Another post because me is facing another dilemma tonight. :"(
---
Madalas tong mangyari sa fangirl kapag may mga bagong KPOP Groups na lumabas. Lalo na kapag hindi na masyadong active or li-low muna yung grupong pinakagusto mo.
Syempre sa simula, you'll get addicted to only ONE Kpop Group. Yung tipong sila lang yung mundo mo. Yung kahit anong Kpop group, anong kanta, anong sayaw, anong pagpapa-cute ang gawin ng ibang K-groups, hindi maalis yung loyalty mo sa kanila. Doon ka makakapili ng tinatawag mong ultimate BIAS.
Yung ULTIMATE, ibang iba siya sa mga bias na tinatawag natin. Para kasi sa akin, pag sinabing ultimate bias, kahit na sino pang dumating sa'yo, never silang maalis sa number 1 spot sa puso mo. Kumbaga, come what may, siya lang ang number 1 mo. Hindi siya maalis doon. PERIOD! No Erase. Kaen susi.. :)
[Minsan yung ultimate bias ay nahahanap mo sa pinaka-LOVE mong K-group. Kunyare ako, Super Junior ultimate love ko, tapos yung ultimate bias ko si Lee Sungmin...]
Yung tipong, kunyare ELF ka. Syempre Super Junior for life ang drama naten. Anong mangyari, anong lumabas na balita, sinuman ang pumasok sa army, magkagulo man sa South Korea, mag-SS5 man sa ibang bansa, Sila pa rin ang gusto mo. Lalong lalo na sa bias mo. Kahit mag-army pa siya, kahit magunaw ang mundo, kahit magka-girlfriend pa siya, never kang magagalit sa kanya, kasi kahit anong mangyari, siya ang ultimate bias mo. Mahal mo siya!
Pero sa mundo kasi ng entertainment, hindi maiiwasan yung pagpasok ng iba't ibang talents, grupo. Minsan magugustuhan mo, minsan ayaw mo, minsan ineechepwera mo, minsan wala ka talagang paki. Kumbaga focus ka lang sa isang grupo.
Pero iba talaga kasi sa mundo ng KPOP. Minsan ayaw mo sa grupong yun or di kaya wala kang paki sa grupong iyon pero habang tumatagal nagiging addicted ka sa kanila. Hindi mo maiwasan na hindi sila masama sa listahan ng mga mp3, video, pictures na gusto mong i-download. Kapag nagkaganun, feeling mo nagta-traydor ka na sa bias mo.
Feeling mo ikaw na yung pinakamasamang tao sa mundo kasi nasasaktan mo si Bias kapag tumitingin ka sa ibang grupo.
Oh well, part of life yan. Part of KPOP life. Hindi maiiwasan.
Actually, I'm experiencing that right now. Feeling ko nagtataksil ako kasy Sungmin dahil unti-unting nahuhulog ang loob ko kay Hoya. Mygaaaaas. Syemrpre sasabihin ng iba, paranoid lang ako. Malakas mangarap. Masyadong imaginative. Pero iba kasi ang dating niyan sa mga fangirls. Hindi ko lang ma-explain ng maayos. Pero kasi parang ayaw mong masira yung loyalty mo kay ultimate bias kaya pinipigilan mong wag ma-inlove sa ibang idols. Pero nung hindi mo na mapigilan, parang nalulungkot ka kasi nagtaksil ka kay first bias. buti sana kung nakahanap ka ng other bias from the same group pero mas nalulungkot ka kasi from another group pa yung nahanap mong bias.
---
Gusto ng mga idols natin na sila lang ang tanging fandom natin. Katulad nga ng sabi ni Donghae, 'Don't cheat on us ELF...' Ang sakit isipin na dahil lang sa sandaling napanood mo yung ibang grupo, nakalimutan mo ng may pinapangalagaan ka palang grupo. Nasasaktan ka kasi feeling mo, nakalimutan mo na sila dahil nga yung atensyon mo nasa kabilang grupo na.
---
Mygaaaaaaaaaaaaas~ Kay fine. tinatamaan ako sa post kong ito. Ganyang-ganyan kasi ako. Feeling ko nagtatraydor ako sa SuJu lalo na kay Sungmin dahil nga unti-unti akong nagiging Inspirit. Yeah~ Unti-unting nakuha na ng Infinite yung loob ko and that is mainly because of Hoya.
Okay. Ako'y isang paranoid na author. XD
Sorry Lee Sungmin, kasalukuyan kasi akong naiinlove kay Hoya ngayon. BUT you're still my ULTIMATE BIAS. Pangalawa lang si Hoy. :)
---
Pasensya. medyo malabo yung post. Naintindihan nyo naman diba? OMAYGAD. ANg gulo ko na talaga. Mygaaaaas~ MinLai, ayos-ayos din... Nyhahahahah...
Basta inlove ako with two Lee. :) Ay panget pakinggan. XD
-baliw na post dahil baliw ang author. lutang pa. lugaw ang utak. pero inlove na. ♥♥
BINABASA MO ANG
Dilemmas of a KPOP Fangirl
De TodoWala lang. Compilation ng mga bagay na tumatakbo sa utak ko ngayong gabi. Actually, hindi siya story eh.. Biglaang pumasok sa isip ko… :”””””> ito yung mga problems na kinakaharap ng isang fangirl na tulad kow!