First and foremost pera. Mahirap ang bansang Pilipinas kaya alam ko maraming fangirls ang problema ay pera. Meron naming iba dyan na pinagpala na at may kaya naman kaya wala na sa list ng dilemma nila ang pera. Pero sa pangkalahatan, problema talaga ang pera. Hindi lang naming mga fangirls kungdi pati na rin sa ibang bagay.
Fangirls' example:
“Ay shet~ magco-concert daw ang <KPOP Group Name> dito… Ampuuuu~ Wala akong pera…”
Dahil nga sa gusto naming mga fangirls na makita ang mga KPOP Idols naming, gusto naming umattend ng mga concert na ginaganap sa bansa natin. Yun lang kasi talaga yung only chance na makita namin sila ng harap-harapan. Alangan naman mag-travel pa kami sa ibang bansa? WALA NGANG PERA eh!
“Hala~ 10,000+ ang VIP? Mygosh~ Where am I going to get that amount of money…” <---- Nag-English lang siya pero wala talagang pera… XDD
Kadalasan kasi mahal talaga ang mga ticket prices pagdating sa mga KPOP concert. Syempre import yan from other countries kaya medyo mahal. Mahal din ang talent fee niyan dahil nga sikat hindi lang dito kungdi sa mas maraming iba pang countries...
“600+ lang daw ang general admission… Pag-iipunan ko muna…”
Ang general admission ang pinaka-murang ticket sa mga concert. Eto yung place kung saan ka nakatayo na medyo malayo sa stage na hindi mo masyadong makita yung mga performers. Pero pwede na rin ito at least nakapunta ka sa concert event :”) Yung ticket price yata ng General Ad ng Bigbang ay 1000+ yata… XDD Kadalasan ito ang afford ng mga hindi gaanong kayaman na mga fangirls.
“May bagong album sila… Waaah! Bibili ako! Kaso wala pa akong pera eh…”
Dahil sinusuportahan naming ang aming mga idol groups, bumibili kami ng album nila kahit nga kapos kami sa pera. Kahit pa sabihin na na-download na namin yan sa iba't ibang music sites, bibili pa rin kami ng album. Syempre iba kasi yung feeling na kapit mo yung bagay na pinaghirapan ng idols mo. Tapos minsan may mga freebies pa yung album na yun, like photo cards and posters. Mas masaya sa loob naming mga fangirls na makakuha ng mga ganung bagay kahit na gumastos kami ng pera.
Ganyan kaming mga fangirls. Kahit na sobrang kinakapos na sa pera basta para sa Idols namin, magagawa naming pag-ipunan yung mga ganung bagay. Hindi naman mahirap mag-ipon lalo na kung iisipin mo na may makukuha kang happiness with the sacrifices that you’ll be making. Yay! Napapa-English ako bigla… nyehehehe… ayun, ako nga nag-iipon for my most-awaited concert here eh… Sana matuloy yun~ ^^ Hwaiting~
BINABASA MO ANG
Dilemmas of a KPOP Fangirl
DiversosWala lang. Compilation ng mga bagay na tumatakbo sa utak ko ngayong gabi. Actually, hindi siya story eh.. Biglaang pumasok sa isip ko… :”””””> ito yung mga problems na kinakaharap ng isang fangirl na tulad kow!