ako sa SeoKyu couple. Si Seohyun at Kyuhyun. Shipper kasi ako nilang dalawa. Maknae loveteam, bet na bet! :)

Major selos lang yung mga nafi-feel ng mga fangirls sa mga ka-labelmates ng favorite KPOP Group nila. Naman kase, halos lagi silang nagkikita, tapos may mga interactions pa na off camera. Nakakainggit lang sila. Buti pa sila nakakasama yung mga bias natin. Buti pa sila nabigyan ng ganung kalaking chance to be with our bias and to spend time with them. Kainggit ng major! Sana tayong mga fangirls meron ding ganung chance. Well, meron din naman. Pero hindi katulad ng mga ka-labelmates nila. Buti pa yung mga ka-label mates nila alam yung cellphone number nila. Mas marami rin silang time para maging close. May mga time pang nagkakaimbitahan mag-party party. Buti pa sila! Nakakainggit.

Ikaw ba naiingit sa kanila? Ako, sobra~ Lalo na sa SNSD na yan! Buti pa sila nakakainteract ang Super Junior. Habang ako, major spazz lang sa harap ng computer at ng TV. T^T Kainggit lang.... :"(

Dilemmas of a KPOP FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon